"Oh, naliligo ka ba? Sorry ha." Nakaramdam siya ng pamumula ng pisngi. What if yayain siya ni Mark sa shower? Anong gagawin niya?

Ayaw man niyang aminin pero bigla siyang na-excite!

"Ang bilis naman ng delivery natin." Nagulat si Shane nang may marinig na ibang boses- babae- at nasa likod ni Mark.

Dahan-dahan niyang sinilip ang pinagmulan ng boses. Parang slow motion sa pelikula.

"Shane... honey, it's not what you think..."

Nanlaki ang mga mata ni Shane nang makilala kung sino ang babaeng nakatayo sa likod ni Mark. Si Yvette Gallardo, isang baguhang sexy model. Nagpictorial pa sa studio nila ang babae for lingerie fashion.

"Miss.... Miss Shane..." namutla ang babae nang makita siyang nakatayo sa pintuan. Napaatras ito at hindi alam kung papano itatago ang sarili. "Naki.... Nakiligo lang po..."

"Shane...." Nasa boses ni Mark ang panginginig. Tinakasan na rin ng kulay ang mukha nito.

Imbes na mag-eskandalo or magwala, ngumiti lang siya. Tiningnan niya si Mark, then si Yvette and balik uli kay Mark.

"Mark, I may be naïve, but I am not stupid and most especially- I was not born yesterday." Tumalikod na siya at mabilis na nagtungo sa elevator.

Hinabol siya ni Mark, mabuti nalang at nagbukas agad ang elevator. Pasara na iyun nang maabutan siya ng lalake. Pinigilan pa nito ang pagsasara.

"Please, let's talk honey. Please Shane!"

"Wala na tayong pag-uusapan pa, Mark. I have a perfect vision. Alam ko kung ano ang nakita ko."

Nagbukas ang elevator pero hindi pa rin siya lumabas. Papasok sana ang lalake sa loob pero may ilang tenants din ng condo na pumasok sa elevator at pinagtitinginan na sila. It was a scene straight out of the movies!

Very Cutting Edge, naisip niya. Napangiti pa siya nang maalala ang pelikula na ipinalabas noong 1992 kung saan nahuli rin ni Kate (Moira Kelly) ang kanyang skating partner na si Doug (DB Sweeney) na may kasamang ibang babae sa kuwarto. Hinabol din ni Doug si Kate hanggang sa elevator na nakatapis lamang ng tuwalya.

Kung pelikula lang sana ang buhay niya, at least alam niyang magkakabati rin sila ng lalake and they will live happily ever after. Pero iba ang buhay niya, kaya eto siya ngayon, nasa loob ng kotse niya at umiiyak. She was hurt beyond words!

Pero kung nasaktan siya, higit sina Rye, Marigold at Lee. Galit na galit ang mga ito nang malaman ang ginawa ni Mark. Tinawagan niya kasi ang mga kaibigan na puntahan siya sa townhouse niya dahil may nangyari daw. Agad namang dumating ang tatlo at nang ikuwento niya ang naabutan sa condo ni Mark- sabay-sabay na nagreact ang tatlo!



"That bitch," ani Rye na ang tinutukoy ay si Yvette. "I'll destroy her photos. Wag nang ilabas yan sa magazine. Sabihin mo sa manager ng Sparkle na hindi tinablan ng camera ang lecheng yun! Let's get a new model. I don't want to see sluts on my page." Hiningal si Rye sa pagsasalita. Napainom tuloy ito ng tubig.

"Sa Greenhills lang nakatira yan di ba? Malapit lang dito," wika ni Lee. "Akina na nga ang kumpletong address! Padadalhan ko ng poison letter!"

"Sabi na nga ba, wala akong tiwala dun sa Yvette. Malandi talaga!" Si Marigold, namumula sa galit.

Kulang na lang ay sugurin ng tatlo si Mark at patayin. Lahat na yata ng pagmumura ay nagawa na ni Rye- isinumpa rin nitong hindi na aangat pa ang mga career nina Mark at Yvette. At alam ni Shane na may clout si Rye sa advertising at fashion world. Ganun din ang sinabi ni Marigold- kakausapin umano nito ang mga kaibigang may ari ng mga talent agencies na huwag bigyan ng raket sina Mark at Yvette. Ang gusto namang mangyari ni Lee ay ipakulam na lang ang dalawa para mas madali daw.

She was grateful for her friends- at least may karamay siya sa sakit na naramdaman. At least hindi siya nag-iisa.





NASA Eastwood na si Shane. Ibinigay niya sa guwardiya ang parking ticket saka nagdrive na pabalik ng Pasig. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang nangyari. Pano niya naibigay ang sarili sa isang estranghero? All she wanted last night was to have a drink- pero hindi dumating si Lee. Pareho namang may lakad sina Rye at Marigold, kaya siya lang mag-isa ang nagtungo sa bar.

Okay lang din naman sana na uminom siyang mag-isa. Pero ang di niya maintindihan ay kung paano siya naisama ng lalake sa condo nito. Ganun ba siya kalasing?

Malamang. Hindi naman kasi siya sanay talagang uminom- hanggang isang basong wine lang siya o kaya ay champaign. Lately lang ay parang gusto niyang mas makatulog agad kaya napapainom siya ng higit sa kaya ng sistema niya.

Gusto na naman niyang sisihin si Mark. Kung hindi sana siya niloko ng lalake, hindi sana siya lumalabas na mag-isa para uminom. After all, three weeks pa lang naman simula nang mahuli niya ang lalake with Yvette. Sariwa pa ang sakit. Pero alam niyang nasa kanya ang control at wala sa ex-boyfriend. Sa loob-loob niya, oo nga at nasaktan siya- pero bakit niya sisirain ang buhay niya?

I should stop thinking of ways to justify my action. Naisip niyang baka next time ay mas grabe pa ang mangyari sa kanya!

Nang araw na yun ay nangako si Shane sa sarili na babawasan na ang paglabas-labas niya. Hindi na talaga. Promise.

The Cavaliers: TRISTANWhere stories live. Discover now