"Oh bakit? Totoo naman ah? Gustong-gusto mo si Ash?"

Ngumiwi si Tita Erin. "Hindi naman."

Tumingin sa akin si Tita Carla kaya kinabahan ako.

"May mas gusto ako sa'yo. Ayaw ko roon kay Ash." Ngumiti sa akin si Tita Carla. Napasinghap tuloy ako.

Huminga ng malalim si Drain at tiningnan ang mga naroon. Bago lumipat sa akin.

"Ayaw ko rin po roon, Tita Carla." Sinabi niya 'yon habang nakatitig sa akin na nagpagulat kina sa kaniyang ina.

"Oy ano na? Pinapunta mo ako rito para manood sa'yong matulala?"

Nabalik ako sa wisyo dahil sa lakas ng bunganga ni April. Katabi ko siya sa aking kama. Tinawagan ko siya kanina at pinapunta ko dito sa bahay. Sunday ngayon at wala naman akong magawa.

"May naalala lang"

"Paano mo nga pala napapayag si Drain na magpicture kayo?" Takang aniya.

Ngumiti ako ng sobra. Inis niyang tinusok ang pisngi ko. "Hala! Ngiti agad ang gaga oh! Kwento muna!"

Hinawi ko ang kamay niya at inis siyang tiningnan. "Oo na! Makinig ka at ayaw ko nang paulit-ulit!"

At ayun na nga kinwento ko ang nangyari pamula roon sa pagrereklamo ko sa nararamdaman niya hanggang sa sabihin niya 'yong 'Akala ko rin' paasa line niya!  tapos 'yong ginawa sa amin ni Axel. Katunayan, dapat akong magpasalamat roon eh. Kung hindi niya iyon ginawa ay baka wala kaming picture kahit isa. Saka 'yong paper dance na talaga namang nagpahulog ng todo sa akin. Kilig na kilig si April at hindi nakaligtas ang braso, baywang at mukha ko sa mga hampas niya. At sinabi ko rin 'yong huling linya na nagpagulo na naman sa aking sistema.

"Grabe! Si Drain ba talaga 'yan?" Gulo-gulo na ang buhok niya ganoon rin ang akin dahil sa hampasan namin.

Ngumiwi ako at tumango. "Alangan naman!"

"Hindi kaya naengkanto ka?"

"Gaga!"hinampas ko siya ng unan.

Tumawa siya at lumayo sa akin.

"Sayang, wala ako roon! Ang sweet niyo pa naman! Siguro namatay na ako sa sobrang kilig!" Saka siya tumawa ulit.

Inirapan ko lang siya ngunit natatawa na rin sa reaction niya.

Pagkatapos noong eksena tungkol sa nililigawan ni Drain ay kumain ulit kami. Marami pang nangyari. May picture kaming lahat, kasama ang mga Tita at Tito. Mayroon kaming solo ni Chenny. Sila ni Axel. At syempre kami ni Drain. Ilang oras pa ang ginugol namin roon bago nagpaalaman na uuwi na. Pagod na pagod ako kagabi kaya nakatulog agad ako. Maaga naman akong nagising at ito na nga, andito na si April.

"Pero.. Jerace?"

Gulat akong napatingin sa kaniya nang hawakan niya sa braso. Seryoso siya kaya naman natawa ako.

"What?"

"Ang seryoso mo naman."

"Tsk! Makinig ka. "Tinitigan niya ako. "Tingin ko may gusto na si Drain sa'yo."

Kumalabog ang puso ko at nanlalaki siyang tiningnan. "Paano mo naman nasabi?" Tanong ko kahit 'yan rin ang iniisip ko kagabi bago nakatulog.

Inirapan niya ako." Anong ibig sabihin niya roon sa sinagot niya sa'yo? Akala niya rin na wala siyang gusto sa'yo? Tsk! Bakit ka niya hinayaang makalapit ng ganoon? Diba allergic 'yon sa'yo? Tapos tinanggi niya kamo 'yong sinabi ng Mommy niya tungkol roon kay Ash take note habang nakatingin sa'yo ah!"

Ngumuso ako at napaisip. Oo nga pero aasa na naman ba ako? Hangga't hindi niya nililinaw hindi na ako mag-aassume! Hindi na! Hmp.

"Malay mo..ano..ginawa niya lang 'yon kasi.."

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang