CHAPTER 35 - The Wedding

415 28 3
                                    

Naging maayos naman yung Engagement Party nun kahit na late si Zeke sa pagdating dahil may sinundo pa daw itong kaibigan. Nang mapagtanto ko nga nun na babae pala ang sinundo nya ay di ko maiwasang magselos. Inuna pa talaga nya yung babaeng yun na di man lang nga nya nagawang ipakilala sakin. Aaminin kong maganda yun at sexy na parang si Samantha lang. Parang bitch yung dating but i’m not referring na bitch talaga yung babaeng sinundo ni Zeke sa mismong condo daw nito. And speaking of Samantha, buti at hindi sya inimbitahan ni Zeke. Knowing her, baka mag-eskandalo pa yun nung engagement namin ni Zeke lalo na ngayong kasal namin mga ilang minuto na lang ay magsisimula na.

Walang emosyon nga yun nung isinuot na nya yung dyamanteng singsing sakin. Di nga man lang ako magawang tignan. Nun ngang nag-request pa yung mga taong dumalo ng ‘kiss’ bigla lang itong ibinaling sa iba yung tingin at di nagtagal ay bumaba ito ng mini stage. Medyo napahiya naman ako pero nginitian ko lang sila at sinabi na lang nung MC na may emergency daw si Zeke kaya nagmamadaling bumaba. Nagpasalamat na lamang akong parang napaniwala naman ng MC yung mga tao. Di ko nga maiwasang umiyak nun pagkatapos ng party at nagmumukmok na agad ako sa kwarto ko.

At ngayon eto na nga, ikakasal na kami. Sana naman at di nya maisipang hindi sumipot sa kasal namin. Baka di ko na kayanin kung ganun.

 Bes, are you ready? “, tanong ni Akii sakin na nagpabalik sakin sa reyalidad. Sya pala ang ginawa kong maid-of-honor. Ang ganda nga nya sa suot nya. She's wearing a pink below the knee dress na may floral band na nakapalibot sa ulo. Ang nakakalungkot lang eh hindi daw makakapunta si Harry. And i think i already know why.

“ Don’t be nervous, okay? Ang ganda ganda mo tas nakasimangot at ang lungkot mo. Di bagay. Smile okay? “, pagpapalakas-loob ni Akii sakin.

Ngumiti ako dito kahit pilit.

 

“ You are too pretty sweetie to wear a sad face. Smile okay? “, napalingon naman kami sa nagsalita. Si mama pala. She’s pretty too wearing her white-pink long dress na bumagay dito. Ngumiti ito sakin at yumakap.

“ Smile anak, okay? “, bilin ni mama nang kumalas na ito sa pagyakap.

“ Let’s go! Hinihintay na tayo sa simbahan “, yakag ni mama tsaka naman ako inalalayan ni Akii para makalakad ng maayos sa suot kong wedding dress. Ang haba din kasi nung belo ko kasabay nung gown ko.

***

“ I pronounced you as husband and wife “, sabi nung pare samin.

“ You may now kiss the bride “, para naman akong di makagalaw sa dugtong ni Father. Alam kong merong ganito pero di ko maiwasang kabahan. Baka kasi aalis na lamang sya tulad nung sa engagement pero di naman siguro diba?

Nabigla na lamang ako nang hinawakan nya ako sa magkabila kong braso para ipaharap sa kanya. Ngayon ko lang sya natitigan talaga sa ayos nya. Kanina kasi habang naglalakad ako sa aisle ay di ko magawang tumingin sa kanya. Emotionless pa rin ito katabi ng ama nyang nakangiti sakin. He’s so handsome wearing his white tuxedo na bumagay sa kanya.

His Downfall (His Series #2) (EDITING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن