"Thank you, Ms. Intramurals!" I thanked her.

"Gandang-ganda ka naman sa akin hanggang ngayon gan'yan tawag mo," halakhak niya. She's really pretty though.

Mabuti na lamang na hindi ako naniniwala sa mga sabi-sabi tungkol sa kanya. She was really nice. Hindi naman masama ang ugali niya tulad ng sinasabi nila. Marami raw kasi ang hindi masyadong qualified sa strand nila, ayon sa mga sabi-sabi. It's seriously annoying to listen to them degrade another one's track.

"You never told me your name," I stated with realization.

She winked at me. "Mrs. Reverio na lang."

My lips pressed in a thin line.

She's really bold to like Adren. Hindi ba siya natatakot na makatapat 'yung mga nagbibigay kay Adren ng mga luxurious goods?

I looked at the clock and realized that it's almost break time. Agad akong nagbigay ulit ng pasasalamat sa kanya bago mag-paalam.

"Sige una na ako, thank you ulit!" I told her as I grab the box of blueberry cheesecake.

"Gora lang sis, goodluck sa inyo ni Kuya Will!"

I laughed at her reference. Palagi kasing naka-jacket si Sath kaya ganun na lang ang tawag niya rito.

Papunta na dapat ako sa may evergreen garden. Meron din kasing Valentine's event ang mga SSG dito kaya naman puro puso at kulay pula ang disenyo ng evergreen garden ngayon.

The whole garden was colored with pink, red and white in almost all areas. May mga pahabang gupit ng japanese paper na ginamit sa entrance at sa bandang dulo ay meron pa akong nakitang marriage booth.

Nahagip ng tingin ko si Iscalade at Cae na naguusap. I went to greet them.

"Alam mo ang benta ng mga jokes ko sa'yo 'no? Sa tingin ko mai-in love ka sa malakas mag-joke o kaya sa sobrang mais na tao." Iscalade said, his forehead creased.

"That's unlikely..." umiling-iling si Cae habang nakangiti.

"Iscalade! Cae!" tawag ko sa kanila. Lumingon sila sa direksyon ko.

They looked good in their uniform. Napansin ko na may nametag sa bulsa ng kanilang polo. May nakalagay dito na 'Hi, I'm' at dudugtungan na lamang nila.

"Hi Zafi! Wala rito si Sarathiel, pero baka pumunta kasi nandito ka na." Iscalade chuckled.

I sheepishly smiled.

"Is that for him?" Cae pointed the box that I was holding.

"Yeah," nahihiya kong tugon.

"Sana all!" Iscalade exclaimed.

Kumunot ang noo ko. Didn't he receive any? Hindi ako makapaniwala.

"Wala pa bang nagbibigay sa'yo, Iscalade? May chocolates ako—"

"Anong wala? Tumatakas nga 'yan sa fangirls niya e. Punong-puno 'yung desk niya sa room." Cae said while laughing.

"Nags-sana all ako pero di ibig sabihin no'n nai-inggit ako." Halakhak ni Iscalade, smirking.

Sakto namang nakita ko si Philomena Gracia. She was looking over us with a sad expression. She was holding a teal hat box. When she saw me looking at her, agad siyang yumuko at umalis.

That's weird because the building of HUMSS is far from the STEM building.

Maybe she wanted to go here too. Sa mismong event na ito. Lalapitan ko sana siya ngunit may umagaw ng atensyon ko.

"Zafirah!" tumatakbo si Gio papunta sa direksyon namin.

"Bakit ka nandito?" tanong ko kay Gio.

He stopped infront of us. Hinihingal pa siya nang tumigil siya sa harap namin.

Hold You Accountable (Published) | ✓Where stories live. Discover now