* Part 5 (ch.7) - Melting Me [KriZeth]

Start from the beginning
                                    

Nakatayo lang si Zethanie doon sa tabi nang  motorbike niya at tinignan ako na naghihintay nang taxi. Pero mga 5 minutes, ni isang taxi, wala. Meron namang dumadaan pero may passenger na.

Biglang hinawakan ni Zethanie ang kamay ko. He's a step behind me kaya naman napaturn ako para harapin siya. "Aren't you busy tonight?" He asked.

Napatingin naman ako sa kamay ko na hinahawakan niya. "Uhm.. hindi naman. Bakit?"

 

 

"Can I borrow this night just to be with you?"

"T-teka.. may pupuntahan ba tayo?" Hindi siya sumagot noon. He just grabbed my hand and took me to his motorbike saka pinaankas niya ako doon.

"Hang on there." Sabi niya saka ipinwesto ang kamay ko sa bewang niya. Hindi ko naman talaga alam eh kung saan kami pupunta pero, no choice. Kaysa ba naman maiwan ako ditong mag-isa na wala naman masyadong taxi nu. Kaya ayun, payag nalang ako.

 

 

*ZOOOOOOOOOOOOOOOM!*

*** Mall ***

I don't really get it. Nasa mall kami ngayon sa mall ni Zethanie. Basta, sumusunod lang ako sa kaniya kasi hindi ko naman talaga alam kung bakit kami nandito. Napalakad lakad kami sa loob nang mall.

"Z, bakit mo ko dinala dito?"

Nasa art gallery kami. Actually, nakita lang namin to sa may gitna nang mall. May exhibits kasi doon ng mga paintings by random painters. Ang gaganda nga eh. May iba kasi na sketch lang of a person, may mga abstract then may paintings nang mga sceneries. It's so much nice. Naaliw naman ako habang nagtitingin doon. Si Z, yung focus niya yung mga tao na nakasketch. Mahilig siya talagang magsketch eh, noh?

May naalala tuloy akong kababata ko na mahilig rin magdrawing. I can't remember kung sino siya basta. Feeling ko kahawig ni Zethanie yun eh. Naalala ko tuloy yung tinanong sakin ni Z kung naalala ko pa ba daw siya. Tinawag nga niya akong Rose kasi yun raw ang pangalan ko before.

Actually, I can only remember a few memories from my orphan days kasi ewan, they were replaced by new ones and that was long ago. Hindi na nagkasya sa memorya ko. May natandaan akong bata. Basta batang lalaki saka mahilig magdrawing. Hindi kaya si Z yun? Pero ba't hindi ko maalala?

Napaikot ikot nalang ako sa exhibit. Sinusundan si Z. Naalala ko rin yung sketchpad niya. Punong puno nang mukha ko. Wow. He's amazing. Actually, noong una kong nakita si Zethanie, yun ay noong nasa GGP race. I thought he was cold as ice pero noong nagkataon na schoolmate ko siya, then I knew him more. I guess, he's just a silent and serious type of person. Siguro, to me. But all I know is, he isn't that cold.

"This." Sabi niya sabay turo nang isang painting. Napatigil ako noon sa pag-iisip nang description sa kaniya noon saka napatingin sa painting. It was a sketch of a girl and a boy. Nakatalikod sila and they were sitting beside each other. Parang nakaupo sila sa sea side, watching the sunset. "This was drawn by my favorite artist." Sabi niya. "Sabi niya, nangyari raw ito sa totoong buhay. Siya yung lalaki saka yung babae namang katabi niya ang mahal niya." Napatingin ako sa kaniya noon. May na miss akong description tunkol sa kaniya, kanina. Well, there's something about this guy. Ewan lang ha. Kung kayo titingin sa mga mata niya, magfe-freeze kayo -- yun ang sabi nila. Pero ako? When I look at him, I feel warmth. Napangiti ako. His eyes were dark shades of grey. Hindi pa siya ngumingiti pero ang guwapo na niya. I didn't notice it just now. Before, napansin ko na. Pero everytime I'm with him, mas lalo ko siyang nakilala. Mas lalong napagaan ang loob ko sa kaniya.

Hated by the Gangster PrinceWhere stories live. Discover now