10. Pride

155 1 4
                                    

Mia:

Tang'na.

Hindi pa rin humuhupa ang kabog ng dibdib ko.

Kanina pa kami nakatapos ng..hindi ko na maalala kung ilang ulit. Ni hindi ko na rin maalala kung paano kaming nakarating sa kama niya mula sa sabay na paliligo kanina.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling itong nararamdaman ko.

Noong naging isa kami at nasa katinuan ako at wala ako sa espirito ng alak..

It felt wonderful.

Bago iyon sa pakiramdam ko.

Ni hindi ko iyon naramdaman noong ilang ulit kaming naging isa ni Eric.

"You're blushing, Mi." napatingin ako kay Kid dahil doon. Nakapulupot sa baywang kong may kumot ang mga bisig niya.

Nakangisi siya sa akin at nakatunghay ang mapungay niyang mata.

Ayun na naman ang paglipad ng kung ano sa tyan ko nang magtama ang mga mata namin.

Pucha. Daig ko pa yata ang nagdadalagang nene sa inaasal ng sistema ko.

Nginisihan ko siya pabalik.
Gusto kong isipin niya na wala lang sa akin ang nangyari.

Kahit na ang totoo ay nakakatakot ang nakumpirma ko sa sarili ko ngayong may nangyari sa amin ulit.

Alam kong gentleman siya at hindi niya ako agad-agad ididispatsa sa buhay niya kahit pa wala siyang ibang nararamdaman kundi pagnanasa,
Pero alam ko sa sarili ko na magcocommit ako, na itatalaga ko na ang sarili ko sa kanya magmula ngayon. Alam ko na hindi na siya basta estranghero sa buhay ko simula sa araw na ito.

Pero dilat ako sa katotohanang magtatapos lang kami sa simpleng paalam.

Kaya hindi ko ipapahalata sa kanya ang kung anumang damdamin na ito.
Ieenjoy ko ang bawat sandaling kasama siya pero hindi ko ipapakita kung gaano ko siya kagustong manatili.

Hinalikan niya ang noo ko at naramdaman ko ang paghawak niya ng mahigpit sa kamay ko.

"Sorry, napagod kita." Bulong niya.

"Okay lang. Nag-enjoy rin naman ako." Muntik kong batukan ang sarili ko sa sobrang galing ng pagkakasabi ko habang nakangiti sa kanya.

Biglang napalis ang ngiti niya. Para siyang may naalala.

"Where and how did you meet Bernard?"

"Sa Phoenix bar. Unang gabi ko sa MG, siya rin ang unang inalok ko ng cigars, malaki ang tip na ibinigay niya kaya nung kinausap niya ako nakahiyaan ko namang tanggihan."

"Nakipagkilala siya sa'yo?"

Tumango ako. "Nakipagkaibigan siya at nababasa ko naman na hindi siya masamang tao kaya magaan ang loob ko sa kanya."

"So you mean..ngayon lang siya talaga nagsimulang manligaw sa'yo?"

Napatingin ako ulit sa kanya at medyo nagtaka sa mga itinatanong niya.

"Nagtanong siya noon, pero ikinwento ko sa kanya na may nobyo ako at matagal na kami ni Eric. Friends lang talaga kami. Nagparamdam lang siya ulit nung malaman niya na wala na kami ni Eric."

"How did he know that you broke up with Eric?"

"Interview ba 'to sa isang magazine, Kid?" Biro ko sa kanya.

"Cmon' answer me.." seryoso lang siyang nagreact.

"Nakita niya noong minsang makita ko sa bar si Eric kung saan andun din kami ng MG nakadestino. Hindi halos nagtext si Eric sa akin noon kung nakauwi na ba siya o ano..kaya gigil na gigil ako. Tapos andun pala siya sa bar. Nagkayayaan raw silang magkakatrabaho pero siya na lang ang naiwan. Nakipagkilala si Bernard kay Eric."

Perfect DistractionWhere stories live. Discover now