CHAPTER 64 : MOON

Depuis le début
                                    

Napadilat ako nang yugyugin niya ako. "Rhea, matatagalan tayo matapos kapag hindi ka nakinig sa akin. Ikaw rin. Hindi ko na uulitin 'to. Bahala ka." Nahimigan ko ang marahang pagbabanta sa kanyang boses kaya dinilat ko ang aking mata gamit ang mga daliri ko.

"Game. Continue." Pinitik ni Shai ang kamay ko na nakahawak sa tuklap ng aking mata.

"Rhea, puro kalokohan."

"Hindi ako nagloloko. I told you. Inaantok talaga ako."

Mula sa pagkakahalukipkip ay nilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang baywang. Donya Facunda, is that you?

"Anong oras ka ba natulog kagabi at mukhang ndgpuyat ka ata."

"Sisihin mo yung pinsan mong punung-puno ng kakornihan sa katawan. Hindi ako pinatulog ng maayos."

"Though, I wonder kung anong ginawa niyo magdamag, I don't think it's my business." Napakamot ng kilay si Shai. "Step 1, Rhea. Hindi mo na ba naaalala ang notes and list na iniwan ko sayo noon? Di ba sabi ko ay huwag magpapa-stress at matulog ng maaga para sapat ang beauty rest?"

Napairap ako pataas. Magaling. Pati iyon ay talagang natandaan niya. Wala na talaga akong kawala. Naubusan na rin ako ng ipapambara. Wala na akong masasagot sa maipalusot sa matatalinong sagot ni Shai. Ang tindi.

"Sorry na." Nag-sorry na lang ako para matapos na. Pero si Delgado talaga ang may sala ng lahat. Puro kalandian kasi sa text ang alam.

"Huwag na sana maulit 'yon." Pabuntong hiningang sabi ni Shai. "Back to step 4, hindi madali ang masanay. Pero nadadala 'yan sa practice. Yung curse jar muna ang magiging basehan natin ngayon."

Humikab ako at inabot ang curse jar na nasa side table. Ang hirap ng step 4. Pinakamaharap ngunit pinakachallenging. Mukhang ma-f-fail ko ata ito. Ang hirap talaga, eh. Do'n palang sa pag-iwas na mapamura, nangamngapa pa rin ako. Hindi na lang muna ako aasa.

"This will be an extra-challenge for you. For the first time ay ipagsasabay mo ang pagpa-practice ng dalawang step. Watch every word you will say habang itinuro ko na sayo ang step 5."

"Tungkol saan ba ang step 5?" Kinuha ko ang kontratang medyo lukot-lukot na. "Always. . .poised? Keep your composure and smile?" Tumingin ulit ako kay Shai, kunot-noo. Hindi ko mapagdesisyunan kung dapat ko bang itanong sa kanya ang ibig sabihin ng salitang 'poised.' Sorry naman. Hindi masyadong malalim ang pagkakaintindi ko sa salitang 'yon.

Pumalakpak si Shai. Mukha na naman siyang excited. "'Yan ang dapat mong matutunan! Ang magkaro'n ng konting elegance sa katawan. Pati pagngiti. You'll become prettier kapag lagi kang ngumingiti. Pero dapat unahin natin ang posture mo dahil malaking factor yun sa pagsisimula natin."

"Ahh, okay." Hindi ko talaga magawang ma-excite kahit nagrerelease na ata siya ng sarili niyang energy para i-share sa akin. "So, kailan tayo magsisimula? Ngayon na?"

"Mamaya." Kumindat siya sa akin. "Hindi pa tayo tapos magbriefing."

Briefing. Briefing. Walang katapusang briefing.

Sandali akong humingi ng break. Nagpaluto ako ng merienda kay Yaya Martha. Light meal lang dahil hindi ako pinayagan ni Shai. Strict siya sa diet ko. Kahit nangatwiran ako na magd-double time sa pagwo-work out ay hindi talaga siya pumayag sa gusto ko.

"Rhea, hindi lang ako body conscious. Health conscious rin ako. I don't eat meat regularly. As much as possible, iniiwasan ko ang pagkain ng karne. I also don't like too much sweets."

Napangiwi ako. "Ba't mo naman iniiwasan?"

"Hindi 'yon maganda sa katawan. Mas masustansya pa rin ang vegetables and fruits."

10 Steps To Be A LadyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant