Chapter 1

4 0 0
                                        


"Anak ysa gising na!" sigaw ni tita sa pinto.

"Gising na po tita bababa na po." sagot ko.

Kanina pa ko gising nagiisip isip lang. Si tita Sonya at tito nathan ang nagaalaga saken ngayon. Mababait sila tinuturing akong anak nila talaga. Hindi ko sila kaano ano mga kamaganak ko ayun walang pakelam saken. Haaays. Magisa na lang ako sa buhay namatay mama at papa ko sa aksidente sa eroplano. Nagcrash habang papunta sila ng new york. Nagiisa akong anak at dito kela tita sonya ako tumutuloy kasi si tito nathan bestfriend sila ni papa ng nalaman ni tito nathanang ngyarr pinuntahan nya agad ako sa bahay namin nadatnan nya kong umiiyak sa kwarto ayaw ko umalis ng bahay namin pero kelangan 10 years old palang ako nun walang magaalaga saken.

Ngayon mag 18 na ko 2 weeks na lang. Ang bilis ng panahon.

"ysaaaaa!" sigaw ni tito nathan.

"eto na poooo!" sigaw ko sabay takbo pa cr para gawin ang aking morning routine.

Habang pababa ako ng hagdan may narinig akong kakaibang boses. Hindi yun boses ni tito.

Nakaupo sa tabi ni tito nathan ang pinanggalingan ng boses. Lalaking kahawig ni tito malaki katawan matangos ang ilong at ang ganda ng mga mata.

Nakatingin din sya saken kaya nagkakatitigan kami. Napahinto sya sa kinukwento nya at sabay napalingon saken sila tito at tito.

"Klaus anak si Ysa. Ysa si klaus anak ko." sabi ni tita.

"Hindi ko nasabe sayong uuwe sya ngayon kasi biglaan. Nagulat lang din ako." dagdag ni tita.

Alam kong may anak sila tita na lalake pero hindi ganyan itsura nya sa mga picture na pinakita saken ni tita. I mean siguro kasi bata pa sya nun.

"Hello klaus." maikling sambit ko. Sabay upo sa tabi ni tita.

Tipid na ngumiti lang sya at kumaen ulit. Pinagpatuloy nya ang pagkukwento kela tito ako tahimik lang na nakikinig. Sa mga sinasabe nya na biglaan lang sya na uwe at 2 months lang sya magstay dito at babalik ulit sa Manila.

Simula ng napunta ko kela tito never ko sya nakita ng personal kasi bata palang nasa Manila na sya. Ang ginagawa nila tito pinupunthan sya sa manila pero hindi ako kasama kaya nagulat ako kanina. Aminin ko ang gwapo nya. Pero may iba sa mga mata nya kung pano nya ko tignan kahit pasulyapsulyaplang.

"Agahan mo ang uwe mo ysa at kakain tayo sa labas mamaya." sabi ni tita habang ngaayos ng pinagkainan.

"Opo tita." Tipid kong sagot. Tinulungan ko na rin si tita magligpit ng pinagkainan.

Tumayo na si tito at si klaus. At dumiretso sa taas siguro sa office ni tito sila maguusap. May office si tito dito sa bahay actually malaki ang bahay may maid kami pero isa lang tumutulong na lang kami ni tita sa paglinis. Yun ang gusto ko sa pamilya na to kahit may pera sila matipid sila kaya lalo sila umaasenso.

"Akyat na po ako tita papasok na po kasi ako." paalam ko

"osge agahan maya ah!" paalala nya.

"Opo" sabay takbo ko paakyat.


Habang paakyat ako nakita ko syang pababa. Tipid lang ako ngumiti kasi tumatakbo din ako. Nang bigla nyang hinila ang braso ko.

"San ka pupunta?!" Matigas nyang sabi.

"Aakyat sa kwarto ko." sagot ko naman.

Nabigla ako sa tanong nya. Alam naman nya dito ako nakatira pero ganun ang itatanong.

Binitawan nya ang braso ko at nagpatuloy pababa. Ako na natulala sa ngyare. Napaisip ako bat sya ganun sa aken.

___________________________________________

Heeeeey! Thank you po if may magbabasa man maraming thank youu. Godbless us and keepsafe everyone.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: May 30, 2020 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

KlausHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora