"Ay sorry Captain pasmado kamay ko eh. Time freeze na muna ha? Wala kang karapatan magalit, si Mamsh Jorgie lang kasi 'yung toyo at sibuyas niya hindi ko pa nabibigay, hindi niya na matapos tapos 'yung adobo niya!" hindi niya ako pinansin at diretso lang ang tingin niya sa gilid ko.

"Deam, buy more soysauce and onion ang give it to her boss." malamig na usal nito. Boss? Anong ibig niyang sabihin? H'wag mong sabihin na alam n'yang si Mamsh 'yung master mind?

"Parang awa n'yo na po. Wala po akong kasalanan! Baka nagkakamali kayo Captain Bato." umakto akong umiiyak pero pinagtaasan niya lang ako ng kilay.

"Captain Bato huh?" aba? Arte, ayaw pa atang magpatawag ng Captain Bato? Eh, ako ng tinatawag na Pintura Senarya. Napakaganda ng pangalan ko tapos, tatawagin lang nila ako ng gano'n hindi ba.

"Malamang tagalog ng Roks ay bato. Aba hindi lang pwede pangalan ko 'yung tinatagalog!'' gumalaw ang panga niya at binigyan ako ng matang hindi makapaniwala.

"My name is Roks not Rocks." ngumiti ako ng matamis sakaniya atmalutong kong binigkas ang "Bato." sinamaan niya ako ng tingin saka pinaandar na ang sasakyan at 'di nalang ako pinansin.

Huminga ako ng malalim at malakas na umarteng umiiyak. "Oy parang awa n'yo na po, 'yung tatay ko may sakit! 'Yung mga kapatid ko nagaaral. Ako lang po nagt-trabaho sa pamilya namin!" hindi niya ako pinansin at patuloy lang siya sa pag d-druve kaya tinodo ko na ang pagsigaw at pagiyak ko.

"Can you stop barking?" inis na saad niya kaya nanlaki ang mata ko dahil naintindihan ko ang sinabi niya.

"Anong sabi mo?!" nagpipigil kong sambit kaya madiin lang niyang sinambit saakin ang "STOP BARKING!" at talagang inulit pa? Potakte! Ang lakas ng loob niya akong insultuhin.

"P-yeta ka! Alam mo bang pinapalampas ko nang tawagin mo 'ko ng doggy! Tapos ngayon pinapatigil mo 'kong tumahol! Nakakainsulto!" sino bang matutuwang tawagin na doggy? A.k.a doggy? Putspa! Tapos ngayon sinasabihan akong tumigil kakatahol, sumosobra na diya!

Galit akong sumugod sakaniya at pinaghahampas siya kahit nakaposas ako kaya iniharang niya ang kanan kamay niya saakin habang ang kaliwa ay pinag d-drive niya. "Enough! Gusto mo bang mabanga tayo?!" bawal niya saakin pero hindi ako nakinig at patuloy ako saaking ginagawa.

"F-ck, stop Cenery! Stop!" galit at maotoridad na sigaw niya.
"Hindi lang tayo ang mababanga! There's so many people here!" napatingin ako sa daan at tama nga maraming tao na posibleng mabanga kaya natuhan ako at pretende pero hingal na hingal akong bumalik nalang sa kinauupuan ko.

Nakahinga siya ng maluwag nang tumahimik na ako at 'di na gumalaw pero hindi niya alam iniintay ko lang na makadaan kami sa mapunong parte bago ko siya kukulitin.

At mahigit sampung minuto na paghihintay kong dumaan kami sa isang daan kung saan walang mga tao at may puno lang sa gilid kaya nagumpisa akong guluhin ulit si Roks.

"What the hell is your problem?!" inis na sigaw niya pero ginugulo ko lang siya hanggang sa bigla nalang bumanga ang sasakyan sa gilid ng kalsada, sa puno mismo. "Shit!" malakas akong nauntog dahil hindi ako nakaseatbelt kaya naramdaman kong nagagusan ang dugo mula sa noo ko.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon