Chapter One: David and Liya

6 0 0
                                        

KENDRA

"Alam mo ba kung bakit hindi tayo magiging masaya kahit kailan?"

Tinignan ko siya sa mata na may mga luha na nagbabadyang tumulo.

"Liya, mali ang iniisip---"

"Dahil hanggang ngayon, siya parin. Mahal mo parin siya,"

"No, listen to me---"

"Tama ako diba? Mahal mo parin siya? David, sabihin mo lang at magpaparaya ako," sabi ko at tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.

"No, please. Nag-usap lang kami sa phone, 'yon lang 'yon. Wala na akong gusto sa kaniya. Please, Liya. Listen to me, let me explain,"

"I'm giving you a minute, David."

Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at tinignan ako ng diretso sa mata.

"Zyrene called me because our college friend met an accident and is in critical condition right now. Iyon lang ang pinag-usapan namin. Dadalaw kami sa ospital at kasama rin namin ang iba pa naming barkada dati sa St. John. I promise, wala na akong gusto kay Zyrene. Ikaw lang ang mahal ko Liya, ikaw lang."

Unti-unti niyang inangat ang mukha ko bago ngumiti.

"You're the only woman that I would like to spend my lifetime with. I love you Liya," and he kissed me passionately.

1

2

3

"CUUUUUUT! GOOD JOB EVERYONE!"

Kaagad na lumapit sa akin ang assistant kong si Seri at binigyan ako ng tubig.

"Andiyan na ba si Manong Rex? Gusto ko nang umuwi,"  tanong ko sa kaniya.

"Yes, ma'am. Nag-aantay na po sa labas,"

"Sige, mauna ka na sa baba. May pag-uusapan lang kami sandali."

Lumapit ako kina Director Lee habang nag-uusap sila ni Luke.

"Good job, good job! You both nailed the scene. I'm expecting you two tomorrow to be early on the set, okay?"

"Yes, Direct," sagot ni Luke.

"By the way, Direct, may napili na bang gaganap na Zyrene?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Yes."

What? Tsk, irereto ko pa naman sana si Lizie. Babagay na antagonist ang babaeng 'yon.

"Talaga?" Medyo dismayado kong tanong.

"Yeah, and she'll start working tomorrow, so you have to be early dahil dalawang episode ang gagawin natin bukas."

"Who is she?"

"A new actress, it's her first time making a soap,"

"Really? Who could it be?"

Sino naman kaya ang bagong mukha ng K Network?

"We'll meet her tomorrow. We've sent her the script a week ago so I think she's ready for the shooting. Sige na, magpahinga na kayo,"

"Okay, see you tomorrow, direct."

Sabay kaming naglakad ni Luke papunta sa parking lot ng building. Nang mapadaan kami sa hallway ay may mga fans na nagpa-picture sa amin kaya nagkunwari kaming sweet sa isa't isa kahit offcam na.

"BAGAY NA BAGAY TALAGA KAYO!"

"KENLUKE FOREVER!"

"I LOVE YOU ATE KENDRA!

"ANG GWAPO MO KUYA LUKE!"

Medyo natagalan kami doon dahil medyo marami silang nakaabang. Buti nalang dumating agad ang mga security guards para bigyan kami ng daan.

"I'm so tired," sabi ko habang nasa loob kami ng elevator.

"Me too,"

"Paano kaya pag ginawa nating totohanan ang love team natin 'no?"

"Kendra,"

"I'm just suggesting. Malay mo, mas matuwa ang mga fans,"

"Pero 'yon din naman ang iniisip ng mga fans kaya hindi na kailangan,"

"May point ka."

Si Luke Madrid ang gumaganap na David sa soap operang ginagawa namin ngayon while ako naman sa role na Liya. Kami ang dalawa sa pinakasikat na artista sa Pilipinas at 5 years na kaming lagi na nagtatambal sa mga soap at movies. Well, maraming rumors na kami na daw talaga sa personal pero to tell you, hindi.

Sige, aaminin ko na may gusto ako kay Luke, pero siya?  He just sees me as one of his closest friend. Pero, okay lang. Alam kong nagpapakipot lang ang isang 'yan. Halos lahat ng mga lalaking artista sa industry ay nagbalak na manligaw sakin, but of course, I ignored them all.

"Uhm, Luke. Gusto mo bang sabay tayo mag-dinner tonight? I've heard may bagong bukas na 5 star restaurant sa Makati, gusto mo?" I asked him so he simply watched his wristwatch.

"Maybe next time, Kendra. I've got something to do,"

"Importante ba 'yan?"

"I'm meeting my Mom,"

"Uh, okay. S-sige, ingat."

"You too. Una na ako."

Bakit ba lagi nalang akong nirereject ni Luke? Sa 5 years na magkasama kami sa trabaho, mga tatlong beses lang kaming kumain sa labas na dalawa lang kami. Maliban nalang pag may mga parties at dinner kasama ang iba pa naming katrabaho.

Inis akong dumiretso sa kotse at binato sa loob ang bag ko na milyon ang halaga.

Nakakainis naman!

"Manong, pakibilisan ang pagmamaneho. Gusto ko nang umuwi sa bahay," utos ko sa driver ng sasakyan ko.

Pagkarating ko sa bahay ay kaagad na tinawagan ko si Lizie para doon mag-over night. Wala naman kasi akong kasama at wala akong makakausap.

I'm still frustrated. Matagal ko nang nirereto kay Director na si Lizie ang gaganap na Zyrene, which is the ex of the main leading man sa soap. Kaso nagulat nalang ako na meron na palang gaganap. Plus, hindi ko pa kilala kung sino.

"Okay lang 'yan, girl. Marami pa naman akong project 'no. I don't need to take that big role," sabi niya habang binoblower ang buhok ko.

"Kahit na,"

"Pero, sino kaya siya? Baka kamag-anak ng CEO,"

"Tignan ko lang bukas. She should make sure na magaling siyang umarte. I don't want my soap to be ruined."

***

A/N:

Hello po! Thank you for adding this on your library. I hope you enjoy!

ONGOING STORYWo Geschichten leben. Entdecke jetzt