"What's on your mind that you don't realize you're in the middle of the road? Huh?" Pigil galit niyang tanong.

Iyong taong pilit kong winawaksi sa isip ko, at ang parehas na tao na sinakop lang din ang utak ko kanikanina ay nasa harapan ko. Hindi man nagbago ang paligid kung saan kami madalas nagkakasama noon, pero iyong taong nakasama ko, hindi ko na makilala.

"Paano kung nabangga ka? Nahagip ka?" Punong puno ng pag-aalala ang boses at ekspresyon nito.

Noon, palagi kong hinihiling na magpakita siya sa akin. Pero kahit na anong bulong ko sa hangin, hindi siya nagpakita. At ngayong tumigil na ako sa pag-asang makita siya, saka siya bumalik.

When he noticed his own reactions, his expression changed. He brushed his hair using his fingers.

"I'm sorry for shouting...I was just..."

Sorry.

Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko na iyong narinig sa kaniya. Mabilis siyang humingi ng pasensiya sa akin sa ibang bagay...pero bakit sa kaisa isang bagay na gusto kong ihingi niya ng pasensiya ay hirap na hirap siya?

When I finally accepted that I have moved on, circumstances are making me realize that I still haven't. Nandoon pa rin ang pagkahumaling ko sa dalawang pares na abo nitong mga mata. Napakalalim niyon at kung susubukin mo pang alamin ang kagandahan, tiyak ikaw ang talo.

Naiinis ako sa sarili ko. I made it clear to myself that I should stop thinking about him. I should stop this. But fool me for letting myself fall for him for the second time.

"I don't want to see you." I told him using my strained voice.

I saw how pained crossed his eyes.

"Get away from me." Sabi ko pa.

Sinimulan kong magjog ulit, iniwan si River. Kailangan kong manindigan sa desisyon ko. Hindi dapat na magpadala ako sa emosyon ko. Hanggang hindi siya nagiging klaro sa gusto niya, hindi ko siya pagbubuksan.

Sa tingin ko, hindi na lang ito patungkol sa nangyari sa amin noong nakaraan. I get it, he's just my first love. But now that we're old enough, I can't figure him out why it is hard for him to accept his mistake.

Nang mapagod na'ko ay pumunta ako sa malapit na tindahan para bumili ng mineral water. Umupo ako saglit sa gater ng kalsada at pinanood ang dumadaang mga tricycle. Sumikat na ang araw.

Hinayaan ko lang ang sarili ko na tanawin ang kahabaan ng taniman ng palay. Ang payapa ng paligid. Dinig ko sa hindi kalayuan ang ilang hagikhikan ng ilan dulot ng paglalaro ng volleyball at badminton at ang iba naman ay ang mga nagkakarerahang mga nagbibisikleta.

Minsan naiisip ko ang babaw ko e. Nagalit ako kasi umalis siya nang hindi iniisip kung anong rason niya. Marahil may problema sila ng pamilya niya kaya siya umalis ng walang paalam? O baka dahil sa pag-aaral nito? O baka dahil napagtanto niya na sayang lang ako sa oras niya.

I was naive and young but then— I can't blame him if he wanted a woman who is the same as his age—Same level of his lifestyle. I don't know. Ni hindi ko nga nakilala ang pamilya niya e. All I know was, he's River Espinoza. Minsan ko na ring naisip na baka nga siya ang isa sa mga anak ni Don Nicholas pero mukhang magkaapelyido lang.

Isa rin siguro iyon sa kakulangan ko dati. Hulog na hulog ako sa lalaki pero pangalan niya lang ang alam ko.

Nang makapagpahinga ay napagdesisyunan ko nang bumalik. Tatayo na sana ako nang maramdaman ang pamumulikat sa paa ko. Napangiwi ako sa sakit.

"Tumatanda na ba talaga ako o kulang lang ako sa alak!?" Litanya ko sa sarili ko.

Ini-stretch ko iyon at sinubukang abutin ang paa ko pero hindi mawala ang sakit. Halos mapapikit na ako.

Against the Waves (THE PRESTIGE 1)Where stories live. Discover now