22: Second Chances

Start from the beginning
                                    

"Jess, she's going through a lot right now."

"Alam ko kailangan ka niya pero kailangan din kita. Paano naman ako? Paano naman tayo?"

Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin. He looked helpless. Parang hindi niya alam kung anong dapat sabihin sa akin.

"Nasasaktan ako, Caeus."

Sumikip lalo yung dibdib sa mga sinabi ko. Ang sakit kasi. Lecheng puso 'to. Kanina pa kumikirot. "Ayoko na."

Kumunot yung noo niya nang mapagtanto kung ano bang ibig kong sabihin. "Are you...? Jess, are you breaking up with me?"

"Hindi ko alam. Ang alam ko lang masakit na, Caeus," bago ko pa ituloy yung sasabihin ko nag-ring yung phone niya. Mabilis niyang pinatay pero nakita ko pa rin kung sino yung tumatawag.

Pinunasan ko yung luhang nakatakas sa mata ko. Huminga ako ng malalim. "O, kailangan ka na niya. Baka nalulungkot na naman. Puntahan mo na."

"We're not done talking."

Exhaustion dawned on me. I felt tired, drained even.  "Nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. I can't fight for you if I know I've already lost."

"Jess, I'm sorry. I thought we're okay. I thought you understood. You always understood. That's why I felt lucky to have you. You've been so patient and you promised to stay with me even if it gets hard. You promised."

"Hindi naman ako yung unang nag-break ng promise e."

"I know. I'm sorry. I know I've been a lousy boyfriend and I'll do better. Please."

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nandun sa loob ng sasakyan niya na parehong tahimik. Wala na akong gusto sabihin. Lahat ng nasa puso't isip ko, nasabi ko na sa kanya. Pakiramdam ko naman hindi niya alam kung anong dapat niyang sabihin sa akin. Sa totoo lang kahit anong sabihin niya ngayon, nasasaktan pa rin ako. Kahit ilang sorry sabihin niya, hindi ko pa rin siya kayang tignan ng diretso sa mata. Kasi nga masakit talaga.

Tumunog ng ilang beses yung phone niya pero pinapatay niya lang. Nang tumunog ulit, inunahan ko siya. Sinagot ko yung tawag ni Amber.

"Hello Amber? 'Wag kang mag-alala. Papunta na diyan si Caeus. Tapos na kami." Ipinasa ko kay Caeus yung phone. Halos mahulog na nga yun dahil biglaan kong ibinigay sa kanya. Hindi niya inaasahan. Binuksan ko yung pinto at mabilis na lumabas sa sasakyan.

"Bear, I'll call you back." narinig ko sabi ni Caeus bago ko maramdamang nakasunod na siya sa akin.

"Tapos na kami? Are you fvcking serious?" Caeus was clenching his jaw when I turned to face him. I kept mum, my face expressionless. "Jess, I'm sorry about Amber. I had no idea that you felt that way. I wish you would've told me sooner. I'm sorry for breaking my promises. How many sorry do I need to say for you to forgive me?"

Tinalikuran ko siya at naglakad. Nakakaloko kasi yung sorry niya. Sa ilong niya lumalabas.

"Fvck! This why I hate commitments! There's always drama attached." Napatigil ako sa sinabi niya. Hindi ko napigilang lumingon at tignan siya ng masama. 'Di ako makapaniwalang lumabas sa bibig niya yun. Yun lang pala tingin niya sa akin. Nagda-drama.

Mabilis akong naglakad na ako papasok ng dorm pero huminto ako sa may pintuan. Siniguradong kong nakatingin ako sa mga mata niya. "E 'di tapusin na natin! Leche ka! Bumalik ka sa pagiging playboy mo. Bumalik ka na sa best friend mo! Gago!"

*****

Lumipas ang mga araw na hindi kami nag-uusap at nagkikita ni Caeus. Ni hindi ako nagtatangkang tumapak sa cafeteria. Ayokong makita kahit sino sa kanila.

The Art of FallingWhere stories live. Discover now