Chapter Two

1.2K 36 5
                                    


"Ikaw talagang bata ka hindi ka talaga mapigilan pag may gusto kang gawin, tignan mo nakalimutan mo na mananghalian dahil sa kakapinta." Sermon na naman sakin ni nanay.


"May naisip na naman kasi akong ipinta nay at ayoko namanpalagpasin at baka makalimutan ko pa Kaya ipininta ko na at charaaaaan!! Maganda ba nay?" Tanong ko rito na tinitignan ang obra ko.

"Ang ganda anak. Sobrang ganda ng gawa mo. Para kang propesyonal na pintor, panigurado maraming bibili ng mga gawa mo." Puri nito.


"Talaga? Baka naman napipilitan ka Lang nay Ising ah?"


"Ano ka ba! Nagtatanong ka tapos hindi ka maniniwala. Hay nako!"


"Biro lang nay Ising.. halika na po at ako'y nagugutom narin po.." Aya ko na rito.


"Aba'y maghugas ka na muna o maligo ka na lang dahil ang dungis dungis mo na sa pintura." Turan nito na kinatango ko at agad na tumayo para maligo.


"Hmmm... Ang sarap sarap niyo talagang magluto nay Ising. Buti nalang at hindi po ako tumataba sa mga luto ninyo." Puri ko habang lamon ng lamon sa pancit nito.


"Kumain ka lang ng marami at nang maging malusog ka." Malunay nitong turan habang haplos ang buhok ko.



"Ang ganda ganda mong bata Freisha." Biglang singit nito.


Napangiti naman at kinilig sa sinabi nito.



"Talaga nay Ising? Kamukha ko po ba yong mga barbie dolls ko?" Tanong ko.


"Aba'y oo, Ang ganda mo at matangkad ka pa. Maraming mabibighani sayo."



"Yehey! May magkakagustong prinsipe sakin!" Sigaw ko.na kinagulat nito.


"Diyos kong bata ka wag kang maingay at parang maririnig na ang boses mo sa buong bayan." Suway nito.


"Siya nga pala, aalis muli si nanay ha kaya dumito ka muna mabilis lang ako.."

Tumango na lamang ako at hindi na kumuntra pa dahil kahit ano namang pakiusap ko Hindi naman ako isasama no Nay Ising.


**


Bagot na bagot ako dito sa veranda habang nakapalumbaba. Kanina pa nakaalis so Nay Ising at hinihintay ko nalang ang pagbabalik niya.


Wala na kasi akong magawa. Tapos na akong magpinta, sawa narin akong paglaruan ang mga dolls ko.


Nais ko sanang magdilig pero baka nadiligan na no nanay Ang mga bulaklak Kaya Ito ako ngayon, bagot.

Nakatingin lang ako sa gate habang tahimik na humihiling.



"Sana dumating siya." Bulong ko habang kagat labing naghintay sa kanya.


Tuwing ganitong oras at araw kasi ito dumarating.


Agad na napaayos ako ng tayo ng natanaw ko ang isang estranghero na puro itim Ang suot at nang tumingala Ito sa gawi ko ay napangiti ako bago nagmamadaling bumaba at tinahak ang daan patungong gate.




Dumating siya. Dumating siyaaaaa



Tumakbo ako sa malawak na bakuran at umaasang maabutan ito.




"Sandaliiiiii!!!"



Nakatalikod na ito nang tawagin ko. Nakita ko ang paghinto nito pero hindi rin kalaunan ay nagpatuloy na.




Invaded By Niles Nograles [ON-GOING]Where stories live. Discover now