"Yes, Coach. May iniisip lang po," napapahiya kong sabi.

"Si Kim na naman yan," buyo ni Remson, dahilan para magtawanan ang teammates namin.

"Tch!"

"Tinatanong kita kung okay lang ba sayo na mas late nang uwi natin at mas maagang pumasok? Okay lang sa buong team. Ikaw lang ang hindi sumagot."

"Tch. Wala naman akong magagawa, Coach. Okay lang po."

"Okay, good. Another thing is that... may bago na tayong uniform"

"Coach naman?" ako agad ang umangal."Kumportable ako sa uniform natin, e."

"Deib Lohr, kailangan nating magpalit dahil kapareho natin ng Uniform ang Luna University."

"Bakit hindi sila ang mag-adjust? Sila ang magpalit ng uniform dapat!"

"Oo nga, Coach!" sang-ayon ng mga kasama ko.

"But we have no choice. Mas marami tayong budget compared to them. Wala silang budget sa uniform nila, samantalang tayo ay sagot ng school ang uniform natin."

"Tch! Edi bigyan natin sila ng pondo! Hahaha!"sabi ko. Sumeryoso si coach. "Joke," bawi ko.

"We have no choice, nakaoo na ang head ng sports club," patuloy ni coach. "Magpapalit tayo ng uniform. But you don't have to worry, I've already had a meeting with Mr. Faller and we had a deal that we are the ones to choose which color we will use for this year."

"Bakit pa kasi sinali sali yang LU na yan? Nung una, nagdagdag ng sports! Tapos ngayon magpapalit tayo ng uniform dahil rin sa kanila? Paimportante masyado, nakakainis!" sabi ko.

"Chill. Ayaw mo nun? Mapapalitan mo yung pangalan mo. Pwede mong ilagay ang pangalan ni Kim!" si Tob.

Napangisi ako sa kaniya. "Oo nga, 'no! Ang talino mo talaga, To"

"No," agad na sagot ni coach. "Enrile pa rin ang ilalagay mo at hindi magbabago ultimong number mo."

"E kasalanan talaga ng LU yan! Kasalanan nila lahat!" biro ko.

Nakakainis naman! Kung posible lang sana yung sinabi ni Tob e baka mas ganahan pa akong maglaro. MVP yata 'to!

Kung anu-ano pa ang sinabi ni Coach. Nakikinig lang ako nang biglang tawagin ni lolo ang pangalan ko sa mismong mic. Tuloy ay hindi lang ako ang lumingon sa kaniya. Halos lahat ng naroon sa gym ay tumingin sa aming dalawa.

"Deib Lohr, come over here," ani lolo. "Pati na rin ikaw, coach."

Sabay kaming pumunta ni Coach sa harap ni Lolo.

"Yiiieee! Pupunta sya dito."

"Oo wag kang maingay, ano ka ba, baka marinig ka nakakahiya."

"Huhuhu ang cute-cute nya nakakainis."

"Oo ang sarap nyang tignan, 'no?"

"Super!"

"Parang mahuhulog ang puso ko."

Gusto kong sumimangot sa sinasabi ng mga babaeng naroon sa paligid ko. Kung hindi lang nakatingin si lolo ay baka sininghalan ko na ang mga 'yon.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon