CHAPTER NINE

10.5K 282 11
                                    


MATAPOS sabihin sa mga kaibigan na totoo ngang may naka-one night stand siya ay agad na dinismis ni Rye ang kanyang party. Wala na umano itong ganang makipagsosyalan dahil mas gusto nitong marinig ang buong kuwento ni Shane. Dahil wala sa bansa ang tiyahin at ang asawa nitong French Diplomat ay niyaya sila ni Rye sa unit ng mag-asawa. Solo nga naman nila ang lugar at daig pa ang nasa five-star hotel!

Lahat halos ng pagkain ay ipinamigay na ni Rye, nag-iwan lang sila ng makakain na para sa kanila at ilang bote ng wine. Sa sala ay doon sila nagtipon at nagkuwentuhan. Halos lumuwa ang mga mata ni Lee nang marinig ang ginawa niya.

"Strangers in Paradise kayo!" komento ni Rye na sunud-sunod ang tungga ng wine. "Imagine Shane- you slept with a total stranger!"

Nag-init ang mga pisngi ng dalaga. "Oo nga, shit." Gusto na niyang lumubog sa carpet. Ngayon lang niya nari-realize lahat ang bigat ng nagawa. Magkahalong hiya at takot pa ang naghahari sa dibdib niya. Paano nga ba kung buntis siya?

Hindi naman siguro. Pilit niyang pinalalakas ang loob pero alam niyang may basehan ang takot. Kelan nga ba siya huling nagkaroon ng period?

"Imagine, hindi mo man lang natikman si Mark. Naunahan ka ng iba, and now, mukhang buntis ka pa with someone you don't even know! The irony of things!"

Alam ni Shane na ang sinabing iyun ni Rye was meant to be a joke but it hit her right into her core. Naramdaman na lang niyang tumutulo na ang mga luha niya.

"Rye! Tama na!" saway ni Marigold na ngayon ay nakaakbay na sa kanya. "Huwag ka nang umiyak, Shane."

"Oo nga. B-baka nga buntis ka.... and masama sa bata ang mga negative emotions." Nasa harap niya si Lee.

"Hi-hindi nga ako bu... buntis." She was sobbing heavily now. Kahit anong gawin niya, hindi niya mapigilan ang sarili.

"Wala namang masama kung buntis. It's a gift from God," ani Rye. "Sinabi ko lang na ironic ang mga pangyayari. Not that we're blaming you, Shane."

Hindi na siya nakasagot pa kay Rye. Hindi na rin siya nakauwi ng Pasig that night. Lahat sila ay sa One McKinley Place nagpalipas ng gabi at natulog.



KINABUKASAN ay maaga pang niyaya ni Rye sa Makati Medical Center si Shane. Mas mabuti na raw iyung ma-confirm nila kung buntis nga siya para at least ay alam nila kung ano ang gagawin.

"Kinakabahan ako, Rye," bulong niya sa kaibigan bago pumasok sa private clinic ni Dra. Grageda.

"Gaga! Bakit ka kakabahan? Hindi ka mamamatay sa check up no!"

Napatingin kay Rye ang nurse na nag-a-assist kay Shane. Inirapan lang iyun ng bading. Kahit papano ay natawa ang dalaga. Hindi na kasi nakasama sina Lee at Marigold sa Makati Med dahil ang dalawa ang naiwan sa unit ng tita ni Rye sa One McKinley Place para magligpit ng mga iniwan nila. To make sure na malinis at maayos ang lugar. Pero magkikita sila ng lunch time sa Greenbelt 5 para doon kumain.

Nang makuha niya ang resulta ng kanyang pregnancy test ay ipinakita niya iyun kay Rye. Hindi na binuksan pa ng bading ang laman ng envelope.

"Tama ako no? Buntis ka nga."

"Seven weeks," halos pabulong na sagot niya. Sabay silang lumabas ng private clinic saka nanghihinang umupo sa coach sa may hallway. "Seven weeks akong buntis."

Hindi pa rin siya makapaniwala. Ganun pala ang pakiramdam ng lumulutang. Nakikita niyang gumagalaw ang bibig ni Rye- nagsasalita ang kaibigan niya pero wala siyang naririnig. Ang tingin din niya sa paligid ay naka-slow motion lahat. Saka lang siya parang natauhan nang maramdamang niyuyogyog na siya ni Rye.

"Shane, ano ba! Hoy!"

"Anong gagawin ko?" Bago pa niya napigilan ang sarili ay muling namuo ang luha sa mga mata niya. Hindi niya tuloy maintindihan ang sarili kung bakit dumoble yata ang pagiging emotional niya. Konting kibot ay lumuluha siya!

"Tears of joy po yan, sir," sabad ng isang nurse na lumapit sa kanila. "Ganyan po talaga pag first baby." May iniabot itong papel.

Kahit umiiyak ay kinuha niya iyun saka binasa. "Ano 'to?"

"Mga vitamins po na kailangan niyong bilhin." Ngumiti ang nurse sa kanila ni Rye. "Congrats po uli sa baby ninyo."

"Mukha ba akong tomboy?" wika ni Rye.

"Ho? Hindi po sir," mabilis na sagot ng nurse.

"Exactly. Hindi ako tomboy para pumatol sa babae, okay."

"Sir..."

"Bakla ako kaya wag mo akong ma-sir-sir diyan. At hindi ako ang ama ng baby niya!"

Napatakbo palayo ang nurse dahil sa takot kay Rye. Hindi tuloy napigilan ni Shane ang matawa despite her problem.

"Pati ba naman nurse tinakot mo."

"Kanina pa ako imbyerna e. Tears of joy daw!" Tumayo na si Rye at hinawakan siya sa may braso para makatayo na rin. "Hindi niya alam na mas babae pa ako sayo!"

After nila sa Makati Med ay dumiretso na sila sa Greenbelt 5. Andun na sina Marigold at Lee, nakapag-order na rin ng pagkain. They asked her kung ano ang magiging plano niya ngayong kumpirmado na ngang buntis siya.

"Life will go on. Hindi naman porke't nabuntis ako e ma-depress na ako?"

"Pero ayan, tumutulo na naman ang luha mo," puna ni Lee.

"Sobra kasing sensitive ang mga babae kapag buntis," paliwanag ni Marigold. "Ganyan din ako noon. Laging napapaiyak."

"Sige, ipagpatuloy mo yan Shane, para paglabas ng anak mo, kukunin agad sa soap opera. Sanay na sa iyakan," ismid ni Rye.

"Sorry, ang bilis ng luha ko e!" Natatawa rin siya sa mga hirit ni Rye pero hindi lang talaga niya makontrol ang mga luha.

"Ano ba ang itsura nung lalake?" tanong ni Lee. "Curious lang ako ha. Kasi kung si Mark yan, at least alam ko nang guwapo or maganda ang magiging anak mo."

"Oo nga. Guwapo ba yung naka-one night stand mo?" tanong din ni Rye.



Saglit na natigilan si Shane. Naisip niya nang una niyang makita ang lalake sa bar. He was breathtakingly handsome. Good features, yes. But there was something more.

"Yes. Guwapo siya." Napangiti siya nang maalala kung papano tumawa ang lalake nang sabihin niyang sombrero ni Boy George ang suot ng kaibigan nito. "Ibang klaseng guwapo."

"Sigurado ka? Baka naman kahawig ni Cachupoy?" Duda si Rye.

"Naaalala mo ba kung saan ang bahay niya?" tanong ni Marigold.

"Sa Fort Bonifacio."

"Puntahan natin," halos magkasabay na sambit nina Lee at Rye.

"Ayoko!" mabilis na tanggi niya. "Baka sabihin niyang naghahabol ako."

"Gaga! Gusto lang naming makita!" ani Rye.

Tumango rin sina Lee at Marigold. Pero tigas siya sa kakailing.

"Makita lang namin siya. Ituro mo lang!" pakiusap ni Lee. "Hindi kami magsasalita or kikibo. We just want to know kung sino ang ama ng dinadala mo."

"Pag-isipan mo lang, okay?" si Marigold, diplomatic as always.

The Cavaliers: TRISTANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon