"Crush, my ass..." bubulong-bulong siya pero unti-unti na ngang nawawala ang simangot niya. Nawawala na rin ang kunot ng noo niya.

Konti na lang! "Uy, ngingiti na ang Bossing ko! Sige na, ngiti na!" patuloy ko pa sa pangangatyaw.

"Tss," aniya lang pero huling-huli ko ang tipid na ngiti na sumilay sa mga labi niya, saka siya nanguna na sa pintuan at nagyaya. "Let's go!"

"Yes, Sir!" at ngayon ay ngiting-ngiti na ako nang sundan ko siya palabas ng bahay.

Dito lang kami sa loob ng subdivision mag-ja-jogging. Tutal, malawak na rin naman dito, hindi na namin kailangang mapalayo.

"Kailangan natin ng isang oras na jogging para maayos 'yang mga tuhod mo mamaya sa training," wika ko sa kaniya habang nag-i-stretching ako. Pagkatapos ay huminga ako ng malalim at nilingon siya. "Ready, Bossing?"

"Yeah," sagot niya lang habang diretso na ang tingin.

"Let's go!" at nag-umpisa na nga ako sa pagtakbo, sumunod naman siya agad sa akin.

Habang tumatakbo kami ay hindi ko hinahayaan na magkaroon kami ng agwat sa isa't isa, pinapantayan ko siya. Dinadaldal ko rin siya pero sobrang tipid lang ng sagot niya. Minsan, nag-jo-joke ako, pero tipid lang din siyang napapangiti. Pero ayos lang, accomplishment 'yon para sa akin!

Nang umabot kami sa may gate ng subdivision ay binati ko pa si Kuya Gerald, 'yong security guard na naroon ngayon. Nakilala ko na kasi sila at nakakabatian din araw-araw. Bumati rin naman ito pabalik sa akin. Binati pa nga nito si Bossing, pero wapakels itong kasama ko.

Matapos ang isang oras na jogging, bumalik na rin kami sa bahay.

"Here, Bossing," abot ko sa kaniya sa sandwich na hinanda ko kanina pag-gising. "Ito lang ang breakfast natin para hindi gaanong mabigat mamaya kapag nagsimula na tayo ng training," wika ko. Tinanggap naman niya 'yong sandwich at kinain.

Ilang minuto lang, nagtungo na nga kami sa gym niya. Mas na-excite naman akong magsimula na nang makita ko 'yong octagon. Hindi ko pa rin akalain na meron siya nito rito.

"Okay, Bossing, dahil ito pa lang ang umpisa natin, magsisimula muna tayo sa basic. 'Di ba sabi mo na-try mo na rin dati na mag-training?" wika ko sa kaniya nang makapasok na kami sa loob ng octagon.

"Ahmm, yeah. A little bit,"

"Okay! So, sa 'little bit' siguro na 'yon may idea ka na sa self-defense man lang. Kaya simulan na natin!" sabi ko at umayos na nga.

"Wait!" bigla niya naman akong pinigilan. "You're only going to be easy on me, right? Because if I got hurt, patay ka sa 'kin!" banta pa niya.

Napangisi ako. "Don't worry, Bossing. I-easy-han ko lang! Trainer mo 'ko, 'di ba? Oo, masasaktan ka, pero hindi naman 'yong tipong ma-o-ospital ka! Kaya, relax..." nag-thumbs up pa ako sa kaniya. Ilang sandali ay tumapat na nga siya sa akin.

"Una, suntukin mo ako, Bossing," utos ko sa kaniya nang magsimula na kami.

"What?"

"Suntukin mo ako! Sige na!" at umayos na nga ako para abangan ang ibabato niyang suntok.

Hindi siya tuminag agad, nagdadalawang isip pa yata siyang gawin ang sinabi ko. Sinenyasan ko na siyang sumugod. At ilang sandali, sumuntok na nga siya na mabilis ko ring nailagan.

"Ano ba 'yan, Bossing! Seryoso? Gan'on ka lang sumuntok? Bakit ang bagal? Akala ko ba lalaki ka?" singhal ko sa kaniya habang nakapameywang. Ang weak, eh!

"What did you say?!" at nagalit pa siya!

Napa-'tsk' ako. "Nag-aalangan ka bang masaktan ako? 'Wag kang mag-alangan! 'Wag mong isipin na babae ako. Basta, bigyan mo ako ng pinakamalakas mong suntok!" at sinenyasan ko ulit siyang sumuntok. "Go, suntok!"

Guard Up!Where stories live. Discover now