Chapter 8 : Dark Spell

Start from the beginning
                                    

Adducam ad mortem (Will bring to the death)

 


“Montblanc!!! Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya!!!” walang tigil siyang sumisigaw

Dinampi ko bahagya ang kamay ko sa kanyang noo parang umaapoy na siya sa sobrang taas ng lagnat

Napansin kong unti-unting nagkakaroon ng paso ang buo niyang katawan at hirap na hirap siyang huminga   

Nakita ko na ang mga ganitong pangyayari hindi kaya….

Napatingin ako kay Montblanc “Huwag mo sabihing…”


“Tama ang nasa isip mo kinukulam siya”  


“Ano pa ba ginagawa mo!!! Humanap kana ng Spell para sa pangontra!!” nagulat si Montblanc at agad naman siyang naghanap sa kanyang mga libro

nakakaasar!! Sino naman kaya gagawa sa kanya nito

Napansin ko na bumubulong siya kaya inilapit ko ang tenga ko sa kanyang bibig


“N-na-nathan” sa pagkakarinig ko, Nathan ang sinabi niya, sino naman kaya yon

Paulit ulit niya ito sinasabi “LINTIK! Monthblanc matagal pa ba yan!!!” hindi ko alam ang gagawin ko.. ayoko nakikita siyang ganito


“Eto na nga eh! Naghahanap na!”  

Teka! Ano ang nasa mga mata niya..

Umiiyak siya habang paulit ulit niyang sinasabi ang ngalan ng taong yun

Ang tagal ni Montblanc, parang ilang sandali nalang mamatay na si Alice

Hinawakan ko ang kanyang kamay na puno ng paso, hindi ko alam kung tama itong gagawin ko




“Alice… Alice…don’t worry.. I’m here.. I’m here---” hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Alice “--- I’m here… Nathan…I always by your side, maayos din ang lahat huwag kang susuko” 

Alam ko para akong tanga dito, sinasabi ko na ako si Nathan pero sa totoo hindi naman, naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Alice at kahit papaano kumala siya

Napansin kong nakatingin sa akin si Montblanc “kelan pa naging Nathan ang pangalan mo?” siraulo talaga nito



“imbis na nakatingin ka sa amin, hanapin mo kaya ang pangontra!!”


“eto na nga nahanap ko na!” nahanap na pala kung ano ano pa sinasabi

Inurong niya ang mga gamit sa paligid, gumuhit siya ng malaking bilog sa sahig at naglagay siya ng kung ano anong simbolo sa loob ng bilog

Lintik yan! ang dami pang che che bureche!

Ibinuhat ko si Alice at inihiga sa loob ng bilog at nagumpisa na si Montblanc sa kanyang ritual

Pinagmamasdan ko si Alice, nakikita ko ang paghihirap niya unti unting nagiging violet ang kanyang labi at kamay

Matagal ba yan Montblanc! Bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya, nagaalala ba ako sa engot na yun

Lalo na nung hinawakan niya ako ng mahigpit, nakaramdam ako ng pagkainis, Ano ba nangyayari sayo Clyde hindi ka naman ganito dati


“Ano nangyayari dito?---” bigla nalang may nagsalita kung saan, nakita ko ang maliit na nilalang sa aking balikat “---hala! Hala! Mo-mortal! Ba-ba y-yung n-nakikita ko?” tsh. Bakit siya nauutal?


“Ou, bakit ba ang tagal mong dumating iniitay kana ng kapatid mo” pagkatingin ko sa balikat ko, nawala ang kausap ko

Nasa paanan ko na pala siya


“Clyde! Clyde! Tutulong ako! Malakas ang kalaban ni Momont, may naisip ako paraan”


“ano namang paraan yun?” pumunta ulit siya sa balikat ko

Ang kulit kulit ng mokong ito kung saan saan sumusulpot, may binubulong siya sa kanyang sarili at hinampas niya ako sa noo


“ARAY! Gusto mong tirisin kita!!” ang liit liit ang lakas manghampas


“Kapag may nakita kang usok sa ibabaw ng mortal ipahigup mo dito sa bote yun yung spell na nagpapahirap sa mortal” ibinigay niya sa akin yung bote


“Ou sige, gagawin ko” 

Pumunta na siya agad sa noo ni Alice, umupo siya ng naka-indian sit at nagsimula na siyang magbanggit ng mga spells

Ilang minuto lang unti-unti ko ng nakikita ang itim na usok sa ibabaw ng katawan ni Alice at sinasakal siya nito

Gumagamit ang mangkukulam ng Dark Spell sa mga walang kalaban laban na mortal hindi  makakaila na siya ay isang Soul Eater, kahit kailan lumalabag sila sa batas

++++++

Sana magustuhan ninyo itong chap. ...paputol putol ko kasi ito nagawa..hehehe

comment kayo

vote na din ...

Salamat sa pagbabasa ...

^___^V labs labs labs...

ALICE { o n  g o i n g ...}Where stories live. Discover now