CHAPTER TWO

14.7K 299 1
                                    



"HELLO," bati kay Tristan ng babaeng katatayo lang mula sa table ng dalawang government officials.

Nasa Manila Hotel ang binata para sa isang dinner party bilang escort ng Secretary of Justice. Nang maka-graduate kasi sa PMA ay agad na nagtraining sa Cavite ang binata para maging isang Navy Seal- ang elite group ng Navy. After his training ay na-assign siya sa Department of Justice para maging aide ni Secretary Calaca.

"You look familiar," wika muli ng babae na nasa tabi na niya. Nakangiti ito sa kanya. Ngumiti din siya pero hindi nagsalita. Sanay na siyang tahimik lang, lalo na kapag nasa trabaho. "Have we met before?"

Pareho silang nakatayo ngayon malapit sa table kung saan nakalagay ang mga drinks para sa guests. Ang kanyang boss ay nakapwesto ilang hakbang lang mula sa kinatatayuan niya. Kausap nito ang isang senador at isang kongresista. Naisip niyang wala naman sigurong masama kung sasagutin niya ang tanong ng babae. After all, hindi talaga siya sanay na mang-isnab ng mga babae.

"I don't think so, Miss. Bago pa lang ako sa trabaho ko," aniya na ngumiti uli.

"Oh. Anyway, my name is Pia." Inilahad ng babae ang kamay. Napilitan tuloy siyang tanggapin iyun.

"Tristan." Yun lang at ibinalik na niya ang atensiyon sa mesa kung saan naroroon ang binabantayan.

"Are you with Secretary Calaca or Senator Teodoro?"

Muli siyang napatingin sa babae. Bakit ba siya kinukulit nito? Gusto na niyang magduda!

"Don't worry, pamangkin ako ni Colonel Aguirre. Ayun siya o," pahayag ng babae na tila nahuhulaan ang iniisip niya. Ang itinuro nito ay ang lalakeng naka-army uniform at katabi ng isang cabinet member.

Ngumiti siya kay Pia. It was hard to ignore the woman.

"Here's my card. You can call me anytime." Iniabot ni Pia ang kanyang calling card.

"Pasensya na, wala akong calling card e."

"It's alright. You can just give me your number."

He was about to give his number pero biglang tumayo si Secretary Calaca. Agad siyang naging alerto at sinenyasan ang isa pang security ng Justice Secretary na ihanda ang sasakyan.

"I'm sorry, Miss. Paalis na kasi kami," nasabi na lamang niya. "Tawagan nalang kita," aniya bago tuluyang makalayo.

"I'll wait for your call!"



It took him two days bago naalala ang calling card na ibinigay ni Pia. Kung hindi pa nalaglag ang maliit na papel mula sa kanyang pantalon, malamang na naisama iyun sa kanyang laundry.

"Ang tagal mo namang tumawag," wika ni Pia nang matawagan niya ito.

"Sorry, busy kasi."

"Okay lang. So ito ang number mo?"

"Oo."

"Isi-save ko na ito ha."

May ilang minuto pa silang nag-usap bago siya nagpaalam sa babae. The next day ay si Pia na ang tumawag sa kanya- niyayaya siyang lumabas. After that ay naging madalas na ang pagkikita nila kapag bakante siya, hanggang sa tuluyan na ngang naging sila. Actually si Pia ang nagsabi sa kanya tutal parang sila na rin naman- why not make it official? Hindi na siya kumontra, after all, wala naman siyang steady date or matatawag na girlfriend. Babae na ang lumalapit sa kanya, tatanggi pa ba naman siya?



HINDI nakatulog ang binata ng gabing iyun. Bumalik-balik sa isip niya ang anunsiyo ni Pia. Ni hindi pa kilala ng mga magulang niya ang kanyang nobya. Isang taon na rin naman siyang hindi nakakauwi sa kanila sa Palawan. Masyado kasi siyang naging abala sa trabaho.

Oras na kaya para ipakilala ko siya sa pamilya ko? Naisip ni Tristan na wala namang masama kung makilala nga ni Pia ang mga magulang niya at mga kapatid, pero there was this nagging feeling inside him na kapag ginawa niya iyun ay lalo siyang mahihirapang tumanggi sa gustong mangyari ni Pia na magpakasal na sila.

Bakit mo naman siya tatanggihan? She's your girlfriend. Agad na nakaramdam ng guilt ang binata sa naisip. Bakit nga ba kasi may pumapasok na ganung ideya sa utak niya?

Mahal naman niya si Pia at nag-e-enjoy naman siyang kasama ang babae- although there are times na naiisip niyang nasobrahan ang pagiging moderno ang nobya- patunay na ang paninigarilyo nito na hindi matanggal-tanggal.

Kung magpapakasal kami, kailangan niyang huminto. Who was he kidding? Alam niyang hindi napagsasabihan si Pia.

Bad trip talaga!





"IKAKASAL ka na?" Nanlalaki ang matang tanong ni Jude sa kanya. Mistah niya ang lalake, pareho silang naka-base sa Naval Station sa Sangley Point, Cavite.

Bagama't may sarili na siyang condo unit sa Bonifacio Heights sa Fort Bonifacio, may natutuluyan pa rin naman siyang quarters kapag nasa naval base siya sa Cavite at si Jude ang ka-share niya sa kuwarto. Once every two weeks ay nagre-report siya sa Cavite at doon siya natutulog sa quarters. Katulad ng araw na iyun- may mga inasikaso siyang papeles kaya't doon na siya dumiretso sa quarters. Naabutan niya si Jude na kararating lang din mula sa Subic at nagkakuwentuhan sila. Nasabi niya ang tungkol sa ginawa ni Pia kaya nag-react ang lalake.

"Hindi nga. I mean, hindi pa kami ikakasal pero yun ang sinabi ni Pia sa harap ng parents niya."

"Pero ganun na din yun, bok. Expected na nilang anytime ay magbibigay kayo ng exact date at iba pang detalye tungkol sa kasal," wika ni Jude habang nag-aayos ng kanyang malaking traveling bag. Isini-separate na nito ang mga maruruming damit.

"Hindi pa nga kami nag-uusap ni Pia tungkol doon."

"Alam niyang nagpo-protesta ka?" Kahit hindi niya kasi i-verbalize, alam ni Tristan na ramdam ni Jude na hindi siya pabor sa anunsyong ginawa ng nobya.

"Hindi ko alam kung nahalata niya. Pero tinanong ko siya agad that day- sabi ko bakit niya ginawa iyun e hindi naman totoo. Tumawa lang."

"E kasi nga, seryoso na siya bok."

"Yun nga e. Saka na-excite yung mommy niya. Parang ang sama ko namang tao kung sabihin kong sinungaling ang anak nila dahil wala pa naman talaga kaming napag-uusapan tungkol sa kasal." Umupo sa kama niya si Tristan, saka uminom mula sa hawak na bottled water. "Nakaka-konsensya di ba?"

"Mas makonsensya ka kapag nagpakasal ka na hindi naman bukal sa kalooban mo. Kasi baka mag-suffer ang marriage ninyo. Remember, sagrado ang kasal."

"Para kang marriage counselor, bok!" wika niya in an attempt to lighten the conversation.

Natawa si Jude sa sinabi niya. "Di ba galing akong seminaryo bago pumasok sa PMA?" paalala nito sa kanya.

"Oo nga pala. Ikaw nga pala ang leader ng religion org noon."

"Ang sinasabi ko lang bok, pag-isipan mong mabuti ang gagawin mo. Baka mamaya, magsisi ka rin."

"Di ko nga alam ang gagawin ko. Nalilito pa talaga ako."

"Ipagdasal mo bok! I'm sure bibigyan ka Niya ng sign."

Ngumiti nalang si Tristan sa huling sinabi ng mistah.

Kailangan niya talaga ng napakaraming sign bago humarap sa altar!

The Cavaliers: TRISTANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon