Prologue

244 12 0
                                    

Zariah's POV

I killed her. I finally killed her. The mistress of my father, Queen Olivia Obsidian.

Nanginginig ang buong katawan ko habang naglalakad palayo sa kanyang bangkay. I can leave this hell now. Makakabalik na ako sa Ender World. Sa kaharian namin.

"Lugar na malamig, mga bagay na gawa sa kristal. Pintong papasok sa Ender World ay iyong buksan."

Bumukas ang portal na papunta sa mundo ko. Agad na akong pumasok dun bago pa may makakita sa akin. Pagkadating ko sa Ender World, kastilyo namin ang agad na nasilayan ko. Napaluha ako. Huli ko itong nasilayan dalawang taon na ang nakakalipas. Wala akong balita tungkol dito. Tungkol sa kaharian namin. Tungkol sa pamilya ko.

Walang nagbabantay sa gate ng kastilyo. Maging sa pinto ng Royal Hall namin kaya agad akong pumasok. Ano ang nangyari? Bakit ang bigat ng pakiramdam ko?

Habang naglalakad ako sa Royal Hall palapit sa trono ng mga magulang ko, hindi ko napigilan humagulgol na. Ayokong maniwala sa nakikita ko.

Bigla ko na lamang niyakap ang naging bato na mga katawan ng aking ama't ina.

"P-Prinsesa Zariah."

Lumingon ako at nakita ko ang ilang katulong namin dito sa kastilyo at mga iilang kawal. Gusto ko nalang umiyak ulit nung nakita ko ang pagmumukha nila. Madumi ang kanilang mga suot at mukhang gutom at uhaw sila.

"Anong nangyari? Bakit— Sino ang may kagagawan nito?" Tanong ko habang may kinikimkim na galit sa aking puso.

Gusto kong malaman kung sino ang may kagagawan nito. Gusto ko siyang magbayad sa ginawa niya!

"Ang Reyna ng Dark Shadow po." Sagot ng isang katulong.

Kinuyom ko ang aking palad. Si Olivia na naman. Hayop talaga siya. Sobra-sobra na 'tong ginawa niya! Buti nalang at napatay ko na siya. Pero hindi pa yun sapat. Sinira na nga niya ang pamilya ko, pinatay niya pa! At alam kong dinamay niya na rin ang mundo namin sa kasakiman niya.

Hindi sapat ang pagpatay ko lang sayo, Queen Olivia. Dinamay mo ang mundo ko, papatumbahin ko rin ang Dark Shadow.

***

Sinamahan ako ng mga katulong namin na mag-ikot sa buong Ender World para tignan ang buong sitwasyon. Ang village, nasira. May mga nahanap kaming mga nakaligtas pero mas marami pa rin ang bilang ng mga nasawi. Mga naging bato.

"Kailan pa ito nangyari?" Tanong ko.

"Matagal-tagal na rin po. Mga isang buwan na ang nakakalipas. Nung sinubukan kang hanapin ng mga magulang mo ulit. Sinubukan na nilang pumunta sa Dark Shadow pero nalaman iyon ni Queen Olivia kaya sumugod siya dito at ginawa ito sa mundo natin." Paliwanag ng isang katulong.

Mas lalo akong nagalit sa kabet ng aking ama. Napakasama niya. Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang loob ng aking ama pero nagpapasalamat nalang ako na hindi sila nagkaroon ng anak.

Dahil baka patayin ko pa yun kahit magkadugo kami.

"Tulungan niyo ang lahat na mga nakaligtas at dumiretso sa kastilyo. May mga kailangan akong sasabihin." Sabi ko sa mga katulong at tumango naman sila.

Nauna na akong maglakad pabalik sa kastilyo namin nang bigla kong naramdaman ang pagpatak ng ulan. Tumingala ako sa langit, madilim ang mga ulap. Napahinto ako sa paglakad at bigla din huminto ang patak ng ulan.

Mga kristal. Ang mga patak ng ulan ay naging mga kristal. Naglakad ako ulit pero nanatiling nakahinto ang mga kristal. May mga imahe akong nakikita sa bawat isa. Parang mga pangyayari ito.

Hinawakan ko ang isang kristal kung saan nakikita ko ang mga magulang ko. Bigla akong napapikit at may nakikitang pangyayari.

Nakikita ko si Queen Olivia na naglalakad sa Royal Hall namin. Sinubukan siyang palabasin ng mga kawal namin pero ginawa niya lamang silang mga bato. Nung nakalapit na siya sa mga magulang ko, bigla niya rin silang ginawang mga bato.

At dun na natapos ang pangyayaring nakita ko.

Tumakbo ako papunta sa kastilyo at bumuhos na ang ulan. Isa lang ang naiisip ko ngayon. Ang makapaghiganti. Kung hindi kay Olivia, kay Altherine ako maghihiganti.

Jewel 2: The Ender World (ON-GOING)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu