Prologo

25 1 0
                                        

This is a work of fiction. Names, characters, business, some places and incidents are just part of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, persons, living or dead, is entirely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form and in any means without the permission of the author.

Prologue

The successful examinees who garnered the ten (10) highest places in the November 2001 Civil Engineer Licensure examination are in the following:

Awtomatikong nagpatakan ang aking mga luha sa tuwa nang mabasa ko ang aking pangalan sa top 5.

5. Julie Ann Balceda. San Carlos University. 92.55

"La!! Engineer na ako!! Engineer na ang apo mong napakaganda!!" sigaw ko sa aking Lola habang umiiyak sa tuwa at pinakita sa kanya ang screen ng aking cellphone. Nag-iyakan at nagyakapan kami sa sobrang tuwa pagkatapos niyang mabasa ang pinakita ko na resulta ng board exam sa kanya.

"Congratulations, apo. Salamat at tinupad mo ang pangako mo sa amin ng Lolo mo. Sobra pa nga ang binigay mo dahil nakapasok ka sa top 10. Sobrang proud ako sayo." sabi ng Lola ko habang nakayakap sakin kaya lalo akong naiyak. Pinahid niya ang luha ko. "Osya, tama na ang iyakan, kainan naman. Alam kong papasa ka kaya masarap ang niluto kong ulam. Sinigang na baboy. Kumain ka na at paborito mo yun." ngumiti naman ako at inakbayan siya papunta ng kusina.

"Pupuntahan mo ba si Miguel? Tiyak na matutuwa iyon kapag ibinalita mo na sa kanya iyan. Magpaalam ka na rin."

"Oo naman po, La. Di pwedeng hindi."

Hindi mabura ang ngiti sa labi ko habang naglalakad papalapit sa puntod ng lalakeng pinakamamahal ko. Totoo pala talaga na kaya mong mahalin parin ng sobra ang isang tao kahit di mo siya kasama at nakikita.

Miguel Altamirano
1977-1996

Inalis ko ang mga dahon sa kanyang puntod at hinaplos iyon. "I miss you, Migs." mahinang sabi ko. "Engineer na ako. Ang saya ko pero mas masaya kung kasama kita. Naiimagine ko nga ang reaction mo kung sakaling kasama pa kita ngayon.. paniguradong mas masaya ka pa sa akin at naglululundag sa tuwa." natawa ako ng mahina at pinahid ang nagbabadyang mga luha. "Limang taon na, Migs pero parang kahapon parin nangyari ang lahat. Hindi parin kita kayang kalimutan.. pakiramdam ko hindi na. Well, tanggap ko naman nang tatanda akong dalaga. Magfofocus nalang ako sa pagtupad ng mga pangarap natin, kaunting hakbang nalang naman maitatayo ko narin yung pangarap nating bahay." sumeryoso ang mukha ko nang maalala ko ang isa pang dahilan kaya ako nagpunta dito. "Pansamantala din muna akong mawawala, Migs pero wag kang mag-alala, babalikan parin kita dito. Kahit saan ako magpunta, dito sa San Carlos parin ang tahanan ko. Ikaw lang ang uuwian ko."

Tumambay ako doon ng ilang oras, nakatitig lang sa puntod ni Miguel na parang mukha niya mismo ang aking tinititigan. Hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin para wa akin ang mga alaala niya. Nagpasya lang akong umuwi nang magdidilim na.

"Sa susunod ulit mahal. Babalik ako. Lagi mo parin akong dadalawin sa panaginip ha.. mahal kita.." sabi ko at tumayo na.

Maglakad nga lang palayo sa puntod niya kahit limang taon na ang lumipas ay napakahirap parin sa akin, paano pa kaya yung ilang taon ko siyang hindi madadalaw? Pakiramdam ko kasi nakatayo lang siya doon at pinagmamasdan akong maglakad palayo, gaya ng huli naming pagkikita bago siya mawala.

La IngenieraWhere stories live. Discover now