Bago pa ako makarating sa pwesto niya ay naglakad na siya papunta sa pwesto ko. He was wearing a uniform.  Hawak ang kanyang pulang blazer, inayos niya ang suot na kurbata gamit ang kanyang kanang kamay bago tumingin sa akin. 

"Sure ka na sa suot mo?" Tanong niya at huminto sa harap ko.

I just stared at him emotionless. Natawa naman siya sa hindi ko malamang dahilan.

"Bahala ka. Tara na," pauna niya.

Sumunod lang ako. Nang makahanap siya ng masasakyan ay pinauna niya akong pumasok sa loob.

"Prelim exam na next week, kaya mo bang magrush?" He asked suddenly.

"Hindi," I answered honestly.

"Ano bang naaalala mong pinag-aralan mo?"

"Wala."

"Ha?"

Tinignan ko siya bago magkibit ng balikat. I heard him sighed. He tapped his fingers in his forehead. Nakapatong ang siko nito sa bintana ng sasakyan. Probably thinking how noob I am.  Alam ko naman 'yong mga tinuro ni Assie. Pero wala akong gana para sabihin sa kaniya lahat ng 'yon. Masyadong marami.

Makalipas ang ilang minuto ay huminto na rin ang sasakyan sa tapat ng malaking gate. May mga  estudyante na rin na nagmamadaling pumasok sa loob.

"Shit," I heard him cursed. "Pwedeng ikaw muna magbayad? Naiwan ko ata 'yong wallet ko."

Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya o niloloko niya lang ako para pagkaperahan.

"Okay, fine." Sambit ko dahil wala naman akong balak makipagtalo sa kaniya. Inilabas ko ang pera at inabot sa driver bago lumabas sa sasakyan.

"Sorry, nakalimutan ko ata. Hindi ko maalala," muling sabi nito.

"It's fine," I affirmed. 

"Hatid na kita sa classroom mo. Malungkot sabihin pero magkaiba tayo ng block." Kwento niya habang naglalakad kami. Tumango naman ako bilang sagot. "Sabi ko kasi ilagay ka sa block ko. Tsk. Gagawan ko na lang ulit ng paraan."

"Okay lang."

"Sunduin na lang kita after class mo," he said, walking away. I just nodded.

Pagkatapos niya akong ihatid sa ikaapat na palapag ay bababa raw siya ulit sa unang palapag. Doon ko na lang daw siya hanapin kung may kailangan ako. Pumasok ako sa classroom nang hindi man lang nila napapansin. Marami silang ginagawa para mapansin na may bampira silang kasama sa loob ng silid-aralan nila.

Ibinaba ko ang bag sa bakanteng upuan na nasa dulo at tapat ng bintana. Sumandal ako sa upuang 'yon habang nakatingin sa labas. Bigla silang tumahimik at nagsibalik sa kani-kanilang upuan. Napunta ang atensyon ko sa  isang babae na pumasok sa pinto.

"Nandito na ba 'yong bagong estudyante?" Bungad niya pagkababa ng gamit sa kaharap niyang mataas na lamesa.

Itinaas ko naman ang kamay dahilan upang mapunta lahat ang atensyon nila sa akin. It feels a little weird... But forget it.

"Can you please introduce yourself?"

Tumayo ako. Damn! Anong dapat kong sabihin sa kanila? Hindi man lang ako sinabihan nila Nisha tungkol sa pagpapakilala. Hanggang saan ba ako dapat magpakilala? I can sense their extreme stare. They're all waiting... Damn!

"I'm Av—no sorry..." I paused, "I'm Quila Bonavich, thir—sorry... Seventeen years old." Napapikit ako sa mga pinagsasabi ko.

Gusto kong umirap pero hindi ko magawa. Nakatingin silang lahat sa 'kin.

Extinction: The Curse Of TimeWhere stories live. Discover now