Special Chapter

7.4K 119 20
                                    

AUTHOR: Kasi namiss ko magsulat. at dahil nasa author's block pa ako. wait, yun ba tawag dun? Haha. So yeah, this is a special chapter for Sasa. Kasi namiss ko siya. Namiss ko stories ko, namiss niya stories ko at alam kong namiss din ng readers ko. Hahahahaha joke pahangin mode. O sige na guys! Sa mga taong malunkot dahil may namiss. Smile na kayo diyan! Click niyo pala yung video- I really like that song :">

---------------------------------------------------------------------------------------------------

SPECIAL CHAPTER.

AUTHOR'S POV.

*** IN KOREA ***

"No, stop. Just stop. Let's break up. " Sabi ni Sasa nun at tumayo na siya sa lamesa at nilagay ang mga kamay niya sa pocket ng hoodie niya at lumabas na ng restaurant kung saan nakipagkita siya ng kaniyang Korean boyfriend- scratch that, ex boyfriend pagkatapos nila magkaroon ng malaking misunderstanding. 

Agad naman na hinabol siya ng lalaki sa labas ng resto at tinigil siya nito sa pamamagitan ng paghawak nito sa kamay. Napalingon si Sasa sa kaniya at pagtingin niya dito, nalaman niyang napaluha na pala ito. 

"Don't you really love me anymore?" He asked.

Without feeling anything, she just shrugged her head and let go of his hand. "I never had." Then, she walked away.

What a heartbreaker she was. Always have been.

"Sa, san ka galing? Minwoo was asking if he can see you later tonight." Pagdating ni Sasa sa bahay nila, agad ito sinalubong ni Zyla na nagsasabing may manliligaw na naman sa kaniya mamaya. "But if you're going to ask me, si Kyungmin nalang ang sagutin mo. Mas gwapo tsaka he's more magalang. Tignan mo, nagpapadala na naman ng chocolates sayo kanina." Sabi ni Zyla habang binigay sa kaniya ang chocolates. "Pero sorry ha, nakain ako kaunti. Hihi" 

"Di, okay lang. Ubusin mo na." Sabi niya.

"Ayan ka naman palagi eh. Pinapakain mo lahat sakin kaya nga nauna na akong kumain ng kaunti eh kasi alam kong hindi mo naman kakainin. Sige nga, thank you. Mag-aaral na muna ako kasi finals na! wohoo!" Sabi ni Zyla at pumunta na ito sa kuwarto.


Pumunta naman si Sasa sa kuwarto niya at pinindot ang switch para mag-on ang mga ilaw. 

It was the fourth year after that happened. Four year silang nagtago sa Korea, four years since it all changed. Four years na walang komunikasyon sa mga kaibigan niya, four years na niyang pinagcover up si Zyla. Kasi noong gabing iyon, sa mga oras na iyon, nalaman niya na mas mahalaga ang pahalagahan ang mga taong mahal mo kesa sa sikapin mong mabuhay para sa sarili.

Sa mga oras na iyon, masyadong malaki ang responsibidad ni Sasa. She had to cover up everything, she had  to think and act immediately kung hindi, mabubuking siya at malalaman ng Green Thugs ang pagkatraydor niya sa grupo. Even in Korea, nate-trace sila ng GreenThugs but she did everything to keep Zyla alive. She had to sacrifice and let go of everything.

Napabuntong hininga nalang siya habang naalala na naman ang mga insidenteng iyon. Pumunta siya sa may malaking aquarium niya. at pinagmasdan na iyon, napapangiti nalang siya habang natatanaw niya ang gold fish na lumalangoy. Kumuha siya ng fish food at nilagay dun sa aquarium. Agad naman na lumangoy yung gold fish dun sa kung nahuhulog ang fish food.

""Happy4th birthday, Ian." Sabi niya. Napangiti nalang siya habang naalala niya ang may bigay ng isda four years ago. Yes, she kept it since binigay sa kaniya ang isdang yun. Binigay sa taong ang dahilan kung bakit siya nakipag boyfriend para lang makalimot. Ang dahilan kung bakit hindi siya ganoon kasaya. Ang dahilan kung bakit half empty ang puso niya. The only thing she can't let go off.

Like the lifespan of a goldfish. Ganun siguro katagal bago niya ito malimutan or maybe, not at all.  Because maybe time will come and they'll see each other again.

Tinignan nalang niya ulit ang goldfish.

"Someday, Ian. Someday."

-------------------------------------------------------------

Hated by the Gangster PrinceWhere stories live. Discover now