3

627 19 0
                                    

"Jelai?" tawag ko sa p.a ko

"Yes, ma'm?"

"Did Zai contact you?" tanong ko dahil yung last contact niya sa'kin is kagabi pa. And until now, matatapos na ang araw wala parin siyang paramdam kahit text or calls man lang.

Umiling naman si Jelai "Hindi po ma'm, bakit po?"

"Ah,wala naman sige uwi na tayo. Hindi na ata ako masusundo ni Zai" saad ko. Hindi naman na nagsalita si Jelai napansin niya siguro mula kanina na iba yung mood ko ngayon.

Nasa kotse na ako ngayon. Nilibot ko yung parking lot at nagbabasakaling baka makita ko ang kotse ni Zai, pero wala. Kinuha ko naman ang phone ko at naisipang i-message siya.

Busy? -erase- Where are you? -erase- Bakit walang calls or texts? -erase- Hows your day?walang paramdam ah? -erase-

I don't know what shoud i message to him. Baka busy lang siya sa mga photoshoots niya kaya nakalimutan niya mag update. Nag tingin lang ako ng mga igs stories ng mga iba't ibang tao. Until i saw Cindy' stories.

Story 1: a boomerang of her with Zai

ang saya ah? parang walang jowa na naghihintay sa paramdan niya. Tss.

Story 2: video of them that laughing to each other at may nakasulat pana "ang corny naman @ zaikiel but you made me laugh huh :'\ "

may time kapa talaga mag joke ah?! tas di mo man lang naisip na mag text kahit like man lang na emoji!

Story 3: picture of them while doing a peace sign

may pa-peace peace sign kapa jan! Ang dami mong alam!

Pagkatapos ko i-view ang ig story ni Cindy na tatlong piraso pa talaga ha! Ano?! Para i love you? Tss! Magsama kayong dalawa! I turned off my phone to avoid message of anyone. Naiinis ako at nang gigigil at the same time.

Grgh!

"Ma'm?" alanganing tawag ni Jelai. Tumingin naman ako sa kanya. "Pupunta pa po ba tayo sa coffee shop niyo?" tanong nito

"Yah!" maikling sagot ko. Tumango tango na lang siya at may sinabing kung ano kay Kuya Jed na driver ko.

Ilang saglit lang rin ay nasa coffee shop na kami. Pumasok naman na ako. Buti na lang yung mga tao dito ay mga busy at hindi ako gaano napansin. May ibang tumingin pero halatang busy sila sa mga ginagawa nilang kung ano sa laptop nila. Pumunta ako sa kusina at umupo muna.

"Ma'm?"

"Ano na naman yon?!" inis na wika ko. I felt guilty naman dahil nabubuhos ko yung inis ko sa ibang tao. Nakita kong nagulat din si Jelai sa inasta ko.
"I'm sorry. What is it?" kalmado kong tanong.

"A-ahm.. Ano po-- yung kakainin niyo for dinner? Mag take out po ako sa malapit na resto jan"

"Anything basta nakakain" sagot ko. Hindi naman na siya sumagot at nag tango lang tsaka umalis. Pinatong ko naman ang siko ko sa mesa at kino-veran ng dalawa kong kamay ang mukha ko.

Ilang segundo lang nang umalis si Jelai ay may narinig akong kumatok.
"What?" bored na saad ko. "Ilapag mo na lang yung pagkain ko jan, wala pa akong gana. Kakainin ko na lang mamaya. Then leave" utos ko habang nakatakip parin ang mukha.

"Ehem" pakunwaring ubo nito. "Can i order a coffee?" tanong nito. Parang may kaboses siya ah? Dahan dahan kong inalis yung dalawa kong kamay sa mukha ko at tumingin sa may pinto.

Agad naman akong nag iwas ng tingin bago siya tinaasan ng dalawang kilay.

"Mag order ka don! Hindi ako barista!" seryoso kong saad

"I have an appointment to their manager. Can i please talk to the manager? Co-complain kolang sana yung barista nila, hindi ginagawa yung trabaho" pagpaparinig nito. Pa chill chill pa siya duH di tayo bati hoy!

