Saan ba ako nagkulang?
May kulang ba talaga sakin o hindi lang talaga ako naging sapat sa kanya?
May pagkakamali ba akong nagawa? O inaantay lang talaga niyang magkamali ako?
Mali ba ako sa part na, hinahayaan ko nalang siya na gawin lahat ng gusto niya?
Kasi pagbinawalan ko naman siya mali pa rin ako, sasabihin din na ang higpit-higpit ko o nakakasakal yung pagiging ganyan ko.
Bakit lagi nalang akong naiiwan?
Bakit lagi nalang akong nasasaktan?
Ako ba talaga ang may problema kaya hindi sila nagtatagal?
Bakit?
Sa araw-araw ito ang mga pamungad na tanong sa aking isipan. Minsan alam ko naman na ang sagot pero patuloy ko pa ring tinatanong ng paulit-ulit sa aking isipan. Minsan kasi masarap saktan ang ating sariling damdamin, yung tipong mapapasabi ka na "sige saktan mo pa sarili mo, kulang pa yan, mag overthink kapa para masaktan ka ng subra subra!". Ewan pero para sakin nakakatulong yun eh. Ika nga nila "Feel the pain until it hurts no more". So i guess yan talaga ang maigi kong gawin. Haha
Ako nga pala si Jenna Moritz, a typical girl. Bi vibes lagi ika nga ng mga taong malalapit sakin, kahit magdamit man ako ng pambabae at mag gown. Loner din minsan, hindi ko alam kong bakit pero yun na yun, trip ko lang mapag-isa, malala ata moodswing ko haha.
A/m(hope magustuhan niyo ito guys. Pa comment nalang kung anung kulang o dapat kong iayos😊
YOU ARE READING
My Ex And Why's
Teen FictionSometimes we must break, so that we can bloom🖤 Nasubukan niyo na bang umibig ng subra? Yung tipong kaya mo siyang ipaglaban? Kaya mo siyang ipagtanggol sa lahat? Na kaya mo siyang piliin over your family. Handa mo silang kalabanin at suwayin makasa...
