Prologue

5.7K 228 66
                                    

Hindi ako makatingin sa aking dinadaanan papunta sa aking susunod na klase dahil nakayuko ako. Hindi dahil sa nahihiya ako kundi ayaw kong makita nila sa aking mga mata ang aking pinagdadaanan.

Kahit na alam kung lahat ng estudyante nadadaan ko ay napapatingin sa akin dahil sa aking suot na turtle neck ay hindi ko nalang pinansin. Tila nawi-weirduhan sila sa akin dahil sa sobrang init nang panahon ay naisipan kong ito ang suotin.

Wala naman akong pagpipilian dahil kung hindi ako magsusuot nito ay makikita nila ang aking tinatago, mga kissmark ko sa leeg. Hindi naman to mangyayari kung lumaban lang ako sa kanyang pambababoy kagabi.

Lumabo ang aking mata dahil sa panunubig nito nang maisip ko ang aking sinabit sa isang buong weekend. Gabi-gabi ay walang pahinga ang aking katawan sa kanyang malaswang kagustuhan. Hindi niya ako tinitigilan hanggang umabot ang bukang liwayway.

Ilang taon na ba akong ganito? Gaano na ba kahaba ang aking pagdurusa sa kanyang mga kamay? Simula nung pumasok ako sa paaralang ito ay nagsimula na rin ang kalbaryo ko. Simula nung naging dormmates ko siya ay puro nalang sakit ng katawan at sa kaluluwa ko ang aking sinapit.

Gustuhin ko mang lumaban ay hindi ko magawa dahil alam kong ako pa rin ang talo sa huli. Ano ba ang uunahin ko, ang aking sariling kapakanan o aking pag-aaral? Ngunit noon yun dahil ngayon ay buo na ang desisyon ko na gawin ang nararapat.

Kung hindi man ako makakalaban sa kanya gamit ang aking kamao o sa paghingi man lang ng tulong sa kapulisan dahil hawak ng pamilya niya ang mga ito ay ang tanging magagawa ko na lamang ay lumayo.

Kung hindi niya ako makikita ay hindi niya magagawa sa akin ang kalapastangan niya. Kung aalis ako at iiwan ko ang lahat ay magiging tahimik ang buhay ko at magsisimula ako ulit. Kung hindi ko siya kayang paalisin sa buhay ko kung ganon ay ako ang aalis sa buhay niya.

Hindi ko namalayan na lumampas na pala ako sa aking silid aralan dahil sa aking iniisip. Mabilis akong bumalik papunta sa aming silid sa English II. Umupo ako sa pinakasulok at doon tinago ang aking sarili.

Ramdam ko na may mga matang nakatingin sa akin. Hindi ko naman sila masisisi dahil hindi naman ako ganito noon.

Isa akong masayahin at palakaibigan. Mahilig akong kumausap o mangulit ng mga tao. Palagi rin akong nakangiti sa lahat kapag pumapasok ako at sa harap ako nakaupo para malinaw kong naririnig ang sinasabi ng propessor namin.

Ngayon ay bumaligtad na ang lahat. Wala na akong kaibigan at ayaw ko na rin ng may kumakausap sa akin. Hindi na ako ngumingiti at naging distant ako sa kanilang lahat. Lahat ay nagbago na ng dahil lang sa isang tao.

"Hi guys!" Ang bati ng isang magandang babae kasama ang kanyang boyfriend habang magkahawak sila ng kamay na pumasok sa room namin.

Lumakad sila sa harap bago sila naghiwalay. Pumunta ang babae sa kanyang ibang kaibigang babae habang ang kanyang nobyo ay nakangising naglalakad papunta sa direksyon ko.

"Hi babe." Ang mahina ngunit puno ng pagnanasa niyang bati sa akin nang makalapit siya sa harap ko.

Hindi ako tumugon bagkus ay mas inusog ko ang aking upuan palayo sa kanya. Dahan-dahan siyang yumuko at nilapit ang mukha sa akin habang nandon pa rin ang ngisi sa kanyang labi.

"You know what? I can't get enough of your ass, babe." Ang bulong niya sa akin dahilan para tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan.

Naikuyom ko yung kamao ko sa sa ilalim ng mesa dahil sa tindi ng galit ko sa kanya. Gusto ko siyang suntukin, tadyakan at payatin dahil gusto kong bumawi sa lahat ng walang kahiyaang ginawa niya sa akin.

Naramdaman kong umupo siya sa upuan na katabi ko. Ramdam ko ring nakatingin siya sa akin na matiim. Akala ko ay doon nalang yun hanggang sa naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking hita.

The Darkness Behind [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon