15: Boyfriends

Magsimula sa umpisa
                                    

Love Lots,

Raven Flores

Caeus' Fan since 20**

Grabe naka-link talaga dun sa post lahat ng social media accounts ko. Buti na lang naka private lahat. Nag-deactivate na rin ako para hindi nila mahanap. Nakaka-stress si Caeus.

Nagising kami ni Ate Issa dahil sa ingay sa labas ng kwarto. Nagkakagulo yung mga dormmates namin at nagmamadali silang bumaba. Mukha naman silang excited at parang kinikilig pa kaya hindi na namin naisip kung may sunog o lindol.

"Anong meron?" tanong ko kay Issa.

"I don't know. We should get ready. May exam ako sa first class ko."

Gumayak kami ni Issa at paglabas namin ng dorm, nandoon halos lahat ng mga kabahay namin. Ano kayang nangyayari?

Paglagpas namin sa mga nakakumpol na babae, bumungad si Caeus na nakasandal sa sasakyan niya, lumabas naman sa driver's side si Kuya Derek. Nagkatinginan kami ni Issa. Siyempre alam na namin na nandito yung dalawang mokong para sunduin kami. Nakakahiya kasi. Ang dami-daming tao nanunuod sa amin.

"Good morning, ladies!" bati ni Kuya Derek.

"Ginagawa mo dito?" Inis na tanong ni Issa sa boyfriend niya. "May show ka 'di ba?"

"Before you get mad, Caeus pulled me into this. Pero I also like it naman kasi never pa kita nasundo in the morning. About my show, I took a leave for this double drive date."

Ano daw? Double drive date?

"Okay, fine. Tara na, ayoko ma-late." Hila ni Issa kay Kuya. Halatang nagmamadali siya para matapos na yung kaguluhan sa dorm.

"Good morning, BG."

"Morning. Hindi mo talaga alam yung salitang low-key no?" tanong ko bago niya buksan yung pinto sa passenger's seat. Umupo na kasi sa backseat sila Issa.

Kay Caeus, laging kailangan grand gesture. Nakakakilig naman pero nakakahiya at the same time. Lagi kasing may audience.

"Hmm. Not in my vocab, babe." biro niya. Ngumiti kaming dalawa. Wala naman akong magagawa. Nandito na siya. Ang arte ko naman kung tatanggihan ko pa yung libreng sakay.

*****

Manunuod kami ng game ng Carlyle ngayon laban sa Andersson University. Pagkatapos na pagkatapos ng klase dumiretso kami sa parking para sumakay sa sasakyan ni Hailey. Sa Andersson kasi yung game. Kahit na hindi naman ako mahilig sa basketball, given na na manuod ako dahil kay Caeus.

Gusto ko rin naman makita si Caeus kasi sa totoo lang tuwing Chem at lunch lang naman kami nagkikita. Kahit na magkasama lang kami kahapon, nami-miss ko na siya agad.

Minsan kapag sinisipag ako binibilihan ko siya ng lasagna tapos sabay naming kinakain after practice. Buti na lang at tatlong order binibili ko. Para kaming siraulo kasi naghahati kami sa isang box tapos magbubukas ulit kami ng isa pang box. Pwede namang tig-isa na lang kami pero mapilit si Caeus na ganun gawin namin para raw sweet.

"This is our thing." sabi pa niya. Madalas hindi ko namamalayan, nagke-crave na rin ako ng lasagna. Nahawa na ako sa pagiging addict niya sa lasagna.

Tapos kapag nauubusan siya ng inumin, sa water bottle ko siya nakikiinom. Hanggang sa malaman ko na may cooler pala siya sa sasakyan niya. Simula nun, hindi ko na siya pinapainom, inuubos niya kasi lagi. Napipilitan tuloy siyang lumabas ng sasakyan at kumuha ng tubig sa cooler niya. Kunwari nagtampo pa siya at nagdrama na baka nandidiri ako maki-share ng inumin. Siyempre hindi ako nagpadala sa mga drama niya sa buhay.

The Art of FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon