Chapter 85 : Alone

33.7K 2.4K 2.2K
                                    


history - one direction

history - one direction

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Everything seems blurry but I can see Jethro carrying me towards the car.

"Jethro naman eh! Ayoko pang umuwi!" pupungas-pungas kong protesta habang kinakabit niya ang seatbelt sa akin. Gustong-gusto ko pang uminom pero heto siya at nagpapaka-principal na naman!

He chuckled. "You're already drunk and I promised your brother that we'll be back by midnight. 'Wag nang matigas ang ulo."

"Hindi niya naman malalaman eh!" Ngumuso ako at humawak sa tenga niya. He flinched at my touch. Dali-dali niyang tinapos ang ginagawa at mabilis na sinara ang pinto. Patakbo siyang umikot upang maupo sa driver's seat kaya naman hinilig ko ang ulo para abangan siya.

"Jethro..." Panlalambing ko sa kanya.

"You're drunk." He sighed and started the car. He placed his arm at the back of my seat and turned to look behind us, his other hand maneuvering the steering wheel. His hands tightened as he turned the car around.

"Psst..." I smiled sheepishly, poking his cheek.

"Nope." Walang emosyon siyang umiling at umayos ng upo, inilagay na ang dalawang kamay sa manibela.

I couldn't help but stare at Jethro's cold-looking face as he drove. His jaw was tensed up while his icy gaze is focused on the road.

"Have I ever told you how hot you look when you drive?" I smirked, still facing him while leaning my back against the seat.

"I'll pretend I never heard that." He heaved a loud sigh. He's not even throwing me a single glance.

"Wanna make out?" pang-aasar ko at sa isang iglap ay naubo siya nang wala sa oras. Gumewang pa nang kaunti ang sasakyan. Tawa tuloy ako nang tawa.

Napansin kong mas binilisan niya ang pagpapatakbo. Pinaandar niya pa ang radyo at sa isang iglap, biglang umalingawngaw ang kanta... Just when I thought I was over you, and just when I thought I could stand on my own, oh baby those me---

Lalo akong natawa nang dali-dali itong pinatay ni Jethro. Nataranta ang puchangama.

"Sleep," maotoridad niyang sambit at muling binalik ang tingin sa kalsada. "I'll wake you up when we're there."

Napabuntong-hininga na lamang ako at hinugot ang cellphone mula sa bulsa ko. Paulit-ulit kong kinurap-kurap ang mga mata ko para lang mahanap ang pangalan niya sa contacts ko. Napangiti ako nang sa wakas ay makita ko ang pangalan ni Haji at mabilis siyang tinawagan.

"Hello?" Inaantok niyang bulalas nang sa wakas ay sagutin na niya ang tawag ko.

"Go take a shower and find us a place to drink! We're getting wasted tonight!" I couldn't stop laughing and smiling.

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon