"Ayoko!" Hinila ko ang bag niya kaya muntik na siya ma-out off balance at inis na inis niya kong hinampas.

"Ba't ba?" Namadali na kong pumasok sa kwarto 'to ko at hindi siya inintay magsalita. Namadali ako nagbihis at kumuha ng tinapay.

"Tara," sabi ko at inakbayan ko siya, sabay na kaming naglakad papuntang sakayan ng taxi at pumuntang school.

Maaga pa kaya wala pa 'yung mga classmate ko, hinatid ko siya sa room niya at nakita ko sila ni Reyly na nag sisigawan doon na para akala mo eh ngayon lang ulit nag kita.

Nag lakad-lakad ako at hinanap ang locker ko, inilagay ko 'yung mga bago naming biling libro at ibang gamit doon para hindi ko na bibitbitin araw-araw.

Nagpunta ako sa garden ng school at na upo sa puno. Humiga ako doon at pinagmamasdan ang mga istudyanteng dumadaan.

"Ang bango ng dugo nila."

"Dude." muntikan na kong mahulog sa puno dahil sa gulat, hinanap ko 'yung boses at nakita ko si Jude sa ibaba.

"Hi." itinaas niya ang kamay niya para sabihin ang pagbati niya, bumababa ako sa puno para samahan siya.

"Men ang aga mo." nag kamot siya ng ulo.

"Akala ko kasi late na ko, na sanay akong 7am na pasok nung high school," sabi niya na parang tinatamad.

"Ah." Na sabi ko na lang.

"Ikaw ba't ang aga mo?" Napakamot ako ng batok.

"Hinatid ko GF ko." napabuntong hininga siya at umupo sa bench.

"Anong feeling ng may girlfriend?" Napatingin ako sa kaniya at sinilip ang mukha niya, natatakpan kasi ng mahaba niyang buhok.

"Masaya para kang nasa langit." napatawa siya ng malakas kaya nakatawag kami ng atensyon sa mga nadaan.

"Nakakadiri ka dude."

"Bakit naman?"

"OA mo kasi HAHAHA." wala eh ganito talaga ang feeling ko pagkasama ko si Fiolee.

"Hi." biglang may lumapit sa'king lalaking 'di naman gaano kaliit at nakagreen as in all green, kulang na lang pati salamin niya green.

"Uy Dex aga ah," sabi ko sa kaniya.

"Ayon kasi sa nanay ko may traffic daw dahil sa maynilad pero wala naman kaya ang aga ko ng one hour." napakamot ako ng ulo, sayang 'tong si Dex eh pogi sana weird nga lang.

"Ayon sa kamao ko tigilan mo 'yang kaka-ayon mo." natatawa na lang ako kay Jude asar talaga siya sa kaweirdan ni Dex pero hindi niya naman tinototoo 'yung pang aamba niya.

"Sorry," sabi ni Dex at na upo sa tabi namin, nagkwentuhan kami doon hanggang sa unti unting nag datingan ang mga classmate namin at pumasok na kami sabay-sabay.

❦❦❦

Nag start na naman ang pakikipagkakilala sa iba't ibang uri ng mortal, puro babae talaga lahat ng classmate ko at dalawang tomboy. Twenty two kami sa buong klase at lima nga lang kaming lalaki.

"Dude makakahanap na ko ng GF dito sa wakas." pabutong sa'king sabi ni Jonas, manyakis ang isang 'to.

"Ayon sa nakita ko kanina, sampu sa kanila ang hinatid ng mga boyfriend nila." Na hampas ni Jude si Dexter at napatawa na lang kami.

"Ey guys ang ingay niyo," sabi ni Angelo na ang sama ng tingin samin.

Tumayo ang prof namin at umikot sa buong klase parang may sinusuri ito.

Bumalik siya sa table niya at inalis ang salamin niya, nakakatakot naman ang isang 'to.

"Mr. Santarin bukas na bukas ipagupit mo 'yan buhok mo." napatayo si Jude sa upuan sa gulat.

"Bakit po!" na gulat kaming lahat sa ekpresyon niya, parang gulat na gulat siya at hindi papayag sa pinag uutos ng prof.

Napapatawa tuloy ako sa kanila ang O-OA ng tao ngayon.

"Ayon sa'king nalalaman, first year palang si Jude hindi niya na pinapagupit 'yang buhok niya." napatingin kaming lahat kay Dexter, stalker ba 'to? Bakit alam niya?

"Pano mo nalaman Mr. Fermin?" Tumayo siya at inayos ang salamain niya.

"Nag scan po ako sa FB niya." tapos ay umupo na siya, lahat sila parang na weweirdohan na sa kaniya samantalang ako natatawa na sa mga nangyayari.

"Tama na tama na! Basta bukas ipagupit mo na 'yan Mr. Santarin." umupo na si sir, natatawa ako sa mukha ni Jude mukha luging lugi.

"Sir!" Nagmamakaawa pa 'to.

"Gusto mo bang sumama 'yang hibla ng buhok mo sa niluluto mo?" Umiling si Jude.

"Okay then ipagupit mo." nakakabwesit na sila tagal mag umpisa ah.

"Pero Sir!" Nabubweset na ko sa mga kadramahan dito.

"No excuse!"

"Sir!" Kinuha ko ang gunting sa bag ko at tumayo, lumapit ako kay Jude at ginupit ang buhok niya.

Bwiset ang tagal mag simula ng klase inaantay na ko ni Fiolee sa canteen sure ako.

"DUDE! Bakit!" Nag back out siya at tumakbo palabas ng room, halos karamihan ng mga classmate kong babae na tawa at nag si palakpakan.

"Comedy bar?" Bwiset na sabi ni Angelo

Natapos ang puro pakilala ng mga intructor namin at prof pero hindi pa rin nabalik si Jude, shet baka mag karoon agad ako ng kaaway ah.

"Fiolee." sinalubong ko si Fiolee na kanina pa nag aantay sa'kin, kasama niya si Reyly, Shun at Prince.

"Tagal niyo," sabi niya at tinignan kami isa't isa.

"Na saan 'yung long hair?" Muli na naman silang nag tawanan ng maalala ang nangyari.

"Ano bang nakakatawa?" Tanong ko sa kanila.

"'Yung mukha niya kasi."

"HAHAHA 'yung lugi."

"Tulig 'yun HAHAHA." tsk bakit ba ako nag karoon ng mga tropang ganto?

Naghanap na kami ng table na mauupuan at kumain na kami, maya-maya lang dumating na si Jude na ngiteng ngite.

"Dudesssss." pinanglakihan ko siya ng butas ng ilong.

"Ba't ang saya mo?" Niyakap niya ko.

"Salamt pre, may gf na ko." muntik ko na maiduwa 'yung nginunguya ko at pati sila parang nagulat.

"Agad-agad?"

"Yeah type niya daw 'yung gupit ko." napatawa na lang ako at sinaluhan niya na kami kumain, dumating 'yung babae na sinasabi niya kani-kanina lang at pinakilala niya samin.

Natapos kami kumain at may isang oras pa kaming break time kaya tumambay muna kami sa kubo doon sa tapat ng building nila Fiolee.

Ang gulo namin at nag sisiksikan sa kubo natatawa tuloy ako dahil hindi ko akalain makakahanap agad ako ng tropa sa unang araw ng klase.

Sana maging kumpletokami araw-araw.

TO BE CONTINUED

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now