Catch 5

12 0 0
                                    


Dalawang linggo. Dalawang linggo na ang nakalipas matapos akong kausapin ni Jace. Kahit kailan ay hindi niya na ako nilapitan. Sa tuwing nasa classroom naman kami ay ni hindi niya ako tinitignan. Hindi ko na rin naman siya sinubukang kausapin. Bakit pa? This is what I wanted right?

But somehow, I feel guilty. So guilty. I know I overreacted. But being me, hindi ko binababa ang pride ko. Never ever. Never will. Papangatawan ko ito.

Nakatingin lang ako sa labas, dahil nasa tabi ako ng bintana, with my earphones on, playing one of my songs covered by one of my favorite artists.

Nagha-hum ako sa tono ng kantang pinapakinggan ko. Bahagya ko pang ginagalaw ang ulo ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata habang nakikinig. Nang idilat ko ang mga mata ko, saktong nakita ko ang mga mata ni Jace sa akin. Nagkatitigan kami ngunit matapos ang ilang sandali ay nag-iwas ito ng tingin at humarap sa whiteboard.

Medyo malayo ang pwesto niya sa akin. Nasa ikatlong row sya samantalang nasa ika-5 naman ako, sa pinakagilid, sa tabi ng bintana.

Hindi na siya muling lumingon hanggang sa dumating ang professor namin.

Inalis ko na lamang ang earphones ko at nakinig na ng magsimulang mag-discuss ang prof.

Tatlong oras ang itinagal ng klase namin. Gutom na gutom na ako. Hindi kasi ako nakapag-almusal. You know why.

Yamot na yamot na talaga ako. Kwento pa kasi ng kwento itong prof ko na ito. Kulang na lang ay ikwento niya kung bakit walang itinitindang hotdogs sa Mcdonalds.

3 minutes. Napatingin ako sa bell na nasa labas ng classroom namin. Come on. Kinakagat ko na itong signpen ko.

"Come on." Bulong ko sabay tingin sa relo ko. 1 more minute. Nagsisimula na akong magbilang sa isip ko nang marinig ko ang magic words mula sa prof ko.

"Okay, class dismissed." Pagtatapos nito.

Tumayo na agad ako, dahilan kung bakit gumalaw ang upuan ko nang malakas. Tumama ito sa upuang nasa likod ko kaya nalaglag ang bag ko sa upuan ko na naging dahilan para malaglag lahat ng gamit ko.

"Shit!" Bulong ko. Kung kelan gutom na gutom na ako at gusto ko nang umalis! Napapadyak na lang ako at Nagsimula akong magpulot ng gamit habang bumubulong. "Kainis."

Naglalabasan na ang mga blockmates ko. Si Hayley naman ay hindi ko kaklase sa subject na ito.

Nagdadabog pa ako habang pinupulot ang gamit ko, nang may lumuhod sa harap ko at tinulungan ako sa pagliligpit. Si Jeremy. Ito yung classmate kong gwapo. Varsity din ito kaso payat ito kaya hindi ko type.

"Tulungan na kita, Katelyn." Sabi nito habang nakangiti. Halos masilaw ako sa mala-close up commercial nitong ngiti. Ito ang asset nito. Ang kanyang ngiti.

"Uy, thank you, Jeremy!" Sagot ko habang nginitian din ito ng matamis. "Gutom na kasi ako kaya nagmamadali ako, ayan tuloy." Sagot ko habang tumatawa nang may mahagip akong pigura sa gilid ng aking kaliwang mata.

Napatigil ako sa pagtawa at napatingin dito. Madilim ang titig nito sa akin kaya napakunot ang noo ko rito. Inirapan naman ako nito at lalabas na sana nang bigla itong tawagin ni Jeremy.

"Uy, Jace, pare." Tawag nito. Inabot muna nito ang mga gamit ko sa akin at saka ako tinulungang makatayo kaya isinukbit ko ang bag ko sa aking balikat.

"Sandali lang, Katelyn ha." Paalam nito saakin saka ngumiti. Tumango naman ako at sinabing mauuna na rin ako dahil gutom na talaga ako. Tumango ito at saka naglakad na patungo kay Jace na iritadong iritado. "Sorry pre. Narinig ko sasali ka daw sa team namin ah?"

Anong problema nitong unggoy na 'to at ang sama makatingin?

Nagkibit balikat na lamang ako naglakad na palabas. Nang makalagpas ako ay narinig ko siyang nagsalita.

"Oo, eh. Magpapa-impress ako dun sa gusto kong babae. Para naman magustuhan niya na din ako. "sagot nito sabay halakhak.

Nababaliw ka na, Jace. Kanina galit, ngayon tumatawa?

Napailing na lang ako sa sagot nito habang naglalakad ako, ngunit bago ako ako tuluyang makalabas ay nilingon ko sya at nakita ko siyang nakatingin sa akin, wearing his playful smile and that twinkle in his eyes.

"Malay mo mahalin niya na rin ako. " saka ngumiti ng nakakaloko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Good CatchWhere stories live. Discover now