The photo was cropped para magmukhang isang lalaki lang ang kasama ko habang kumakain, tapos 'yong pangalawang picture naman ay si Mark habang kumakain nang mag-isa sa cafeteria.

The caption says, “Nahuli ko ang girlfriend ni Mark Dan Reyes na may kasamang ibang lalaki, pagkatapos si Mark mag-isa lang. The girl does not deserve him.”

    “Hindi talaga sila titigil 'no?” ani Lovie.

Suminghap ako at pinindot ang comment section noong post.

“Ang kapal ng mukha!”

“Parang hindi babae!”

“Kawawa naman si Mark, niloloko niya lang!”

“Umalis pa ng banda 'yong isa para sa kaniya tapos lolokohin niya lang?!!”

“So cheap!”

Chrishelle Miracle Alvarez, 'yan guys minention ko na 'yong malandi!”

   Nanginginig ang mga kamay ko nang ibalik ko kay Lovie ang phone niya. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon... actually wala naman akong pakialam sa tingin ng mga ito sa akin. Nag-aalala lang ako kay Mark, mag-isa pala siyang kumain kanina. Bakit hindi niya nalang sinabi sa akin? I feel guilty.

Nagmamadali ako sa paglalakad while I try to call Mark, luckily ay sinagot naman niya kaagad iyon.

     “Nasaan ka?” Tanong ko.

“Nandito sa field– bakit?”

        “Wait for me there,” saad ko at ibinaba na ang tawag.

Medyo kinakabahan ako ngayon dahil iniisip ko na baka naniwala siya sa mga 'yon. Ayaw ko na pagmulan na naman ito ng misunderstanding naming dalawa.

   Halos mabali ang leeg ng ibang mga estudyante kapag nakikita ako dahil sunod sila ng sunod ng tingin. Sinabihan naman ako ni Lovie na huwag nalang silang pagtuuanan ng pansin.

    I nodded and walked faster, hinahapo ako nang makarating na sa field. Nakita ko rin agad si Mark sa may ilalim ng puno, he was patiently waiting there like what I have asked him to do.

Naglalakad pa lamang ako papunta sa kaniya ay may nauna nang lumapit sa kaniya.

“Si Sabrina 'yon 'di ba?” ani Lovie.

   Tumango ako at pinagkunutan ng noo ang nakikita ko. Naiinis ako pero lumapit pa rin ako kila Mark at Sabrina, bakas naman sa mukha ng kapatid ko ang gulat nang makita niya ako. Tumigil siya sa kung ano man ang sinasabi niya kay Mark kanina.

“Sabrina...” banggit ko.

    “So Mark, nakita mo na ba?” Nagsalita ulit siya. She did not pay attention to me.

       “Ang alin ba?” Patamad na sagot nito.

Pigil hininga naman ako habang naghihintay sa mga susunod na ikikilos ni Sabrina. Bakit ba kasi ang daming tsismosa na nagpapakalat ng mga maling impormasyon?

    Inilabas nito ang phone niya at ipinakita 'yong post. Wala namang reaksyon si Mark, parang hindi man lang siya nagulat.

     “Nakita mo na?”

“Oo, kanina pa.” Nagkibit balikat siya at tumitig sa akin.

      “She is cheating on you, sabi ko naman sa'yo pinaglalaruan ka lang ni Chrishelle. Kilala ko yan–“

“Tsismis lang 'yan, marami silang kasama kanina. Kasama ni Miracle ang mga kagrupo niyang mag-lunch. Halata naman sa picture na pinamukhang silang dalawa lang ang magkasama.”

    Natahimik si Sabrina dahil sa sinabi ni Mark at ibinaba na ang phone niya.

“Hindi ako lolokohin ng kapatid mo, alam mo dapat 'yan. Hindi niya gagawin ang ginawa ng tatay niyo sa kanila ni Tita Francisca.” Hinapit ako ni Mark sa tabi niya at hinarap kami ni Sabrina sa isa't-isa.

Nanggigilid na ang mga luha ko ngayon at mukhang ganoon rin si Sabrina, wala siyang sinabi sa akin pero parang pinagsalitaan na niya ako ng mga masasakit na salita dahil sa mga titig niya.

    “Humingi ka ng tawad kay Miracle.” Si Mark.

Sabrina gritted her teeth and turned her back. Noon na ako nawalan ng lakas sa pagpigil ng luha ko, pinunasan naman kaagad ni Mark iyon at lumapit na rin si Lovie para hagurin ang likod ko.

   I have mixed emotions right now. Masaya ako kasi naiintindihan ako ni Mark at malaki ang tiwalang ibinibigay niya sa akin, pero nalulungkot rin ako dahil hanggang ngayon ay punong-puno pa rin ng galit ang puso ni Sabrina para sa akin.

     “Irereport ko sa head ng school 'yung nagpost noong mga picture. Paghihingin ko rin siya ng tawad sa'yo.” Niyakap ako ni Mark habang umiiyak pa rin ako. Hindi na rin kasi ako makapagsalita.

   Madali namang naipatawag 'yong babaeng nag-post noong maling tsismis sa social media. Pinagpost na rin siya ng public apology at deleted na 'yong nauna. She even gave me a halfhearted apology in person.

     “Huwag mo nalang uulitin iyon, kahit kanino pa.” Payo ko sa nakayukong estudyante.

“Sorry na talaga, naawa lang naman ako kay Mark.”

     “Kahit na, you should be responsible sa mga pinopost mo sa social media. Isipin mo muna 'yong puwedeng consequences noon. I understand that you are still young and can be easily driven by your emotions, ganoon rin naman ako minsan. Kaya sana maging lesson 'to para sa ating lahat.”

I chose to be the bigger person and forgive. Hindi na ako nakipag-argue pa at binigyan na lamang siya ng payo, bata pa kasi ang isang ito at Grade nine pa lang.

The Playboy's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon