CHAPTER 11 - Biatch

1.7K 61 20
                                    

Balik klase na. Second sem. Ang dali lang no? Excited na ako na kinakabahan. Excited kasi, makikita ko uli ang gusto kong makita araw-araw. Kinakabahan kasi naman, ewan basta kinakabahan lang talaga ako.

Ano pala first subject ko ngayon? Di ko pa ksi tinitignan kanina yung schedule ko XD

Habang dahan dahang naglalakad, tinignan ko yung COR na bitbit. Yung dun nkalagay ang everyday class schedule ko. Hmm. Humanities first subject ko. Gusto ko ‘to. Sabi kasi nila more on singing, dancing or acting ‘to.

Room 143. 10:00 AM-12:00 PM. Wow. 143 pa tlga ang room ko sa Humanities. Mukhang magiging favorite subject ko ‘to ah.

Matapos kong tignan ang COR ko ibinalik ko to sa bag pero natapon naman nang dahil sa eprokritang daig pa ang nasunugan kung makasigaw.

" HOY BABAE! TUMINGIN TINGIN KA NGA SA DINADAANAN MO--- "

 

Inangat ko yung ulo ko para makita ko ang babaeng kung makasigaw daig pa ang nasunugan. At akalain mo naman. First day na first day sa pasukan. Siya na makikita ko. At halata namang gulat sya tulad ko. Pero napalitan eto ng alam kong plastic na ngiti. The biatch is on air.

" Owh, Hi. Mikka? Right? Correct me if I’m wrong. Uhm, I’m sorry ako ata may kasalanan. ",

bati nya na napakaplastik talaga. Alam ko. Di kasi sincere e.

" Plastic… ",

nasambit ko.

Para nman syang nagulat sa sagot ko.

" Umm, excuse me? "

, maarte nyang sabi.

" I mean, hinanap ko kasi tubig ko yung plastic bottle ang lalagyan. Nakita mo ba? Kasi may lason yun e. Nainom mo? Okay lang ",

biro ko sabay ngiti.

Yung kaninang ngiti nya napalitan ng nakakatakot na aura. Yan. Pikon na ata. Haha. Yan pa nga, pikon na? Ang sama ko. Ang aga-aga. May kaaway na. Eh kasi nman. Nababadtrip ako pag nakita ko tong babaeng to e.

His Downfall (His Series #2) (EDITING)Where stories live. Discover now