Best friends lang sila. Best friends lang sila. Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko.

Normal lang sa kanila yun. Simula bata pa lang sila magkaibigan na sila. Halos buong buhay na nilang kilala ang isa't isa. Matalik na magkaibigan lang naman sila. Kung may gusto si Caeus sa kanya e 'di sana sila na. Pero hindi sila. Kami. Kami ni Caeus e.

Naglakad ako nang naglakad hanggang maramdaman ko ang tulo ng ulan sa mukha ko. Hindi ako tumigil sa paglalakad. Kakaiba sa pakiramdam yung maulanan. Sana nga mahugasan ng ulan yung mga negatibong naiisip ko. Kung anu-ano kasi tumatakbo sa isipan ko. Ang mga hakbang ko ay bumilis hanggang sa tumatakbo na ako. Nag-iikot at nagtatalon din ako. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko pero ang sarap ng feeling na walang pakialam sa mundo. Pakiramdam ko bata akong muli.

Buti na lang at meron akong T-shirt at leggings sa locker ko kaya meron akong pamalit. Hindi nagtagal nagbunga agad yung kalokohan ko. Panay na ang pagbahing ko paglabas namin ng last subject. Medyo giniginaw ako lalo na't puro aircon sa school. Pinapagalitan nga ako ni Steph bakit ako nagpaulan.

Nag-attend kami ng org meeting at nakakahiya yung panay kong pagbahing. Nung kalagitnaan ng meeting, lumabas na ako dahil nakakaistorbo talaga yung malakas kong paghatsing. Tumitigil kasi magsalita yung nasa harap sa tuwing hahatsing ako.

"Did you forget to shower this morning?" biglang sumulpot si Xander sa tabi ko.

"Ha?" Anong pinagsasabi nito? Madalas talaga 'di ko gets takbo ng utak ni Xander. Bakit kaya siya interesado kung naligo kanina?

Hindi siya nagsalita muli at nagpatong sa balikat ko ng jacket bago umalis.

"Thank you." habol ko bago siya tuluyang makalayo. Hindi siya lumingon pero itinaas niya yung kamay niya. Mabait din itong si Xander e. Hindi lang halata.

*****

Pagdating ko sa bahay, agad akong nakatulog dahil masama na yung pakiramdam ko. Kinaumagahan, nilalagnat na ako kaya hindi ako nakapasok. Sinabi ko na lang kina Hailey at Steph para kunan nila ako ng mga notes. Buti na lang at wala namang nagpa-quiz ngayong araw. Natutulog ako buong araw kaya gabi na nang mabasa ko yung mga text nila at ni Caeus. Hinahanap niya ako sa mga una niyang text. Nag-missed call pa siya ng ilang beses. Yung mga huling text, alam na niyang hindi ako pumasok.

Mamaya na lang ako magre-reply kapag nakakain na ako. Gutom na gutom kasi ako pagkagising. Papunta ako ng kusina nang mag-vibrate yung phone ko.

Si Caeus.

"Hello?"

"How are you feeling? Steph said you're sick. Why didn't you call me?"

"Okay na ako. Wala na akong lagnat."

"Did you really run in the rain?" Pati siya 'si makapaniwala na nagpaulan nga ako. Kahit sino naman kasi. Wala namang tao na nasa tamang katinuan ang magpapaulan.

"Caeus, pwede bang mamaya na tayo mag-usap? Magluluto muna ako. Gutom na ako e. Tatawagan na lang kita mamaya."

"Wa-."

Pinatay ko yung tawag. Sa totoo lang natatakot akong baka kung anong masabi ko sa kanya dahil wala ako sa tamang kondisyon. Kakawala lang ng lagnat ko, kakagising ko lang at walang laman tiyan ko.

I brought food. Please come down.

Patapos ko nang kainin yung instant noodles nang mag-text si Caeus. Okay naman na pakiramdam ko kaya binababa ko naman siya.

"Hi." bati ko pagkasakay sa kotse niya.

"Are you sure you're okay? Do you want to go for a check-up?" he cupped my cheek and my heart ached realizing how much I missed him.

Dahan dahan kong tinanggal yung kamay niya sa pisngi ko. "Nilagnat lang ako. 'Wag kang OA."

"I was so worried. Why would you run in the rain? Nagkasakit ka tuloy."

I shrugged. When he realized that he wasn't going to get any explanation from me, he handed over the notes he got from Steph and Hailey.

"I also brought you some soup and-."

"Kumain na ako. Thank you." I gave him a small smile.

"You're like a different person pala when you're sick. I like my wrestler eater back, please."

Gusto kong mag-react sa biro niya pero wala akong gana. "Magkikita ba kayo ni Xander?"

"Huh? Um, yeah tomorrow morning I guess. We'll visit Amber's mum in the hospital before school."

I tried not to wince with the mention of Amber's name. "Pakibalik naman sa kanya ito o." Ipinasa ko yung paper bag ng jacket na pinahiram ni Xander kahapon. Pinasabay ko kasi nang maglaba si Issa kagabi kaya natuyo na.

"Why do you have his jacket?" tanong niya nang masilip niya yung loob ng paper bag.

"Gininaw kasi ako kahapon sa org meeting namin kaya pinahiram niya yung jacket niya. Pakisabi thank you."

"Okay."

"Pwede na ba akong bumalik sa loob? Inaantok na ako e."

"Oh, of course. You should rest so tomorrow I'll have my BG back." He took me by surprise when he kissed me on my forehead.

"Dahan dahan ka mag-drive ha. Message mo ako kapag nakauwi ka na."

"Yes, ma'am." he made a salute making me smile.

"Good night."

Bumaba na ako ng sasakyan at naglakad pabalik sa dorm.

"Baguio girl!" tawag niya habang binababa yung bintana para makita ako. "I love you." he mouthed.

Tumakbo ako pabalik sa kotse niya at muling sumakay para yakapin siya ng mahigit. Halos itapon ko yung sarili ko sa kanya. Hindi ko siya matiis. Baka hindi ako makatulog kapag hindi ko siya nayakap. "I missed you."

Mas hinigpitan niya yung yakap sa akin. "I missed you too. I'm sorry lagi akong busy. Please know that you're always in my heart and mind."

"Okay lang. I understand." Kumalas ako ng kaunti sa kanya para magkaharap na yung mga mukha namin. Pinagdikit ko yung mga noo namin. "Caeus, I..."

Natigil ako. Ayaw lumabas ng mga salita mula sa bibig ko. Gusto ko nang sabihin pero bakit hindi ko masabi?

"I know. I love you too."

Xander loves Amber and she likes Caeus. It doesn't matter because Caeus loves me and I love him. 

The Art of FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon