CHAPTER 10 - Evil Plan

Magsimula sa umpisa
                                    

“The decision is final. Don’t worry konting ensayo lang naman. Okay? Sige na, go home.” Yun lang at tumalikod na si Sir. Hindi na ako pinatapos eh. Para saan pala at nag sabi pa siya.


Bahala na. Ano pa bang magagawa ko, the decision is final na nga daw. Isisingit ko na lang yung mga practice sa schedule ko. Dagdag pahirap na naman.


Nasa 2nd floor na ako at pababa na sana ng ground floor ng makasalubong ko pa ang unica hija ni Lucifer este si Blandina.


Anak ng tipaklong talaga oh. Kapag minamalas ka nga naman. Kaya nag mamadali ako eh para maiwasan 'to. Pinag tatagpo pa din talaga kami kahit anong dasal ko.


“Ah! There you are--“


Hindi ko na siya pinatapos at umakyat na ako ulit. Sa kabilang hagdan na lang ako dadaan. Mas malayo pero at least wala kang makakasalubong na kampon.


“Hoy! Bumalik ka dito. Bwisit ka!”

Hahaha. Asa ka.


Buti nalang at laging naka-heels si Blandina kaya hindi siya maka habol sa akin ng maayos.

Mabilisan kong tinakbo yung kabilang hagdan. Record breaking kahit na may dala akong mabigat. Ilang saglit lang at nakababa na ako. Dumaan muna ako saglit ng library para ibalik yung encyclopedia tapos lumabas na ako ng main building.


Natakasan ko na naman si Blandina.


Sigurado kumukulo na naman ang dugo nun at umuusok na naman ang ilong sa galit. Hina-hunting niya kasi ako ever since minali ko yung sagot dun sa homework niya sa Accounting. Akala naman kasi niya naniwala ako dun sa sinabi niyang quits na kami kapag sinagutan ko yun. Yung pag mumukha niya kahit na maganda eh hindi dapat pag katiwalaan.. Ang nakakapag-taka lang talaga alam niya kung kailan at saan ako hahanapin. Kung anong oras ang pasok ko, kailan ang break time at kung anong oras ang out. May pagka-stalker lang talaga. Minsan nga naisip ko baka may nilagay siyang device sa akin kaya natrack niya kung saan ako naka pwesto. O baka naman malakas lang talaga siya kay Lord.

…...


Pag-katapos ng work ko sa fast food dumaan muna ako kela Clarence para ihatid yung gitara ko. Tutugtog kasi kami bukas dun sa isang resto bar na ni-recommend nung classmates ng kambal. Ayaw ko naman na dalhin pa sa school yung gitara ko kaya ipapadala ko nalang kay Clarence. Hassle kasi. Kailangan pa kumuha ng pass dun sa school namin kung mag papasok kami ng instruments.


Pagka-hatid ko ay umuwi na din agad ako ng bahay. Medyo late na din naman. Tapos nag paalam ako kay Tatay na may gig nga kami bukas at late na ako makakauwi. Pinayagan niya naman ako basta huwag lamang daw lalampas ng alas dose ng gabi at huwag na huwag mag iinom. Siyempre dahil minor ako hindi talaga ako umiinom. Hmm.  Occasional drinker pala. Kapag may birthday lang sa grupo namin. Pero konti lang yun.


After ko matapos ang homeworks ko at makapag advance reading eh, nag pasya na ako matulog. Nakakapagod din ang araw na ito. Dumagdag pa sa isipin ko yung upcoming Olympiad at syempre yung permanente na atang residente ng utak ko na si Blandina. Epitome ng stress sa buhay. Kailan kaya siya mag babago. Naku, talaga naman.



QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon