Chapter 1: Its been 4 years

99 3 0
                                    

MARTINA'S POV

What if makita mo yung ex mo na sobrang history yung nangyari sa inyo. Wala kayong closure. Yung kind ng relationship na sobrang pinaglaban at ipinilit na di mawala yung meron kayo noon. Tapos biglang nawala. Di na kaya. Di kinaya. And you never saw each other again.

Until today

"Hello sir, good morning po" bati ko sa driver na nagpick up sakin pagkapasok ko ng kotse.

"Ms. Martina?" Tanong ng driver.

Parang familiar ang boses niya. Narinig ko na to eh. Alam ko tong boses na to eh. Hindi ako pwedeng magkamali.
Tumingin ako sa harap ko. Nakatalikod lang yung driver. Tinignan ko siya sa rareview mirror. And to my surprise nakatingin rin siya sakin.

Tama ako. Siya nga.

Si Charles.

"Charles??" Tanong ko na may pagaalinlangan at pagtataka.

"Kamusta?" Tanong ni Charles. Habang onti onti nang umaabante ang kotse.

Nagda-drive na ngayon si Charles? Teka lang, Joseph Flores ang nakaaccept ng booking ko ah?

"Am I in a wrong car?" Pagtatakang tanong ko kay Charles.

"Joseph Charles Flores, MHW 4567, Avanza Red"

Shit.
Siya nga.
Teka? Kelan pa siya nagka Joseph sa pangalan?

"Didn't know you have Joseph sa name mo" sabi ko ng pabulong.

"You never bother to ask" sagot naman niya.

Matagal din napuno ng katahimikan ang kotse habang binabaybay namin ang EDSA. Siguro sandali lang ang byahe. Gabi naman eh. Wala masyadong traffic. For sure makakababa din ako dito. Mabilis lang ito. Walang nagsasalita saming dalawa. Issue by Sara Farell lang ang naririnig sa loob ng kotse. Habang ako nagcecellphone lang at nagsscroll up sa Facebook.

"Gimik at bars pa rin pass time mo tuwing Saturday?" Nagulat ako sa pagsasalita niya.

"Ha?" Sagot ko ng biglaan.

"I mean, its saturday right? BGC? The usual?" Pagkaklaro ni Charles.

"Ah, No. I have a family dinner."

"So kamusta ka na nga? Haven't heard anything about you since..." natigilan siya at napatingin sa rareview mirror.

Nagmeet ang mga mata namin. Mabilis akong kumalas at tumingin sa labas nalang ng salamin ng bintana ko.

"Life continued for me." Matipid ko na sagot sa tanong nya.

Ayoko lang siguro na mapagusapan yung samin noon. Its been 4 years. And I shouldn't be having this kind of conversation with him now.

Hindi nalang siya sumagot. Hindi na din ako nagsalita. At tumingin nalang ako ng tuluyan sa labas ng bintana ko.

My phone is ringing..

"Hello?" Sagot ko.

"Asan ka na? Ikaw nalang hinihintay" sabi sakin ng Ate Kaith ko.

"Malapit na ko. Ayala na"

"Okay I'll see you then magorder na kami."

"Yeah sure. See you. I'll be there. Love you"

Hindi ko pa nabababa yung phone nagsalita na agad si Charles "Boyfriend? Asawa?"

"Sister" sagot ko naman sa kanya.

"In-law?"

"Ate Kaith"

ClosureWhere stories live. Discover now