Prologue

1.6K 27 1
                                    

Dani

"Ahhh! ang sakit ng ulo ko--"

Napatigil ako sa pagsasalita nang libutin ng dalawa kong mata ang kwarto kung nasaan ako ngayon.

Teka! Hindi ko to kwarto. Mamaaa!!! Ay wala pala akong mama. Pero familliar yung kwarto na 'to. Pang lalaki. Teka ano bang ginawa ko kagabi sa party?

"Girl, tama na yan. Andami mo ng naiinom" pagpipigil ni Seah sa akin, kinuha niya na ang beer.

"Ayoko! Hindi fa ku la-seng" natatawa kong sagot kay Seah, sabay kuha ng beer at tinungga ito.

"May problema ka ba ha? Kanina ka pa jan inom ng inom" pagsisingit sa usapan ni Camile.

Umiling iling ako at ngumingiti.

"Wala ah! Ako? Bat ako magkakaproblema? Pfftt- edi sana nasa bar ako at hindi nag attend ng ball" sabay tungga na naman ng panibagong beer.

Hindi ko namalayan na marami na pala talaga akong nainom. Nawala na rin yung mga kausap ko. Si Seah na lang naiwan. May kausap siyang lalaki. Nang mapunta yung tingin nung lalaking kausap niya sa akin ay ngumiti ako, pero hindi siya ngumiti sa akin. Sus, ang sungit mo boi! Hmp.

"Hoy! Umuwi na tayo. Ihahatid na kita sa condo mo" pagyayaya nito nang umalis na yung lalaking kausap niya.

Siningkitan ko naman siya ng dalawa kong mata.

"Parang may kamukha yung kausap mo kanina. Hmmm? Sino nga ba siya ulit? Hmmm?" pag iisip ko kunwari habang nakalagay ang isang daliri ko sa gilid ng noo ko.

"Malamang kilala mo yon! Tara na nga baka mahagip kapa sa mga cameras ng ibang mga tao. Mag trending kapa kinabukasan" nag aalala nitong saad. Pilit niya akong tinatayo sa upuan ko, pero hindi niya ako matayo tayo. Tumawa naman ako habang tinitingnan niya ako ng masama.

"Wag na tayo mag alis dito sa ball. Huhu. Plish?" pagmamaka awa ko habang nag pu-puppy eyes. Binitawan niya naman ako kasi nag ring ang cellphone niya.

"Totoo? Sige saglit. Paano ba 'to? Oo sige papunta na" nag aalala nitong sagot sa kausap niya sa phone.

Tiningnan niya naman ako na halatang naguguluhan. Ngumiti ako sa kanya.

"May pupuntahan ka? Ok lang naman ako, kaya kong umuwi" nakangiti kong saad para hindi siya mag alala

Tiningnan niya lang ako at nag isip.

"Ihahatid muna kita baka may mangyari pa sayo"

Hindi naman na ako sumagot. Pinilit ko na tumayo kahit na umiikot ikot na ang paligid ko.

"Kaya mo ba?" nag aalalang tanong ni Seah habang nakahawak sa'kin.

"Ofo mama" natigilan naman ako sa pagsagot ko at umiling iling habang natatawa "Ay wala nga pala akong mama" tsaka bumungisngis

Nasa parking naman na kami. Tahimik pa dahil hindi pa naman tapos ang party. Bumitaw naman ako sa paghahawak ni Seah at pa ika ikang pumunta sa red na kotse.

"Hoy babae! Bat ka pumupunta jan? Hindi ko yan kotse" sigaw ni Seah.

Tiningnan ko naman siya ng nagtataka at tumawa ulit.

"Ikaw talaga frenny mahilig mo 'kong lokohin. Eh red nga yung car car mo eh" sigaw ko rin sa kanya

"Red nga ang kotse ko. Pero hindi yan!" sigaw ulit nito

Napatingin naman ako sa kotseng red. Ay oo nga hindi niya yun kotse kasi may design 'to eh. Tiningnan ko siya.

"Frenny bakit ka umiikot jan? Ahihihi ayoko ng maglaro oy" sigaw ko habang pilit na naglalakad ng matino pero hinji ko na talaga kaya at natapilok ako sa heels na suot ko. Hinihintay ko ang paglanding ko sa sahig pero ayaw.

Naningkit naman ang dalawa kong mata at pilit na kinikilala yung lalaking nakahawak sa bewang ko.

"Dani naman!" rinig kong sigaw ni Seah.

"Farang kamuka mo yung kakilala ko, mister. Tsaka ikaw din ata yung ano-- yung hmm? yung lalaking kausap ni frenny ko kanina! Ay oo nga ikaw yun" saad ko habang nakaturo ang hintuturo kong daliri sa mukha nung lalaki.

Narinig kong nag usap silang dalawa ni Seah. Pero hindi ko sila maintindihan. Tsk! Hindi man lang ako sinali sa usapan. Andadamot!

"Ok" sagot nung lalaki

"Sali naman ako sa usapan niyo!" pagsasalita ko

"Hoy Dani! Ihahatid ka muna ni---"

Hindi ko na siya natapos pakinggan dahil sumara na ang dalawa kong mata.

AHHHHH!! Nabalik naman na ako sa realidad. Huhu nasaan ako? Agad ko namang tiningnan yung suot ko. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita na eto pa rin ang suot ko.

Napatingin naman ako sa pinto ng dahan dahang bumukas ito. Nanlaki maman ang dalawa kong mata ng makita kung sino 'yon.

Iniluwa non si Zai. Ang ex ko.










Private RelationshipWhere stories live. Discover now