Pakunwari naman akong umubo at tiningnan siya. "Excuse me i'am the manager and I suggest du'n ka na lang sa IBA magpatimpla ng kape mo! Busy pa ako sa LOVELIFE ko eh" pagdidiin ko sa tsaka siya pinandilitan.

"Lovelife?" takang tanong nito tsaka lumapit sa tabi ko pero nakatayo parin.

"Oo! At wag kang mag assume assume na ikaw yon! May iba na ako!" galit na saad ko pero hindi ko siya tinitingnan

"Love naman" pagsusuyo nito. Tiningnan ko lang siya ng walang emosyon at umiwas ulit ng tingin.

"May pa appear appear sa ibang stories sa ig pero mag message man lang sa jowa, hindi magawa gawa" *roll eyes*

Hinawakan niya naman ang isang kamay ko. Pilit kong pinipiglas yun pero hindi na rin nakayanan ng powers ko. Pagod na talaga ata ako physically.

"Love" malambing na tawag nito tsaka inikot ang rolling chair kung san ako nakaupo kaya naman nakaharap na ako sa kanya. Sunod ay hinawakan niya ang chin ko tsaka tinaas ito para magkatitigan kami. He release a sigh.
"First I apologize ok? I'm sorry for not updating or contacting you. Coz my phone is lobat and i try to borrowed charger but Cindy make fun of me, she told to staffs na wag ako pahiramin ng charger. And dun sa story niya na kasama ako, she said kasi na papahiramin niya na ako ng charger kapag nag selfie kami and boomerang. Tas pagka open ko ng phone wala man lang isang message or calls akong natanggap galing sayo. That's why i messaged Jelai, then she said na badtrip ka kaya naman dumiretso ako dito now. I'm sorry" mahabang paliwanag nito. I saw his sincere eyes when he's explaining.

Tinaasan ko naman siya ng kilay
"Galing ah, pinag isipan" saad ko pero nagbibiro lang ako.

"Love naman, wag naman tayo mag away. Next week na alis mo oh tas mag aaway pa tayo. Paano na ko nyan ah?" tanong nito sa malungkot na tono. Natawa naman ako sa last na sinabi niya.

"Paano kana? Eh? Hindi naman kita anak para pagtimplahan ng gatas tuwing iiyak ka" natatawang saad ko

"Baby mo'ko, remember? Kagabi nga ninakawan mo 'ko ng halik. Huhu" pagdadrama nito habang nakahawak pa sa labi.

"Smack lang naman yun" saad ko

Tumingin naman siya sa'kin ng nakakaloko na para bang may masama akong nasabi. Nagulat naman ako sa ginawa niya ng i-level niya ang mukha ko sa kanya at ilapag niya yung kamay niya sa dalawang gilid ng rolling chair na inuupuan ko kaya naman feeling ko nagkaka amuyan na kami ng hininga. At ang bango niya parin, ewan ko na nga lang kung ganon din ba ako.

"O-o-oh? A-nong.. gi-na-gawa m-mo
a-ah?!" utal utal kong wika

Binigyan niya lang ako ng nakakalokong ngiti. At agad na dinampian niya ng halik ang labi ko. Ginagalaw niya ang labi niya sa akin habang ako ay hindi na nakagalaw. Matapos din ang ilang segundo ay inalis niya na ang labi niya sa akin.

"I got it! Thanks. Haha" nakangiting saad nito tsaka umayos na ng pagkakatayo.

Habang ako ay hindi alam ang sasabihin o ang iaarte. Buti na lang ay dumating na si Jelai dala ang dinner ko. Halata namang nagulat din siya sa presensya ni Zai.

"Ahm, eto na po yung dinner niyo ma'm Dani. Wala nga lang po akong nabiling soup para po sa appetizer--"

pinutol naman siya ni Zai sa pagsasalita

"Okay lang Jelai. Binigyan ko naman na siya ng appetizer" nakangiting saad nito.

Kahit hindi maintindihan ni Jelai ang sinabi ni Zai ay tumango na lang ito at lumabas na ng kusina para bigyan kami ng privacy.

"May gana kana ba, love? Or gusto mo pa ng--"

Sinamaan ko naman siya agad ng tingin.

"Ang sungit, gusto lang naman ng halik" bulong ni Zai










Private RelationshipUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum