21. Apat na Lamesa

Start from the beginning
                                    

"Oo balita ko, bata pa lang sila sinasanay na sila sa pagiging detective at sa pagmamanage nitong resort."

Nagpatuloy pa sila sa usap-usapan. Habang ako ay natulala na lang habang iginigiya kami sa Fuentebella Resort.

Pucha! Para akong nasa mundo ng engkanto sa sobrang ganda ng paligid. Mula sa building ng hotel. Hanggang sa mga villa na nakatayo ng may kakaibang disenyo at sa landscape..WOW. Bakit hindi na lang dito ikinasal si Sunny at Rage? At bakit hindi kami tumuloy dito ni Kid noon, eh ang lapit lang naman yata?

Di ko maiwasang mamangha nang igiya na kami sa mga magiging kwarto namin.

Parang hindi kami magiging serbidora sa ganda ng kwarto.

"You have an hour or two to rest, before the work starts..so..do that." Bilin ng nakaassign na Manager sa amin.

Nagsipasukan na sa kanya-kanyang kwarto ang aking mga kasama. Ganoon na rin ang ginawa ko.

Naroon na ang uniform na gagamitin namin mamaya. Kulay maroon na long sleeve polo at black skirt and black shoes ang mga gagamitin, may hairnet na may disenyong pasobra na  tatabon ng bahagya sa mukha ng magsusuot. Parang nakakita na ako nito sa mga foreign movies..ginagamit nga sa party. Parang mafia.

Ayon sa agency namin ay kulang ang mga original staff nitong resort lalo ngayong summer kaya hindi na makakayang magbukod pa ng ibang tauhan para sa gaganaping event. Kaya naman nanguha na sa manpower agency.

Sinilip ko ang cellphone ko, wala pang tawag o txt mula kay Kid. Ganoon naman lagi tuwing family day. Minsan iniisip ko kung may itinatago ba siyang anak o ano.

Hinagis ko ang cellphone ko sa kama at nagsimula nang magbihis ng uniporme pang mamaya.

Nang sumapit ang tamang oras para pumunta na kami sa pagdadausan ng event ay umatake na ang kaba ko.

Isang napakalaking bulwagan nga ang  mayroon at nakakahilong ilibot ang paningin sa dami ng lamesang nakaayos. Maglalagay na kami ngayon ng warm up drinks sa bawat table. Table one to fifteen ang nakaassign sa akin. Nasa harap iyon malapit sa mababang stage. They must be the VIP    table.

May dalawa kaming pitsel sa tray at isang bote na dala. One pitcher of water, one pitcher of lemon juice, at isang bote ng red wine. Kada mauubos iyon ay babalik kami sa service area para kumuha ulit.

Table one...

Mag isa lang ang nasa table.

Pucha. Bakit parang si Bernard..
"Hi Sir. What do you want, water, lemon juice or red wine?"

Nakakunot noo siyang tumingin sa akin. Sinilip ng mabuti ang mukha kong natatakpan ng bahagya ng accessory sa buhok na ipinagamit sa amin.

"Fucking shit! Bakit nandito ka Mia?"
mariing bulong niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Nakilala niya ako kaagad. "Ahmm..part time."

"Saan mo'to nalaman? Sinong nagsabi? Imposible." aniya. Tila siguradong sigurado na wala ako dapat dito kung wala lang nagsabi sa akin na pumunta rito.

"Si Laine. Sa kanya ko nalaman itong part time para sa birthday niya."

"FUCK." He groaned.

"Put that down." tukoy niya sa hawak kong tray.

Umiling ako. "Bawal. Trabaho 'to. Mamili ka na ng drinks sige na..para makalipat na ako sa ibang table." I smiled at him.

"Damn that lady. Let's get out of here. Ako na ang kakausap sa Manager nyo." Aniya at pilit na inaagaw sa akin ang tray na hawak ko.

Napalingon ako sa paligid at may ilan nang tumitingin dahil nagtatagal ako sa harapan ni Bernard. Nahagip ng mata ko ang table four. Nandoon si Kid!

Nakatitig sa direksyon namin ni Bernard. Tumingin rin doon si Bernard. "You don't know what you've entered into, Mia. C'mon. I'll help you get away with all of this."

Pero wala na sa sinasabi ni Bernard ang atensyon ko. Sa pagkataranta ko ay basta na lang ako dumampot ng pitsel at inilagay sa baso ni Bernard.

"Sige Bernard, lipat na ako sa ibang table."

Table two..

Dalawang tao..

Inulit ko ang scripted kong greeting at tanong.

"Oh I'd love lemon juice please." a woman smiled sweetly and..wait..bakit parang nakita ko na siya? Pamilyar din siya sa akin.

Tinitigan ko ang kasama niyang lalaki na maganda rin ang bihis. Shit. Kilala ko sya.

"Mia?!" nauna pang nakabawi ng pagkagulat si Eric kaysa sa akin.
Sumimangot naman ang kaninang babae.

"My juice please.." mataray niyang saad.

Natauhan naman ako at inilagay iyon sa baso niya. Nakita ko ang pangalang nakalagay di kalayuan sa kanya. Shanella Fuentebella Domingo

Domingo ang apelyido ni Eric.
Ibig sabihin ang dating apelyido ni Shanella ay Fuentebella. Kamag-anak siya ni Kid?! How the hell?!

"Best friend ni Laine si Shanella. At first cousin siya ni Kid. Yung table three sa likod namin, parents at mga kapatid ni Kid." ani Eric na tila sumagot sa iniisip ko.

"Bakit nakauniporme ka ng sa crew..eh nandito naman si Kid at.."
Eric trailed off.

"Ajm..part time ko. Sayang din kasi eh." I cut him off.

Halos lutang pa ako sa nalaman ko. Tubig ang pinili ni Eric kaya iyon ang inilagay ko.

Nginitian ko sila at binati pa ng "Congratulations!"

Table three...

So this is the family huh? May mga mas nakatatandang kapatid..

So carbon copy sila Kid ng father niya..

Meron pang lola sa table three. Kamukha ng nanay ni Kid.

They are all nice. I think.

Lahat sila nag thank you.

Table four..
Nakatayo na si Kid sa table niya at nakakunot noo.

"I'll come back Sir." senyas ko dahil kukuha pa ako ng panibagong drinks dahil ubos na ang dala-dala ko.

Nagmamadali akong bumalik at kumuha ng kailangan.

Sinamantala ko na ring huminga at bumuga ng hangin. Kanina pa naninikip ang dibdib ko.

Pagbalik ko sa table four ay may kasama na si Kid doon. Si Laine.

"Oh hi, Mia." bati ni Laine sa akin habang si Kid ay madilim ang mukha.
Napatingin ako sa kamay ni Laine na nakahawak sa braso ni Kid.

"Kid, hindi mo ba babatiin ang house maid mo? Kahit nagpapart time lang siya sa'yo, show some respect." may kaplastikang turan ni Laine at ngumiti pa ng matamis sa akin.

Hindi kumibo si Kid. Nakatingin lang siya sa akin.

"Oh pasensya ka na sa fiance' ko Mia. May pagkamasungit talaga yan minsan. Red wine sa amin pareho."

Fiance'? At heto si Kid na wala man lang yatang balak itanggi ang ilusyon ng babaeng katabi niya.

Hindi pa ako natatapos magsalin sa baso nila ay nagsalita na ang emcee.
Hudyat iyon na malapit ng magsimula.

Minadali ko na sa table nila Kid para matapos ko ang iba pang table.

-----------------------------

Perfect DistractionWhere stories live. Discover now