Chandrix points of view

"Hello, Mr.Black?" Sagot ko sa tawag mula sa aking telepono.


"Hello, Kamusta ang iyong kaibigan?" sinserong tanong nya na ang tinutukoy ay Si Zaira.



"Mukhang mamamatay na," tatawa-tawang kong sagot at napairap.


"Epektibo na ba ang aking ginawang lotion na naglalaman nang Virus?" Natatawang tanong nya at panigurado kong nakangisi na s'ya sa ngayon.



"I'm not sure, Mr.Black" Nakangising sagot ko



"Eh, Kailan ko naman makukuha ang 10 million na bayad sa ginawa kong lotion?"naniningil na tanong nito.



"Hindi pa nga epektibo tapos naniningil ka na?"Sarkastikong sagot ko at napahalakhak naman s'ya.



"Pagbibigyan kita sa ngayon hija, pero once na umepekto ito, alam mo na." Sambit nya at ibinaba ang telepono, Mukhang pera!


Nandito ako ngayon sa cafe at kasama ko ang Boyfriend ng kaibigan ko na si Zaira.

"Sino 'yon?"tanong ni Gab, boyfriend s'ya ni Zaira.


"Bakit ko pa sasabihin kung 'di mo rin naman kilala?" Sambit ko at uminom ng tea.


"Bakit ka ba nakipagkita sakin?" Halatang iritadong tanong nito at ibinaba ko ang tasa.



"Kung may sasabihin ba ako paniniwalaan mo ako?" tanong ko



"Maybe" Sagot nya at humigop ng kape.



"Paano kung sabihin kong may sakit ang girlfriend mo at inililihim n'ya lang 'yon sa'yo para hindi mo s'ya hiwalayan" Halos maibuga n'ya ang iniinom na kape ng dahil sa narinig.

"Are you damn crazy?!" Sigaw n'ya na walang pakialam kahit pagtinginan pa ng mga costumer.

"If i were you, hiniwalayan ko na si Zaira habang maaga pa, kawawa ka sa huli." Nakangising sambit ko

I shock ng hinampas n'ya ang table namin gamit ang dalawa n'yang kamay.

"Do you think that i will come back? Hinding hindi na ako babalik sa'yo Chandrix." Madiing sambit n'ya

"Wala naman akong sinabing bumalik ka sa akin" Nakangising sagot ko at hinawakan ang kamay n'ya ngunit tinabig n'ya iyon. "Hmm, gusto mo bang puntahan natin s'ya ngayon sa Batangas?"

"You're traitor Chandrix, bakit mo ginagawa 'to sa bestfriend mo?!"Gigil na tanong n'ya.

"Well, yeah. She's my bestfriend but inagaw ka n'ya sa'kin." Sagot ko at umirap.


"You had a narrow minded. Well, sige. Let's go on Batangas tommorow. Kapag wala s'yang sakit, huwag kang magpapakita sa'kin!" Banta n'ya at iniwan ako sa Café na 'yon.

"Grabe, he's so unbelievable,"bulong ko sa sarili at natawa.

Maya maya pa ay napagpasyahan kong lisanin na yung lugar na iyon at sundan si Gab sa Bahay nila.

Akin ka muna ngayon..

Ipinarada ko sa Tapat ng bahay nila ang kotse ko at bumaba, pinagbuksan naman agad ako ng guard.

"Uy, Ma'am Chandrix! Buti at nakapasyal kayo,"Masayang sambit ng guard at nginitian ko lang s'ya.

Madalas akong pumunta dito noon kaya kakilala na nila ako.

A Miracle CureWhere stories live. Discover now