[Prologue]
Lagi kang nandyan sa tuwing malungkot siya at pagkailangan niya ng makakasama.
Akala mo ok na siya.
Akala mo napapasaya mo na siya.
Akala mo mahal ka na niya.
Pero hanggang akala lang pala ang lahat ng 'yon dahil ang totoo kahit anong gawin mo, hinding-hindi mo mahihigitan ang taong una niyang minahal. Hindi mo matutumbasan ang saya na binigay ng taong yon sa kanya.
Totoo nga pala talaga yong sinabi nilang mahirap magmahal ng taong hind pa tapos magmahal ng iba.
Kailanman ay hindi ka magiging sapat sa kanila lalo na kung ang puso nila ay hindi naman nakalaan para sayo.
And in the end, you will just find yourself broken and shattered beyond repair.
Pero paano kung siya pala talaga tapos sumuko ka?
Yong alam mo namang impossible pero kumakapit ka pa rin sa 0.1% chance na baka maging kayo rin sa huli.
Bitaw na o sige pa?
May mas sasaklap pa ba sa Unrequited Love?
BINABASA MO ANG
Begin Again (COMPLETED)
General FictionDuology #2 When you thought its finally over but never. Kate Jasmin De Vera, isang masipag at ulirang anak. Lahat gagawin niya para sa kanyang pamilya mabigyan lamang ang mga ito ng magandang buhay. But what if no matter how hard she try, it's still...