Chapter 1: Letter

55 0 0
                                    

"Huy, Keanna! Gumising ka nga dyan. Tutulog ka na naman eh. Nakatulog ka na nga sa buong klase kanina tapos ngayon tutulog ka na naman." bulong sa akin ni Sab na katabi ko lang. Nagulat naman ako.

Ano ba to?! Palagi na lang nanggugulat. Kita ng natutulog yung tao gigisingin nya.

"Ano ba? Wag ka nga manggulat. Inaantok pa ako eh, hayaan mo na lang ako. Last na to. Tsaka ang boring kaya netong klase na to. Matagal na ako nagtitiis dito sa class na to. Pero hindi ko na talaga kaya. Nakaka suffocate." pabulong kong sagot.

"Tiisin mo na lang ulit. Mamaya makita ka pa ni Mam na natutulog. Alam mo na susunod na mangyayare." sabi nya.

Pano kasi si Mam sobrang ano. Makita ka lang nya natutulog, nakikipagusap o nagsasalita magisa kahit meron naman, papalabasin ka na lang ng room. Manghiram ka lang ng lapis sa katabi mo, "get out!" agad. Kaya ayoko talaga sa kanya. Hindi ko alam kung meron sya palagi o ganyan lang talaga ugali nya. Nakaka.

"Kung pwede lang sana lumabas-" biglang naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Mam. Patay!

"Keanna! Makakalabas ka na." sabi ni Mam. Ay sakto oh. Gusto ko rin lumabas eh. Joke! Ano ba yan. Ni hindi nga nya ata nakita kung sino umiimik eh at hindi nya rin alam pinaguusapan namin. May evidence ka ba Mam? Visto mo ba ako? May nakita ka ba? Wala diba PO. Alamin nyo po muna kasi bago kayo mansisi though ako naman talaga.

"Pero-" magsasalita na sana ako pero pinutol nya na naman. Grabe mambitin. Hindi pa po ako tapos.

"No peros no buts. Lalabas ka o lalabas ka?" mataray na tanong nya. Mam naman eh. Ngayon na nga lang ako tutulog sa classe mo, binitin mo pa ako. Wag ganun Mam!

"Papasok po." mahina kong sabi. Natawa naman yung iba kong kaklase. Minsan talaga napapasagot na lang ako. Nakakainins na rin kasi minsan si Mam eh, wala na ibang ginawa kundi palabasin mga estudyante nya. Favourite nya ata ako eh, ako parati pinapalabas nya. Hindi nya ba alam na wala rin naman akong mapapala kung lumabas ako? Mas lalo akong walang matutununan kung palabasin nya ako. Baka nga babaan nya pa yung grades ko eh. See. Walang maganda dulot yung pagpapalabas nyo sa amin.

"Anong sabi mo?" pero mukang hindi nya narinig. Buti na lang. Kung hindi, 0 na naman ako sa klase nya.

Umiling na lang ako at niligpit ang aking mga gamit. Nakasimangot akong naglalakad palabas. Nakakainis! Pailan na ba to? Pailang beses nya na ba akong pinalabas? Siguro marami na. Hindi ko na mabilang. Palagi nya na lang akong nahuhuli samantalang wala naman akong kasalanan. Wala akong kasalanan! I am not guilty! Si Sab naman talaga yung kumakausap sa akin, nagkataon nga lang na ako palagi ang nakikita nya.

Napagisipan kong dumaan muna sa locker ko para ilagay yung mga iba kong gamit. May nakita naman akong limang lalaki na medyo malapit sa locker ko. Uuughh! Sila na naman. I knew it! Ano na naman ba ngayon? Linggo linggi na lang sila dito. Wag nyong sabihin meron nanaman kayong mga nilagay sa locker ko? Ang kulit talaga nila!

Pagkabukas ko ng locker ko, as usual, ang dami na namang mga papel, more like basura na. Sa araw araw akong pumupunta sa locker na ito, araw araw din may laman ng mga papel ito. Walang gana kong binuksan isa isa ang mga papel at binasa.

"Dear crush, ang ganda mo. Mahal na ata kita. -Your secret admirer." Ano yun? Nasa muka ang pagmamahal? Pero ang gusto ko sa mga sulat nila, nakakatawa. Yung parang seryoso na nakakatawa. Parang nantitrip lang.

"Hi babe. Pwede ba manligaw? Roses are red, violets are blue, I don't know you but I love you. -Your future boyfriend."  seriously? MU ka eh. Ligaw agad? Ni hindi ko nga alam na nageexist ka pala eh.

"Ako ang tatay mo."

"Hey, Ky! Kelan mo ba ako sasagutin? Ako kasi sinasagot na kita. OO NA. -gwapo ako" grabe mga trip ng tao ngayon. Nasisiraan na ng ulo. Bakit hindi na lang sila ang magligawan total hilig nila manligaw eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 23, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ANONYMOUSWhere stories live. Discover now