KABANATA 1

62 12 0
                                    


Go MNHS! GO! GO! GO!

Halos kulang nalang ay mag latag na ako ng kumot at humiga upang matulog dahil sa pag ka buryong.

Paano ba naman kasi itong si Gaspher, daig pa ang mismong member ng cheer dance club kung maka–perfect sa attendance ng practice!

Makakabisado ko na lahat-lahat ’yang steps nila hindi ka pa nagsasawa! Asik ko sabay irap sa kawalan

Alteast may reserba na sila kung may mag back out. Sabay halakhak nito

Agad ko naman siyang hinampas sa braso

Kahit mag damag ka rito hindi ka mapapansin ng crush mo! Tumayo ako saka ko siya hinila. Kaya tumayo ka na riyan at pumunta na tayo sa canteen!

Paano’y tuwing breaktime ay dito ang diretso namin para lang makita ang crush nitong ugok na’to!

Mauna ka nalang hindi ako-

May quiz tayo mamaya, bahala ka! Pag sisinungaling ko

Top student kasi itong mokong na’to  kaya kahit ganiyan ay nag-aalala para sa grade gayong isa rin siya sa inaasahan ng mga magulang niya. Panganay kasi

Quiz? As far-

Kung ayaw mong maniwala, hindi ko na problema iyon. Saka ko siya tinalikuran palabas ng court

Makonsensya sana siya. Gagamitan niya nanaman ako ng english niya alam niya namang nagdudugo ang ilong ko r’yan!

Hintayin mo ako! Sabay habol sa’kin

Sumalubong sa akin ang pang hapong hangin na siyang nag pasayaw sa umaalon kong buhok pagka labas namin ng court. Agad ko namang namataan si Nine papunta sa direksyon kung nasaan kami ni Gaspher

Magkasama nanaman kayo! Aniya sabay pagitna sa’min

Kumunot naman ang noo ko nang makitang hindi niya kasama si Nica

Nasaan si Nics? Tanong ni Gaspher bago ko pa masabi

Nasa taas, tinatamad bumaba. Nakakainis nga! Saka ipinag salikop ang mag kabilang braso sa braso namin ni Gaspher

Akala ko mag kaaway kayo. Saad ko saka kami nagtungo sa canteen

Pinauna ko muna silang pumasok sapagkat hindi kami magkakasiya sa entrance kaya naman binitawan kami ni Nine

Shake muna ako. Si Gaspher saka kami iniwan

Egg sandwich tayo? Tanong ko kay Nine

Foot long ako-

Nine!

Sinundan namin ng tingin ang hindi pamilyar na babae palapit sa pwesto namin. Probably Janine's friend.

Ang daming chismis dito, true bang may something kayo ni Kael? Galit nga sa’yo ‘yong girlfriend niya!

Kumunot naman ang noo ni Nine

Kael? Hay’nako pass, loyal ako sa crush ko. Saka siya umirap

So hindi truelaley?

Hindi ko na hinintay pang matapos ang kwentuhan ng dalawa sapagkat gusto konang bumili ng makakain lalo na’t maraming estudyante ngayon. Ang hirap kayang makipagsiksikan sa mga ‘to! Kung hindi nangangalabit may iba pang manti-trip.

Ate hotdog nga ’yong kasing laki ng akin.

Napairap ako habang ang iba’y nag tatawanan. Anong nakakatawa dun?

Sorry wala kaming mini hotdog na binibenta. Banat naman ni Ateng nagluluto. Siguro nasa mga bente ang edad nito

Ooh! Kung ako ’yun, nanapak na ako!

Ate, Footlong nga po! Sigaw ko

Wala na akong pake kung makikisingit lang ako, pag gutom may paraan!

Te, footlong nalang daw nito oh!

Hindi ko pinansin ang kung sino mang tarantadong grade seven o kung ano mang grade ang nagsabi ‘non. Baka masapak ko lang ang mukha niya. Sabay kasi ang breaktime ng Grade 7 at Senior High.

Damay mo pa ako, Ate pakasalan ka daw nito, Michael Toress, section gumamela. Add mo daw sa fb-

Oh, Footlong kanino ‘to?

Kinuha ko na ang dalawang footlong saka binayaran bago umalis

Stress, ah? Bungisngis na bungad ni Nine

Tigilan mo ako, Janine. Saka inabot sakanya ang footlong

Guys, may five minutes na lang tayo para mag review.

Gulat akong napatingin kay Gaspher

Review? Para saan?

Kumunot naman ang noo nito saka nag taas ng kilay

May quiz tayo, remember?

Palusot ko lang ’yon, e!

May quiz talaga?

Inakbayan niya kaming dalawa ni Nine bago mag salita

Yup, sinabi sa’kin ni secretary. Saka kami nag lakad pabalik sa room

Buti nalang nag review ako sa bahay, kabisado ko na ’yan si Prof. Si Nine

Para naman akong nanlumo sa narinig

Malaki ba ang points niyan? Tanong ko

Madalas kasi’y kapag perfect ay nag dadagdag ang guro direct to the card. Kapag tinopak ay nag de-deduct pa kapag mababa

Isipin mo nalang, minsan nalang ako tsumamba, asado pa sa bonus!

Niyugyog naman ako ni Gaspher

Don’t worry hindi rin ako nag review.

Gusto kong umismid sa narinig

Tigil ka! Kahit hindi ka mag review, perfect parin ’yang score mo! Ungos ko

Humalakhak naman ito

Hindi ko na ’yon kasalanan.

Hindi na lamang ako umimik at tahimik na pumasok sa classroom

License For Love Where stories live. Discover now