Catch 3

15 0 0
                                    

Bugnot na bugnot ako habang nakaupo dito sa upuan ko. Napakatagal naman kasi ng oras. Limang minuto na lang ay maari na kaming umalis kung hindi darating ang prof ko. Pinilit kong hindi intindihin ang oras, at  pinilit ko ding pigilan ang sarili kong masigawan ang lalaking nasa tabi ko na si Ryan. Kaklase ko ito. Kanina pa niya ako dinadaldalan at niyayabangan ng kung ano ano. As if I care. Isa pang kinaiinisan ko dito ay ang pagka-conyo niya. Kung hindi lang ito playboy, iisipin ko nang bakla ito eh.

"And guess what Katelyn, I dropped my Iphone 6 kahapon while I was playing basketball with my barkada. Naapakan ko pa nga eh. Hay. But it's okay lang. I'll just buy a new one."

Ngumiti naman ako ng awkward, at sumagot. "Talaga?"

"Yes! Kung nakita mo lang talaga. Nanghinayang nga sila Zach eh. It's really new pa kasi eh. Remember, I just bought it the other day?"

Stupid! Gago ka pala eh, magba-basketball ka tapos ilalagay mo sa bulsa mo? Bobo. Nakakairita. Kung hindi lang ako tinulungan nito sa isang project sa lecheng subject na ito, matagal ko na itong sinupalpal. He's such a show off. He really thinks that he's better than anyone in here. Just because mine is an Iphone 5s doesn't mean I can't afford one. Ayoko lang naman talaga ng iphone 6 dahil nakita ko sa isang review na kapag ito ay nilalagay sa pocket ay nabe-bend ito at hindi na babalik pa sa dati, since gawa sa aluminum ito.

Tumango na lang ako ng tumango at ngumiti sa kanya. Maya maya ay iginala ko na lang mga mata ko sa loob ng room. May mga kinikilig dahil sa mga pinag-uusapan nilang mga koreanong kumakanta at sumasayaw. Mayroon namang mga tahimik lang na nagbabasa o di kaya naman ay nagce-cellphone. May mga nasa labas at pasilip silip upang tignan ang prof kung talagang darating. Ang ibang babae naman ay nagsisimula nang maglagay ng kung ano ano sa kanilang mga mukha, na tila ba alam nilang hindi na darating ang prof.

Napabuntong hininga na lang ako at napailing. Lahat sila ay may sariling mundo. Minsan, mas gusto ko pang matulala, dahil pakiramdam ko, bumibilis ang oras kapag nakatulala ako.

Napatingin ako sa pinto ng biglang magtakbuhan ang mga kaklase kong lalaki papasok ng room. Kasunod naman nito ay ang lalaki naming propesor. Napaungol naman ang mga kaklase ko. Alas dos na kasi at kung tutuusin ay dapat pwede na kaming lumabas. Ngunit ito nga, dumating ang propesor.

"Kainis! Kelangan ko na namang burahin ang lipstick ko. Kainis kasi to si Sir Ali eh!" reklamo ng isang babae kong kaklase na nasa gilid ko. Inis na inis ang kaklase kong ito habang tinatanggal ang lipstick. Ayaw kasi ni sir ng mga babaeng may sobrang kapal na lipstick lalo pa't kung kulay pula.

Napalingon naman ang matanda kong propesor at lumapit sa babae. Napaayos naman ako ng upo sapagkat minsan talaga ay may pagka-terror ito. Madalas palabiro ito ngunit pag nagalit ay sobra. Kaya iniingatan namin siyang magalit.

Maging ang babae na nagsalita ay napalunok ng lumapit sa kanya ang matanda. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. Dahan dahan namang binaba ng babae ang kanyang mga kamay at pinagsalikop ito.

"Hija, kahapon ang lipstick mo ay sobrang pula. Ngayon, ang kuko mo naman, naka-neon color? Talagang gusto mong magpapansin ano?" sabi nito ng nakakunot noo.

Mas lalong napalunok ang babae at alanganing ngumiti. "S-sir, so--"

Bago pa nito natapos ang sasabihin ay pinutol na siya nito. "If I ever see your lips and nails painted  again, I will drop you out of this class. Understand?" at tinalikuran ang babae.

Napayuko naman ang babae sa ginawa nito.

Naglakad ang matanda pabalik sa harapan. Nakatulala pa rin ako sa bintana at bagot na bagot. Kinakalabit naman ako ni Ryan ngunit hindi ko ito pinapansin.

A Good CatchWhere stories live. Discover now