"Hep hep hep," sabi ni Shun at lumapit sa'kin saka ako inakbayan.

"Wag kana magalit pinsan makalawa." halos mahulog ang panga ko sa paa ko sa gulat nung sabihin niyang pinsan makalawa ko siya.

"Pinagsasabi mo?" ngumiti siya sa'kin.

"Ako si Shun Perez anak ni Albert Perez na pinsan ni tito Jazon na papa mo." okay para akong hinagisan ng bomba sa harap ko mismo.

"Weh 'di nga?" Pakikiusisa ni Fiolee kay Shun at tumango lang ito.

"Nung pumunta ka ng England na una akong umuwi dito at si papa naman sumabay kay ate Ainah." pinangliitan ko siya ng mata.

"Bakit 'di ka kala lolo James tumira?" ngumisi ito at bumulong sa'kin.

"Ayoko kasi ng mga dugong nasa plastic at nakalagay sa ref." napaurong ako.

"Kung ganun bakit ka andito?"Hindi ako susuko ayoko maging pinsan 'tong isang 'to.

"Nakakatamad na kasi sa England, hindi katulad dito madami pang mortal at doon naman halos karamihan na ay bampira." sumingit si Fiolee sa usapan.

"Bakit 'di mo sa'kin sinabi nung una palang?" Nag kamot siya ng ulo.

"Eh hindi ko kasi sure kung 'yung kinukwento mong Marshall ay 'yung Marshall nga na sinasabi sa'kin ni lolo James, Na confirm ko na lang nung nabanggit mo mismo si lolo James at nung unang pagkikita naman namin ni Marshall galit siya 'di ba?" Napaisip si Fiolee, wag kanag maniniwala d'yan!

"Ah kaya pala unang kita ko palang sayo akala ko si Marshall ka kasi may pagkakahawig kayo at pag nagkukwento ako minsan parang nagugulat ka at parang alam mo 'yung sinasabi ko minsan naman bored kana kasi alam mo na naman talaga 'yung kwento ko." tumango siya at nag peace sign.

"Yeah nung sabihin mo palang 'yung pangalan ni Marshall natunugan ko na kayo." napabuntong hininga kami pareho.

"Oh ano tapos na ba kayo mag-usap." napatingin kami sa likod at nakita namin 'di Jonas sabay turo sa likod niya.

"Andito pa kami." kumaway naman 'yung tatlong ugok sa likod niya at napatawa na lang ako.

"Ey guys si Fiolee nga pala Girlfriend ko at si Shun --." napabuntong hininga ako.

"Pinsan makalawa ko." Sabay-sabay silang nag 'Hi' doon sa dalawa at sumama sila sa'min kumain ng tanghalian.

❦❦❦

Andito kami sa canteen at kumakain ng tanghalian, si Fiolee lang ang babae sa table namin at anim kaming lalaki na kasama niya.

Pahaba ang table at magkakatabi kaming apat na bampira samantalang kaharap namin tatlong mortal.

"Ayon sa pang lasa ko masyadong madaming asin 'tong ulam ko," sabi ni Dexter at inayos ang salamin niya.

"Men tama na 'yang ayon-ayon na 'yan kumain ka na lang ayon sa kamao ko," sabi nung longhair na si Jude para siyang inaantok dahil sa pag sasalita niya at mapupungay niyang mata. Naka drugs ba 'to?

"Yeah yeah kumain ka na lang Dexy," sabi naman ni Angelo na sarap tawaging Angela.

"Ayon sa inyo kakain na ko." napatawa si Fiolee kay Dexter, siguro na wiwirduhan na siya kay Dexter.

Nag simula na kaming kumain at. .

"Ey pwede makishare?" Isang mistisong prinsepe ang sumulpot sa likod nung tatlong mortal.

"Prince!" Masaya siyang sinalubong ni Fiolee at niyakap 'to.

"Uy teka-teka baka matapon 'yung pagkain ko." bumitaw si Fiolee at nag peace sign kay Prince.

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now