Celestia
I released a deep sigh as I watched different people prepare themselves to step out the plane. Nanatili akong nakaupo habang isinuot ang sombrero at salamin.
Sa tantya ko ay alas dose na nang tanghali kaya tirik na tirik ang araw at ang init ay paniguradong sukdulan. I rolled my eyes at the thought of walking down under that intense heat! Paniguradong mamumula ako agad!
Nakahinga ako ng maluwag nang tumayo ang aking katabi para makababa. Nakakabanas ang flight na to! Bukod sa dumating ako ng tanghali ay minalas pa sa katabi. He's slightly leaning on me kahit pa minsan-minsan ay tinutulak ko palayo at nagigising. Dagdag pa dun ang amoy niya, he does not smell bad nor good. Sadyang hindi ko lang talaga gusto ang pabango niya at mukhang nasobrahan pa ata ang nailagay kaya masakit sa ilong.
"Anong pumasok sa isip mo at dito mo ko naisipang papuntahin?"
Marahas kong pinaypayan ang sarili gamit ang kamay kahit nasa lilim na nang airport. Konting kalabit na lang ay maiiyak na ko sa inis. Ang bigat pala ng inimpake ko, of course I brought everything that I need! Kung pumayag lang sana si Rio na magsama ako ng isang katulong ay hindi ako mahihirapan ng ganito. Nakakainis!
"Hi there sissy. Ganda ng bungad mo ah." tawa nito sa kabilang linya.
"Hintayin mong makabalik ako diyan at titiyakin kong wala ka nang ganang makangiti man lang kakahanap sa bagang mo. Kairita!"
"Sinabi ko naman sayong konti lang yung dalhin mo diba? Yan ang napapala mo sa katigasan ng ulo mo." tawa ulit nito sa kabilang linya.
Pinatay ko ang tawag bago padabog na sinalubong si Tita Bettina sa waiting area. She reach out for my trolley at walang pag aalinlangan ko iyong nilahad sa kanya since nangangalay na ako.
Pansamantala akong titira sa kanila ngayon habang hindi humuhupa ang galit at sakit ni Daddy na dulot ko. She's Dad's younger sister na dito na tumira dahil sa napangasawa. Though Tito already passed away years ago, dito na siya namalagi with Caspian, her son.
"How's your flight Lest?" nakangiting lingon sakin ni tita habang nag dadrive.
"It's disaster tita. Nakalimutan kong magdala ng payong at wala ding kasama man lang. Nangalay rin ata yung balikat ko sa kakahilig ng katabi and his smell is so masakit sa ilong. Mabuti sana kung iyong private plane na lang ang sinakyan ko pero ang baliw kong kapatid ang nagbook ng flight. According to him, I should take a public ride dahil sobra na ang sama ng loob na naidulot ko kay Dad at baka kung maginarte pa ako ay mas lalo itong magalit sakin. Kinocomfort ko na lang ang sarili ko na at least sa business class ako pinabook at hindi sinagad ang kaparusahang ito."
Tinawanan lang ako ni tita hanggang makarating sa bahay nila. Dalawang palapag ito na may malawak na hardin. Maganda ang pagkalandscape at may orangery sa kanang bahagi. It is a Florida styled mansion. Kulay de gatas ito sa labas na may naglalakihang bintana at puti naman sa loob na may accent ng gold bilang highlights. Pagpasok ay dire diretso ako sa hagdanan para makapagpahinga sa kwartong madalas kong tinatambayan pagbumibisita kami noon dito.
"Mabuti at dito mo naisipang mamalagi kahit may beach house naman kayo." sabi ni tita.
"Malayo ho kasi tsaka gusto ko ring makita si Caspian. Matagal-tagal na rin kasi mula noong huli niyong bisita sa La Castellana."
"Oo nga no? Pasensya na at naging abala kasi ako sa negosyo. Sa restaurant tsaka sa kapapatayong tea shop. Speaking of which, nabanggit ni Rio na tutulong ka raw dun as part of your punishment. Kung ayaw mo raw ay agaran niyang iba-block lahat ng bank accounts mo." Aniya.
I froze upon hearing that. My supposedly step was hanging on space. Hinarap ko si tita at sumalubong sakin ang mga nag-aalalang mata nito.
"Wala naman po siyang nabanggit." kunot noo kong tugon.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Mess Between Us (Runaway 1)
RomantizmCelestia grew up having everything that she wants and needs. Living in house like a princess being served by several servants, she still dreams for one thing. To have freedom. To live normally like those kids in her windows. Sometimes she pitied her...
