CHAPTER 1: RISE

31 8 1
                                    

MONSTERS UNTOLD: THE SEVENTH
Chapter 1: Rise

(Minerva Reign Roscoe)

"Reign, hija, bumangon ka na riyan, tanghali na. Kaya ka namamayat eh. Di ka na nakakakain ng umagahan, tuloy dalawang beses ka nalang kumakain sa isang araw.", panggising sa akin ni Manang Eda habang binubuksan ang mga bintana sa kuwarto ko.

"Babangon na po", sagot ko nalang.

Bumagon na ako at naglinis ng katawan since may sarili namang CR Ang kuwarto ko. Lumabas na ako ng kuwarto dahil tinawag na ako ni Manang na kakain na raw. Nakita ko sa wall clock namin sa kusina na 11:55 na pala ng tanghali. Gosh! Ganun na ba talaga ako ka-tanghali gumising?

"Manang, anong oras niya po ako ginising kanina?", tanong ko kay Manang Eda.

"Mga 11:40 siguro yun kanina, hija", sagot niya at nginitian ako.

Hindi puwedeng ganito ako katanghali gumising dahil isang linggo nalang ay pasukan na. Kailangan ay mas maaga pa ako gumising dahil 7:30 ng umaga ang pasok ko. Simula bukas talaga ay mag-aalarm na ako.

Inaya na ako ni manang sa hapag-kainan at nagsimula na kaming kumain. Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay nag-ring bigla ng phone ko. I checked to see who it was and it is Ivory who is calling. I excused myself and answered the call.

"Nakita mo na?", pambungad sa akin ni Ivy.

Nakita ang alin?

"Nakita ang alin?", tanong ko

"My gosh, Erva!", it has been a while since she called me that nickname, Erva short for Minerva. "Yung sinend ko sa'yo na magiging section natin sa pasukan! And guess what? Magkakaklase ulit tayo nina Selene! HAHA!", nasasabik niyang sambit. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Magkakaklase ulit kaming magkakaibigan.

"Oh ayan ah! Sa akin ka nanaman nakakuha ng info. Magcheck ka rin kasi ng messenger, beh!", pabiro niyang sabi.

"Oo na po, ate! Bye", tugon ko at pinutol na ang tawag.

Binuksan ko ang messenger ko at nakita nga ang sinend niya. 12- STEM A, here I come!!!

•••

Nagising ako sa ingay ng mga nabasag na pinggan sa kusina. Naghilamos ako kaagad at nagtungo roon. Nadatnan ko ang magaling kong ina na mukhang galit na galit kay Manang Eda. Oh, the witch is here? What is she doing here at... 12 MIDNIGHT?!?! Ano bang problema ng isang ito?

By the moment I stepped my feet in the kitchen, she turned her gaze at me. She came towards me at may kinuha sa mamahalin niyang designer bag. It's what I think it is. Lumipad ang pera niya sa pagmumukha ko at dinunggol ako bago umalis. I was about to chase her and shout all my resentment but Manang Eda held my arm. Umiiling siya na para ang pinipigilan ako. Umiiyak na rin pala siya katulad ko.

Sa sama ng loob ko ay kumaripas ako ng takbo palabas sa backdoor at nagtungo sa gubat kung saan huling namataan ang ama ko.

The full moon was shining bright and I'm glad that it lights my dark way right now towards the forest. Pagpasok ko sa boarder ng gubat ay kung ano-ano ang isinigaw ko. "WHY THE HELL DID YOU LEAVE ME, DAD? WHY DID YOU LEAVE ME TO THAT WITCH?!?! ALAM MO NAMAN ANG UGALI NIYA! HINDI KO NA PO YATA KAKAYANIN ANG MGA PINAGGAGAGAWA NIYA!!!". Kung may tao lang sa paligid, malamang na iisipin nitong baliw ako. Sigaw ako ng sigaw dito, parang tanga. Nagliparan tuloy bigla ang mga ibon sa di kalayuan dahil sa sigaw ko. Naalala ko tuloy ang turo ni Daddy sa akin na ayos lang daw na ibuga ko ang galit ko basta't wala kang masasaktang iba. Malakas pa naman ang boses ko, siguradong narindi ang mga ibon na iyon sa akin.

