Nakatingin lang si Charles sakin na para bang naiisip niya din yung naiisip ko.. Napagtatanto niya din yung napagtatanto ko.

Pero teka, sino naman magiinvite sa kanya?

Bakit naman siya pupunta sa 50th Birthday ni mom?

Teka... Teka nga..

"Charles..." di ko binibitawan ang tingin ko sa kanya, binaba ko ang hawak kong tasa ng kape, iniisip ko kung naiisip ba niya na yun ang iniisip ko ngayon.

"Hmmm" yun lang sagot niya. Mukhang aware nga siya

"Don't tell me?"

"Martina, I ran to Anton yesterday sa car shop namin, I didn't expect him to invite me" pagkukumpirma ni Charles sa inisiip ko.

Invited nga siya.

Pupunta nga siya.

"Why on earth????" -would my brother invite you? Gusto kong magtanong eh. Gusto kong tawagan si Kuya Anton.

I pick up my phone and was trying to contact Kuya Anton.

"If you don't want me to go, I wont" sabi ni Charles.

Binaba ko ang cellphone ko. Wala nalang akong magawa talaga. Tinignan ko lang siya, nakatingin lang siya sakin. He doesn't seem to care, walang expression sa mga mata niya. Usual Charles, blangko.

"Do they know that we're OK na?" tanong ko kay Charles

"We never talked about it Martina" explain ni Charles.

Aaaaahh.. My mind's gonna explode!

Kailangan ko ba sabihin sa kanya na dadating si Paul dun? Kailangan niya ba malaman yung sa amin ni Paul? Not that we're official, pero we're dating..

No, I guess di naman kailangan na. I'll just introduce them to each other sa party. Paul said he would be there, I expect him today but I guess di talaga kaya na ngayon.

"Well I'll better be preparing now Charles, ngayon kasi ako pupunta eh, kahit sa Sunday pa birthday ni Mom. Para daw makapag bonding kami" nagpapaalam na ko kay Charles, because I still need to pack.

"Sa Sunday pa ba? Bakit pinapaakyat na ko ni Anton?" tanong ni Charles

Talaga lang ba Kuya Anton ha?

"Totoo ba yan?" tanong ko

"Sabi niya friday, kung hindi ako nagkakamali" habang kinukuha niya yung phone niya at pinapakita yung exchange ng text nila ni Kuya Anton.

Urgh! "I think I'm going crazy!" gusto kong mawalan ng pake eh! Pero hindi mawala sa isip ko.

Beep Beep

Beep Beep

Sender: Paul

Love, sorry something came up sa office, di kita mahahatid ngayon. Urgent to and I have to attend to it right now. You take care. See you sa Sunday!

Reply to: Paul

Sunday ka pa makakapunta? Hindi kaya ng Saturday?

Sender: Paul

Sorry but I also have two meetings tomorrow, I'm really sorry.. But I'll make sure to be there by Sunday, susunduin ka naman ng kuya Anton mo diba?


Hindi ko na nareplyan si Paul, imbes na isipin ko kung kailan siya dadating, inabala ko nalang sarili ko sa pagaayos ng sarili at sa kung anong mga dapat kong dalin.

Mayroon pa ba dadagdag sa araw na to?

"Wala na sigurong mahanap na kainuman yun, kaya niyayaya ka na" sabi ko kay Charles. Naglakad na din ako paakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko.

ClosureМесто, где живут истории. Откройте их для себя