𝕴𝖐𝖆-𝖑𝖎𝖒𝖆

9 0 0
                                    

—𝓒𝔂𝓲𝓮𝓻𝓲𝓵—

"Umupo na kayo at at ilang minuto lang ang pagitan ay mag sisimula na ang laban" Utos sa amin nang Emcee, narinig ko naman nag hiyawan ng mga manonood sa paligid.

Narinig ko ang ibat ibang kampo na nag checheer para sa mga strand nang bawat representative.

"S(CLAP-CLAP-CLAP)
T(CLAP-CLAP-CLAP)
E(CLAP-CLAP-CLAP)
M(CLAP-CLAP-CLAP)
STEM IS THE BEST!!
WOAHHHHHHH!!!" Narinig kong pag checheer nila saakin

Napatingin naman ako sa mga kalaban, magkakalayo ang agwat namin sa bawat isa, may isang mesa at upuan para sa bawat isa sa amin

mga limang arm sideward ang pagkakalayo namin sa bawat isa, narinig ko na ang pag ka countdown nila samin, hudyat na malapit na mag simula.

Nakalapag na ang mga sketchpad sa harapan nang lamesa namin na naglalaman nang tanong at pagsasagutan namin.

"5..
4..
3..
2.." Narinig ko nang pag bibilang nang mga manonood, nakaramdam naman ako nang kaunting kaba, lalo na't hindi naman talaga ako nag rereview ahahahaha.

"1.. START NOW!" Sigaw nang emcee, kaagad ko naman binuksan ang sketchpad.

Tumambad naman sa akin ang, science question na agad konaman sinagutan.

Inilipat ko ang pahina at sumunod naman ang science na kailangan nang periodic table at solution

Tinitigan ko iyon at inisip ko kung ano ang atomic number nila at iba pa, nang makapag isip agad ko naman isinulat ang solution at iba pa.

Sunod kong inilipat ang pahina, nakita kong drawing ang hinihingi, base sa strand.

Agad naman akong nag isip, Dahil STEM naman ako, kasama sa pinag aaralan namin to. Umisip nalang ako nang maiguguhit, malamang yung sa TVL ang pinaka madale, pwede siyang mag drawing nang dress o kung ano na malapit sa Strand niya.

Matapos gumuhit ay nilipat ko agad sa ibang pahina iyon, at nagulat ako nang makita ang tumambad sakin, nakakagulat dahil hindi gaanong familiar sa akin ang nagpakita sa akin.

/ᜆᜎᜐᜈ᜔ ᜀᜅ᜔ ᜁ̊ᜐ̊ᜉ᜔
ᜊ̊ᜎ̊ᜐᜈ᜔ ᜀᜅ᜔ ᜃ̊ᜎᜓᜐ᜔
ᜇᜎ̊ᜀᜈ᜔ ᜀᜅ᜔ ᜆᜃ᜔ᜊᜓ
ᜂ̊ᜉᜅ᜔ ᜁ̊ᜃᜏ᜔ ᜀᜌ᜔ ᜋᜈᜎᜓ/

Bumilis ang tibok nang puso ko sa mga nakikita ko, hindi gaanong familiar sa akin ang mga 'to.

Inalala ko kung anong lenggwahe o anong klaseng alpabeto ang mga nasa harap ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko at muling nagbalik tanaw, hindi kona halos marinig ang sigawan nang mga tao, dahil sa bilis nang tibok nang puso ko.

Hindi ko alam kung paano nangyari, pero bigla konalamang naalala ang mga pinag-uusapan sa mga baybayin noon at hindi man sgurado ay naniwala nalang akong baybayin ang mga nasa harapan ko.

Tinitigan ko iyon at inalala ang mga alituntunin at mga dapat gawin, pati narin ang mga letra na dapat ilapat sa bawat katinig, unti unti ay nabuo ko ang kasagutan

"Talasan ang isip
Bilisan ang kilos
Dalian ang takbo
UPANG IKAW AY MANALO"

Nalito man ay inilipat ko na sa kabilang pahina, marahil ay hindi para saakin ang katanungang iyon.

Tumambad naman sa akin ang katanungan na pang business mathematics naguluhan ako, talagang kakaiba ang laban na ito, hindi lang sinakop ang strand ko, overall! pati nadin ang ibang strand.

Sinisiguro nilang may ibubuga at nag eexcel talaga kame hindi lang sa strand namin.

Buti nalang hindi ganun kahirap para saakin yung ibinigay.

UNBIND THE DISCRIMINATIONWo Geschichten leben. Entdecke jetzt