"Bakit nandito tayo? Hindi ko naman kailangan ng swimsuit." suplada kong sabi at akmang aalis pero pinigilan ako nito.

"You need one now." seryosong sabi nito.

"Bakit? Mag-swimming ba tayo ngayon?"

Tumango ito. Hindi ko naman napigilan ang mapangiti.

"I'll teach you how to swim." sabi nito na lalong nagpangiti sa akin.

Pinili ko ang isang puting bikini. S'ya naman ay kumuha ng isang puting swimshort. Bumili din kami ng mga damit pamalit namin at tsinelas. Pagkatapos no'n ay nagpunta naman kami sa supermarket para mamili ng sangkap ng adobo dahil susubukan daw n'ya akong lutuan.

Kumuha si Inno ng isang probadong villa sa Tagaytay. May dalawang palapag itong bahay at isang malawak na garden na may swimming pool. Tuwang-tuwa ako nang makarating kami doon. Sobrang ganda!

Nagluto muna s'ya ng makakain namin. Habang ginagawa n'ya iyon ay nagpadala ako ng mensahe sa mama ko na may pupuntahan lamang ako at late na ako makakauwi. Pumayag naman ito dahil hindi naman mahigpit ang mama sa'kin basta daw ay lagi lang akong mag-iingat.

"Ang bango naman!"

Natawa si Inno sa sinabi ko. Naggigisa palang kasi s'ya ng bawang at sibuyas.

"Saan ka natutong magluto?" sumandal ako sa gilid ng countertop at pinanuod ito sa ginagawa.

"Dito lang din, last week. Pinanuod ko si Manang Choleng." sagot nito na nagpalaki ng mata ko. Ibigsabihin ba nag-aral s'ya para sa'kin!?

"I'm sure 'yang ang best adobong manok in the world." nakangiting sabi ko. Natawa naman ito.

Hinayaan ko muna si Inno sa kusina at nanuod muna ako ng K-Drama sa sala. Dahil malapit lang ang kusina at sala ay hindi ko maiwasang minsan ay mapalingon sa kan'ya at magpantasya na kunwari ay mag-asawa kami at ito ang bahay namin! OMG!

Nang matapos si Inno sa pagluluto ay pinatikim niya ito agad sa'kin. Ngumiti ako dahil lasang adobo naman iyon. Sakto ang alat at lambot ng manok.

"Pwede ka nang mag-asawa!" nakangiting sabi ko. "Asawahin mo na 'ko." pahabol na biro ko pa sabay tawa. Seryoso naman itong nakatingin sa akin.

"Pumayag ka munang maging girlfriend ko."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Inno. Nang mahimasmasan ako ay ngumiti ako ng pagkatamis-tamis. Ito naman ay nanatiling seryoso ang mga tingin sa akin.

"Gusto ko, Inno. Payag ako." mabilis kong sabi at agad itong niyakap. Natawa ito at niyakap ako nito pabalik. Binuhat pa ako nito at binaon ko naman ang mukha ko sa leeg n'ya.

Walang mapaglagyan ang saya ko. Sa wakas! Opisyal na ngayong November 29, 2016! Kami na nga ni Inno.

Pagkatapos naming kumain ni Inno ay hindi kami naglangoy kaagad. Nagpahinga muna kami saglit. Napagdesisyonan namin na manuod ng isang movie sa sala at dahil sabi n'ya ay hindi pa s'ya nakakanuod ng kahit anong Wrong Turn Movies ay iyon ang pinili ko dahil paborito ko ang mga iyon.

Habang nanunuod ay tawa ako ng tawa sa tuwing nakikita ko ang reaksyon ni Inno kapag may katayan na nagaganap. Patayan kasi ang palabas. Diring-diri s'ya, sobrang cute!

Rated SPG ka ba?Where stories live. Discover now