Tumayo ako sa pagkakaluhod at pinunasan ang luha ko. Pinagpagan ko din ang aking tuhod at nagsimula nang maglakad pabalik. Habang tinatahak ko ang daan pauwi ay may mga naririnig akong mga yabag na sigurado akong papalapit na ng papalapit sa akin. Isa kaya iyon bulugan? O baka naman isang ligaw na kambing? BAKA ASWANG?!?!?! Kung bakit ba naman kasi naiisipan ko pang magpunta sa creepy na gubat na 'to. Papalapit na ng papalapit sa akin ang mga yabag ng isang...

PUSA?! PUSA LANG PALA! ANG CUTE!!!

A marble fur cat approached me and looked at me as if it knew me. I took the cat and caressed its fur. Impossibleng isang ligaw na pusa ito, unang-una ay mabango ito na para bang alagang-alaga. Pangalawa, ang alam ko ay mamahalin ang breed ng pusang ito, sinong ulol ang pababayaan ang pusa nilang may mamahaling breed! Hindi kaya isang Engkanto ang amo ng pusang ito. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko, baka magalit siya dahil pinakikialaman ko ang pusa niya! I just hope na di nangangain ng tao ang pusang ito.

Ilang sandali pa ay may naaninag akong figure ng isang matangkad na lalaki sa di klayuan, mga sampung metro mula sa akin na para bang kumukubli siya sa kakahuyan. The figure can surely be classified as a male because of his astonishing build and height. The cat got off my arms and went to the man. The man held the cat and looked at me with his glowing scarlet red eyes. BAKIT PULA ANG MGA MATA NIYA?! SINASABI KO NA NGA BA AT ALAGA TALGA NG ENGKANTO ANG PUSANG 'YON EH!!!

Napatakip nalang ako ng bibig sa nakita ko. Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko ng biglang maglaho yung lalaki. Napaatras nalang ako sa kaba. Nanginginig ako at nakatindig na ata lahat ng balahibo ko sa katawan. SINO BA NAMANG HINDI KIKILABUTAN KUNG BIGLA KA NALANG MAKAKAKITA NG MGA PULANG MATA AT BIGLA PANG MAGLALAHO.

I just shaked the thoughts off my head and headed home. Binilisan ko ang paglalakad ko dahil baka balikan pa ako nung maligno na yun o kung ano man yun.

Nakarinig ako bigla ng mga alulong na para bang likha ng mga lobo. Samantalang ang alam ko ay walang pagala-galang wolf dito sa gubat na ito dahil nakatira lang sila sa malalamig na lugar. Lalo lang akong kinilabutan ng muli akong nakarinig ng mga alulong. Baka naman mga asong ulol lang 'yon, chill ka lang Minerva. Mabuti nalamang at naka-longsleeves ako at maong kundi baka mas nanginginig na ako ngayon sa ginaw.

Napahinto ako sa paglalakad ng makakita ako ng apat na mga nagtatangkarang aso. As in matatangkad talaga. Sari-sari rin ang kulay ng mga balahibo nila, may kulay pilak, may kulay putik, may itim, may puti. Baka naman kasi mga wolf talaga ang mga ito. PAANO NA AKO MAKAKAUWI NGAYON NG BUHAY?!?! KUNG MAY PAGALA-GALANG MGA LOBO DITO?!?!

Napaatras ako bigla ng mapatingin sa akin ang isa sa kanila. Pinakitaan ako nito ng mga nagtatalasang pangil niya at sumugod papunta sa akin...
.
.
.
EmpertrisX👑

Monsters Untold: The SeventhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon