Simula

299 46 74
                                    

"You are born with wings. You are meant to soar high with greatness..."

Simula
Genesis' Point of View

Pinagmamasdan ko mula sa malayo ang mga batang masayang naglalaro. Nagbabatuhan ang mga ito ng bola habang naghahabulan, ang siyang matamaan ay magiging sunod na taya sa laro.

I'm always curious, what does it feel to be normal? To have friends like them and to have freedom to do whatever you want to do and to go wherever you desire.

Pait ngiti akong ngumiti at binalik ang atensyon sa paglalakad. I always envied them for what they have. Dahil ito ang mga bagay na wala ako. I'm already eighteen years old but I never tried to do things like what they do and have. Ang magkaroon ng kaibigan o kalaro sa paglaki, makapag-aral at makatakbo ng malaya.

But it's seems everything I hoped for, since I was a child is impossible because I'm different and we're living in a place full of discrimination and perfection. At ang masaklap pa roon, we are not pure as them, holy and perfect as they are. We are just a dirty part in this cruel society. Dumi na kahit kailan ay hindi mo gugustuhing lapitan at mapabilang. We are a disgrace in our kingdom.

Kaya nga nakatira kami malayo sa sentro ng kaharian. Malayo sa bayan. We are called "untouchable people", living in Patmos Village under the Kingdom of Aero. Ang mga nakatira lang dito ay mahihirap na mamamayan ng kaharian at mga kriminal na napalaya sa kasalanan.

"Genesis, anak, ayos ka lang?" tanong sa akin ni Mama. Nagising naman ako sa ulirat at tumango.

"Nabili mo ba yung hinahanap mo?" Tanong sa akin ni Mama.

"Opo." Sagot ko dito at tumulak na kami pabalik sa Patmos Village.

Kailangan naming pumunta sa sentro ng kaharian dahil may mga bilihin na dito lang makikita. Mabuti na lang may mga iilan paring tao sa bayan na may mabuting puso na hinahayaan kaming makabili sa mga itinitinda nila. Kung ako lang ay hindi ko gugustuhing pumunta roon dahil sa ganung kalagayan namin. We are being rejected and yun yung masakit sa lahat. I was thinking, ganun na ba kalupit at kawalang puso ang nasa itaas para hayaan na maranasan namin ang ganitong sitwasyon?

I don't get the point, we are all just human like them and we deserve a right and just society. Mamamayan nila kami and we deserve that.

Ganito rin ba sa ibang kaharian? O sadyang dito lang? Karapatan na hindi pantay, kahirapan na hindi nabibigyan ng pansin? Gusto ko mang lumaban pero hindi pwede.

I took a deep breath and sigh out of frustration.

Nang makarating kami sa bahay ay agad kong pinasok ang mga pinamili namin at agad lumabas para maitanim ko ang mga binhing nabili ko sa bayan. Ito ang madalas kong ginagawa sa bahay, ang pagtatanim.

Minsan kinakausap ko ang mga ito dahil sabi ni Lola Kora ay mas mainam daw ito para agad lalaki. Wala namang mawawala siguro kaya sinubukan ko na rin. And I admit I'm enjoying it. At least may nakakausap ako at nalilibang ko ang sarili ko. Because ever since, I do not have friends, well, I do have, before... but I lost him a long time ago.

My mother always kept reminding me, not to use my ability because the kind of power I have will put me only into danger especially the people around me.

I don't know why but it feels so good one time I used  it...but...that day also, I realized she's right. I should kept my power hidden. Hindi ko makakalimutan yung araw na yun kung paano namatay ang isang tao dahil sa ginawa ko.

"Mama, punta lang po ako kila Lola Kora. Dadalhan ko lang po siya ng mga napitas kong gulay at prutas."

"Basta agad kang bumalik, Genesis. Magtatakip silim na. Hindi maganda na nasa labas ka pa." Si Mama habang naghihiwa ng mga rekados para sa hapunan. Tumango ako at nagpaalam na.

Genesis: The Blazing PhoenixWhere stories live. Discover now