Nagtatampo ata si Caeus sa akin. Absent siya ng isang linggo sa Chem. Hindi siya nagpaparamdam sa text o chat. Pati online 'di siya nagpo-post. E dati araw-araw siyang nagpo-post ng suot niyang sapatos sa IG stories niya. Tsaka naggu-good morning siya sa Twitter followers niya.

Hindi siya sumisipot sa tutor namin kaya mag-isa akong nag-aaral sa library. Okay lang naman sa akin kasi nakakapag-review ako ng maayos.

Pero hindi maalis sa isip ko si Caeus. Nag-aalala ako sa kanya.

Bakit nami-miss ko siyang kausap? Bakit gusto ko siyang makita?

Bakit may kirot sa dibdib ko?

Kinapalan ko yung mukha kong lapitan si Xander. Gusto ko lang malaman kung nasaan si Caeus. Gagong yun! Inbox-zoned ako palagi. At least yung Seen-zone alam kong nabasa niya pero hindi e. Talagang hindi ako pinapansin.

"Hi." bati ko sa kanya. Nakakunot yung noo niya nang tumingin sa akin. Nagre-review ata kasi siya tapos inistorbo ko. Dapat kasi pati ako nag-aaral. Pero imbis na yung ang gawin ko, ito ako hinahanap si Caeus.

"Hi." Nagulat ako nang batiin niya din ako. Pero siyempre poker face pa rin si kuya.

"Sorry sa istorbo. Tatanong ko lang sana kung alam mo kung nasaan si Caeus. Hindi niya kasi ako nirereplyan tapos inindian niya ako sa tutor namin."

"I'm not sure where he is right now. Do you want me to call him?"

"Ha? A hindi na. Pakibigay na lang 'to sa kanya." Inabot ko yung reviewer na ginawa ko para sa amin. "Thank you."

"Okay."

"Sige, alis na ako. Aral ka na ulit." Tumingin tingin ako ng bakanteng mesa at nginitian si Xander.

"You can stay." Xander stopped me from my track. I stared at him with amusement. "Or not." he quickly took it back.

Hindi ko alam kung bakit umuupo ako sa harap niya. Nilabas ko yung notes at libro ko at saka nagsimulang mag-review. Lumipas ang oras at kumulo yung tiyan ko. Nang malakas.

Tumingin sa akin si Xander at naramdaman kong uminit yung mukha ko. Nakakahiya narinig niya ata yung gutom ko. Nagmadali akong iligpit yung mga gamit ko bago nagpaalam.

"Thank you sa pag-share ng table. Mauna na ako."

"I'm hungry. Let's have dinner." anunsiyo niya habang inililigpit yung libro at notes niya.

Kumain kami sa Jollibee. Binigay niya ulit sa akin yung balat nung chicken niya. Hindi ko na kailangan hingin dahil kusa niyang binigay. Medyo nagulat ako sa sarili ko dahil wala akong naramdaman na kilig nang gawin ni Xander yun. Dati kulang na lang maglupasay ako sa kilig. Pinicturan ko pa yung chicken nun. Pero ngayon. Masaya lang ako na may extra balat ako ng manok.

Pagkatapos naming kumain, bumalik si Xander sa cafeteria. Baka hinihintay niya si Amber. Ako naman ay umuwi na. Naglakad ako pauwi. Natanaw ko si Caeus na nakatayo sa may entrance nung dorm.

"O, buhay ka pa pala." malamig kong sambit.

"Of course. I can only die kapag sinagot mo na ako."

"Gago! Hindi mo nga sinasagot text ko tapos in-indian mo pa ako."

"Aww. Don't be mad. Sorry, I forgot to tell you that coach brings us to a surprise camping trip every year before the first semester ends. No phones and all. We just got back an hour ago. Xander told me you were looking for me. So I'm here now."

"Bibigay ko lang yung reviewer mo. Yun lang."

"Yun lang talaga?" he teased.

"Oo. Kaya uwi ka na."

"BG, it's okay to miss me."

"Feeling mo! Bakit kita mami-miss?"

"I know you did 'coz I did." He beamed at me. Parang bata.

Bumilis yung tibok ng puso ko. Lumalim yung paghinga ko. Uminit yung mukha ko. May kung anong nag-iiikot sa tiyan ko. Ano ito? E ano naman kung na-miss ako ni Caeus? Bakit ganito ako mag-react?

"I missed you, BG." Hindi nagbibiro yung tono ni Caeus pero nagniningning mga mata niya. Ngayon ko lang napansin kung gaano kalalim siya tumitig. Biglang nanghina yung mga tuhod ko.

"Tama na. Uwi ka na." Napayuko ako. Alam ko kasing namumula na yung pisngi ko. At alam naming dalawa na hindi dahil sa init ng panahon iyon.

"Come here." Caeus pulled my hand and embraced me. "I feel so kilig that you missed me, BG."

Tinulak ko siya pero mas hinigpitan niya lang yung yakap sa akin. "Caeus, kasi."

"Stop being stubborn and just hug me back." he ordered and I obliged. "Good, girl. I missed you too, BG."

"Hindi nga kita na-miss." I denied. Matagal kaming ganun lang. Magkayakap na walang pakialam sa paligid namin.

"Does this mean you like me back?" tanong niya bigla.

Kumalas ako sa yakap at sinamaan siya ng tingin. "Kapal mo!"

"But you're finally acknowledging that you have feelings for me too. I'm so happy right now. I want to scream. You like me too. You're falling for me too."

Ang hirap aminin sa sarili ko na may gusto na nga ako kay Caeus. Nahulog ako sa mga bola at biro niya. Kinain ko lahat ng mga sinabi ko noon.

Punyeta. I like him. Bakit? Kailan? Paano?

"Gago ka! 'Pag 'di mo ko ako sinalo, ako mismo bubugbog sa'yo."

"BG, I've already fallen deep. I'm more than ready to catch you."

"'Pag ako pinagtritripan mo lang, naku makikita mo."

"You know your threats are quite scary but I still feel kilig."

"Baliw!"

"Only for you. Come here, I want another hug." Hinila niya ulit ako at niyakap nang mahigpit. This time, ang tagal.

"Oo na tayo na." bulong ko habang nakikipagkarera yung puso ko sa bilis ng tibok.

"What did you say?" nagbingibingian siya.

"Tse! Bahala ka 'di ko na uulitin."

"C'mon, I just wanna hear it loud and clear."

"Oo na tayo na." sigaw ko. "Masaya ka na?"

He beamed at me while I scowled at him. "Can you say it one last time, I wanna record it." he requested while taking out his phone from his pocket.

Gago 'to a. Inuuto lang ako. "Bahala ka diyan! Aakyat na ako."

"Okay, okay. Wala nang bawian ah. Sabi mo tayo na."

Nagta-Tagalog lang talaga siya kapag nang-aasar. "Kulit mo. Uwi ka na. Mag-drive ka ng maayos."

"Aww. Ang sweet mo naman baka langgamin tayo."

"Galing mo talagang mag-Tagalog kapag nambubwisit. Ba-bye na. Good night."

"See you in my dreams, girlfriend."

Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang sambitin ni Caeus yung 'girlfriend'. Siyempre ngayon lang naman may tumawag sa akin nun. Siya first boyfriend ko e.

Ohmaygahd! May boyfriend na ako. Halong kilig at saya at takot at kaba ang naramdaman ko bigla. Pero nangingibabaw yung saya. Ganito pala yung feeling. Shet! May boyfriend na ako.

It took some time for it to sink in. I have a boyfriend, Caeus Celeste is my boyfriend.

The Art of FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon