Salty, Bittersweet Kisses

25 2 0
                                        

A collaboration with DeadlyCaliber. Special thanks to you! Salamat sa idea saka sa tiwala. Naipagpatuloy ko 'to after a year HAHAHAHHAAH.

---

"Where do you want to go after this?" Gemini asked me while licking his dirty ice cream we bought a few minutes ago while walking along Intramuros.

"Pasok tayo sa mga churches," I beamed cutely.

"You never been there yet?" he asked then he removed the tissue wrapped around the cone of his ice cream so he could eat it.

Umiling ako.

"Aren't you tired? Kanina pa tayo lakad nang lakad." His face crumpled because of the blinding sun rays. Pawis na pawis na rin ito wala pa naman kaming payong na dala.

"Wait!" Pinahinto ko siya sa paglalakad sabay bunot ng panyo ko sa maliit kong sling bag.

Ipinunas ko iyon sa noo niya sabay balik nito sa bag ko. "Wala naman siguro hindi napapagod ikutin 'tong Intramuros," sabi ko pa saka kami nagpatuloy sa paglalakad.

"Malayo pa ba?" May iritasyon sa tanong niya. Ipinangako ko kasing dadaan kami ng McDonalds bago umikot ulit at libutin ang lahat ng pwedeng pasukin rito.

"Kaunting kembot na lang, Gem. Ano ba 'yan, 'di ka pwede sa alay lakad!" Biro ko pa at exaggerated na umiling-uling sa tabi niya.

This guy's too innocent.

Gemini is my boyfriend, 2nd anniversary namin ngayon. We've spent like almost a year dating, virtually kaya ganito na lang kabago para sa amin ang makilala pa ang isa't isa. I met him on a dating site, very random. Ang masama pa, galing itong Cebu. Bisaya kaya minsan mas pinipiling mag-english para magkaintindihan kami.

"Sir, nandito na po... tayo! Tada!" Masigla kong itinuro ang kinatatayuan ng McDonalds sa loob ng Intramuros. Pakiramdam ko gutom na gutom na kaming pareho at init na init kaya halos mag-unahan kami sa paglalakad. Ipinagbukas niya ako ng pinto.

"Can we stay here for a bit long?" Bulong niya sa akin habang nakatayo kami sa tapat ng counter habang nagdedecide ng kakainin.

"Oo naman! Tanghaling tapat na rin so yeah, mga one-thirty or two na tayo—"

"Three na lang. Sige na." Para itong bata na nagmamakaawa. Tiningnan ko siya for like 5 seconds bago ngumiti at tumango.

"Order na. Dali, ano'ng sa'yo?"

Sabi niya sa akin at napansin ko rin naman na taong bahay talaga ito. May kaya kasi ang pamilya kaya parang madali lang ang resources sa kanila, accessible lahat sa loob ng bahay. Ako, ewan ko kung bakit ako naging jowa nito. Hindi ako mayaman pero hindi rin naman sing hirap ng daga, may nakakain at natutulugan pa rin naman. Baka nagclick lang talaga kami dahil almost same interests but definitely not the same personality and life situation. Opposite attracts nga talaga.

Nang makaorder ay mabilis kaming nakahanap ng upuan.malapit sa counter at kuhaan ng gravy at 'yon ang kanina niya pa tinitingnan habang nakapila kami. Sobrang pagod siguro.

"Madalas ka rito?" Tanong niya. Umiling naman ako. Pangatlong beses pa lang yata pero hindi ko pa rin naikot at kabisado ang mga daan.

"Basta, mag-ipon ka ng lakas ngayon dahil lilibutin natin 'to mula sa dungeon, churches, Fort Santiago tapos sa Luneta tapos museums, college universities tapos balik tayo sa Quiapo," sabi ko na parang naimapa ko na ang lahat at hindi mapapagod sa haba ng lakaran na iyon.

"You sure, 'di ka madalas dito?"

"Hindi nga! Palakad-lakad lang kasi kami noon ng mga kaibigan ko rito, unang punta namin tapos pangalawa naligaw kami pero may nalusutan naman kaya halos mapagdugtong-dugtong ko ang daan," paliwanag ko.

Salty, Bittersweet Kisses [June]Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora